Halik
nandito pa rin ako sa puno kung saan ako nakaupo, ayoko munang umalis dito hindi pa ako handa makita ulit si Alonzo
napag-isip isip ko na tigil-tigilan ko ang pagtawag sa kanya ng Alonzo dahil amo ko siya at katulong lang ako sir na dapat ang itatawag ko sa kanya
hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan naiilang ako sa presensya nito at hindi ako mapalagay sa tuwing lalapit siya sa akin
pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil simula bukas ay pagsisilbihan ko na siya, hindi ko alam kung tagalinis nga lang ba ako ng mga silid, dahil may sinabi siya kanina na parang magiging yaya niya ako, lahat ng iutos niya ay susundin ko
kung kelan naman iniiwasan ko siya ay ito pa ang nangyari pano ko maiiwasan itong nararamdaman ko kung magiging malapit ako sa kanya
pansin ko kasi na halos lahat ng kasambahay dito, ako lamang ang pinakabata kaya siguro ako ang napili niyang maging yaya niya dahil paniguradong di na kaya ng iba dito dahil nakatatanda sila sa akin
hayaan ko na lang wala na akong magagawa, nandito na to hindi na ako uurong para din naman to sa pamilya ko kaya kakayanin ko ito
"Anna?"
biglang may nagsalita sa baba kaya nagulat ako at bigla na lang akong nahulog, sa sobrang bilis ng pangyayari ay napapikit na lang ako at inaasahan na babagsak sa lupa
isa
dalawa
tatlo
apat
nagbilang ako ngunit hindi pa rin naramdaman ang lupa kaya dahan dahan kong minulat ang isa kong mata
>__O
ngunit nagulat ako na muka ni Alonzo ang bumungad sa akin
O__O
nanlaki ng mata ko dahil sobrang lapit ng muka niya sa akin halos maamoy ko na ang hininga niya
napakurap kurap ako at biglang natauhan, bigla na lang akong gumalaw at nabitawan niya ako sa isang braso niya kung kayat tuluyan na akong bumagsak sa lupa pero ang kinagulat ko ay bigla siyang nadala sa aking pagbasak marahil nakakapit pa siya kaya napasama siya sa akin
napapikit ako ng dahil sa sakit pero may iba akong naramdaman sa aking labi, parang may malambot na kung ano ang lumapat dito
minulat ko ang mata ko at laking gulat ko na nakadikit pala ang mga labi ni Alonzo sa aking labi
hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa gulat napakurap kurap na lang ang aking mata
isa
dalawa
tatlo
tila natauhan na naman ako at bigla ko siyang naitulak dahil sa gulat
unang halik ko iyon! tapos nakuha niya lang ng ganon ganon! nasan ang katarungan?!
"a-ah pasensya po Sir n-nagulat lang po a-ako" paghingi ko ng paumanhin dito dahil sa pagkakatulak ko sa kanya
pero nakita kong nakatulala ito habang nakaupo sa lupa, baka nagulat din dahil doon sa halik
maya maya pa ay bigla siyang tumayo, pinagpagan ang kanyang suot at umiwas ng tingin
pansin ko ay medyo namula ang kanyang magkabilang tenga
"S-sir a-ayos lang po ba k-kayo? namumula po ang tenga niyo" lakas loob kong tanong dito, kahit sa loob loob ko ay nangangatog na ang aking tuhod
"a-ah oo a-ayos lang ako, i-ikaw ba wala bang masakit s-sayo?" utal na sambit nito nang hindi nakatingin sa akin
kung sa bagay sinong hindi maiilang matapos ang nangyari diba, ako nga halos kulang na lang ay lumubog dito dahil sa kahihiyan
"opo Sir ayos lang po ako, u-uhm sige po pasok na po ako sa loob" hindi ko na hinintay na makasagot siya at dali dali akong tumakbo papunta sa bahay dumiretso ako sa kwarto namin ni inay sabay sarado ng pinto
buti na lamang ay wala si inay dito sa loob, napasandal ako sa likod ng pinto
napakahawak ako sa labi ko, naalala ko yung nangyari hindi ko inakala ma mangyayari yon hindi ko inaasahan! bakit ganto? kung kailan inaalis ko ang nararamdaman ko ay saka naman ito nangyari
nakakahiya! hindi ko alam kung pano ko pa siya haharapin matapos ang nangyari, bukas pa naman ang umpisa ko ng pagtatrabaho tapos nangyari naman iyon
humiga ako sa kama at nagpagulong gulong, hindi mawala sa isip ko yung halik
napakalambot ng labi niya! parang may mga paru-paru na nalipad sa loob ng tiyan ko kanina at ang lakas ng kalabog ng dibdib ko
ano ba tong nangyayari sa akin laging ganito ang nararamdaman ko nitong nakaraang araw
hindi kaya tama si bunso? may gusto na nga ba talaga ako sa kanya?
pero hindi ko ikinakaila na gwapo naman talaga siya, sinong hindi mabibihag sa taglay niyang kagwapuhan per alam kong mali ito!
maling mali ito
hindi kami maaari
napapikit na lang ako habang nakatihaya dito sa kama, hindi ko lubos maisip na dahil lamang sa gulat ay nagdikit ang aming mga labi
hindi ko inaasahan na mangyayari yon, kundi naman dahil sa kanya ay hindi ito mangyayari
nananahimik ako doon, siya itong nanggulat sa akin kaya ako nahulog
paano nato?
paano ko siya haharapin nito?
to be continued....
sorry short update lang, naubusan ako ng ideya haha
vote and comment po thanks ^__^
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Teen FictionAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...