Kwarto
SIYA?!
nanlabot ang tuhod ko sa nakita at narinig ko, napakapit ako pader ng silod hindi ko kinaya to! bakit siya?! sa dinami dami ng pede naming pagsilbihan bakit siya pa?! hindi ko alam kung kaya ko ba to o hindi, baka magtaka si inay kung sasabihin kong ayaw ko ng mamasukan bilang kasambahay, wala na akong maitutulong kila inay kung hindi ko siya sasamahan rito mahirap lang ang buhay namin kaya kailangan naming kumayod mukang wala na akong magagawa nandito na ako wala ng urungan
"ayos ka lang ba Anna?" tanong sakin ni Alonzo nahalata siguro niya na bigla akong napakapit sa pader
"a-ayos lang ako" sagot ko dito
"naku iho ikaw pala iyan, ikaw ba ang may ari ng mansyon na ito?" tanong ni inay dito
"opo nay Juliana sakin na po ito ibinilin sa akin ng mga magulang ko simula ng pumanaw sila" sabi nito na may halong ngiti na halata namang pilit at nakita ko sa mata niya ang lungkot
"ay naku iho pasensya na" paghingi ng tawad ni inay dito
"ayos lang po, matagal na rin naman po yun alam ko naman pong masaya na sila" sagot nito kay inay
"maupo po kayo" pahabol na sabi nito habang sumesenyas na umupo kami sa upuan
*
walang napasok sa isip ko, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya, tila mawawala na ata ako sa sarili, anlakas ng kabog ng dibdib ko, ano ba tong nangyayari sakin kung ano ano nararamdaman ko
"ah Anna? nakikinig ka ba?"
"anak?"
"Anna?"
"Maria anak?"
bigla akong natauhan ng may naramdaman akong kurot sa aking tagiliran
"Aray!" napatingin ako sa kumurot sakin, si inay pala
"nakikinig ka ba anak? kanina ka pa namin tinatawag, ayos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong sa akin ni inay
"a-ayos lang ako nay medyo masama lang ang pakiramdam ko" sagot ko kay inay
"ah kaya mo pa ba? masyadong bang masama pakiramdam mo? ayos lang sa akin kung bumalik na lang kayo bukas dit--"
"h-hindi a-ayos lang kaya ko naman" naiilang na sabi ko dito, iniwas ko na lang ang tingin ko
"sigurado ka ba anak?" tanong ni inay sa akin
"opo nay medyo napagod lang sa paglalakad natin kanina" pagsisinungaling ko kay inay
naiilang lang talaga ako at kinakabahan sa presensya ni Alonzo tsaka napagod din naman talaga ako kanina sa paglalakad namin, anlayo kaya ng bahay na ito inabot kami ng halos isang oras at kalahati bago makarating dito
"kayo po pala nay Juliana ang iaatas ko sa kusina, maalam po ba kayong magluto?"
"oo naman iho, lahat ng putahe ay alam ko kung paano" pagmamayabang ni inay dito
sa totoo lang ay sikat si inay sa aming baryo dahil magaling ito magluto, maraming nagpapaluto sa amin kung kayat minsan ay maraming tao sa amin dahil dinadayo nila si inay
"mabuti naman po, at si Anna naman po ay tagalinis po ng mga silid pero sa ikatlong palapag po dahil meron ng mga nakaatas sa una at ikalawa" sabi ni Alonzo
tagapaglinis daw ako sa mga silid-- teka, teka... ng mga silid? hindi ako katulong ni inay sa kusina? magkahiwalay kami ni inay? okay sobra na ako sa reaksyon ko eh magkikita naman kami ni inay tsaka ano kung sa mga silid ako? sus mga silid lang yan--
"kasama ang kwarto ko sa lilinisan" naputol ang iniisip ko sa sinabi niya
teka kwarto niya? lilinisan ko din? wahh! ano bang nangyayari sakin bakit ganto? una nalaman ko na siya ang amo namin pangalawa hindi ko katulong si inay sa kusina tapos ito naman ngayon kwarto niya lilinisan ko rin? ano pang susunod?
"k-kwarto m-mo d-den?" utal na tanong ko dito
"oo Anna, tsaka iilan lang din naman ang mga silid sa ikatlong palapag kaya hindi ka masyadong mahihirapan" sabi nito
kwarto niya? makikita ko ang kwarto niya! pakiramdam ko ay nag-init bigla ang pisngi ko dahil don
"at tsaka po pala nay Juliana dito po kasi ang mga kasambahay namin ay dito po natigil, nauwi lamang po sila tuwing sabado at linggo tapos ay babalik na rin po ng linggo ng hapon"
paano yun? kami din hindi uuwi? paano sila itay? sila kuya si bunso. ano ba yan sunod sunod na to ha bakit parang ang malas ko ngayong araw
"ay ganon ba ser naku hindi po namin alam na ganito pala, hindi ko nasabi sa asawa ko at mga kapatid ni Anna" sabi ni inay
"okay lang po nay Juliana tsaka wag no po kayong mag "ser" nakakailang po eh, tsaka kung di pa po niyo nasasabi ay pwede po po kayong umuwi at sabihin sa kanila, para makapag-umpisa na din po kayo. sabado pa lang naman po ngayon sa lunes pa naman po ang umpisa niyo" mahabang paliwanag ni Alonzo
nakahinga ako ng maluwag dahil masasabi pa namin kila itay at kuya at bunso may isang araw pa kami bago kami bumalik ulit dito
parang nagsisisi ako na sumama ako kay inay dito mamasukan pero wala akong pagpipilian nandito na to at tsaka sayang din naman ang sahod namin, makakatulong din ito para samin
"ay ganon ba ay siya sige iho uuwi na muna kami at magpapaalam, sa lunes ay aagahan namin para makapag umpisa na kami" sabi ni inay
"sige po nay Juliana" sagot ni Alonzo
palabas na kami ni inay ng pinto ng biglang nagsalita si Alonzo
"mag-iingat kayo Anna" sabi nito
kumalabog na naman ang dibdib ko dahil doon..
ano ba tong nangyayari sa akin may sakit na ba ako?
to be continued....

BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Genç KurguAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...