Mahal kita
Makalipas ang isang buwan.....
"ano ba Alonzo bitiwan mo ako" natatawang sabi ko dito na ibaba ako
paano ba naman kasi buhat buhat niya ako na para kaming bagong kasal
nandito kami ngayon sa hardin sa likod ng mansyon ito ang nagsilbing paboritong lugar namin ni Alonzo dahil marami kaming alaala dito
dito ko siya pinayagang manligaw...
dito unang naglapat ang aming mga labi...
dito kami nagka-aminan ng aming nararamdaman....
at dito din ang lugar kung saan ko siya sinagot at naging nobyo....
*
tatlong buwan ang nakaraan ng manligaw sa akin si Alonzo
halos lahat ng oras niya ay nakatuon lamang sa akin
alam na din ng ibang kasambahay na nililigawan ako ni Alonzo at halos lahat sila ay tuwang tuwa dahil matapos ng ilang taon ay naging masaya muli si Alonzo
masaya ako ngayon dahil naisipan kong sagutin na si Alonzo, napag-usapan na namin ito ni inay sinabi ko na sa kanya na may balak na akong sagutin si Alonzo kahit sila itay ay alam din dahil alam kong pag hindi ko sinabi ay magagalit sila
suportado naman nila ako sa desisyon ko basta lamang daw ay wag akong sasaktan ni Alonzo dahil lagot daw ito sa kanila
kaya andito ako ngayon sa puno kung saan ako lagi nakatambay, kakatapos ko lang maglinis, kahit na nililigawan ako ni Alonzo ay hindi ko nalimutan ang pagtatrabaho ko hindi porket nagliligawan kami ay hindi na ako magtatrabaho
inaantay ko si Alonzo dahil sinabi ko sa kanya na mag-uusap kami, niloko ko pa siya kanina dahil noong sinabi ko na pumunta siya dito dahil mag-uusap kami ay binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti at hindi ko hinayaang sumagot dahil lumabas agad ako
alam kong may ginagawa pa siya kaya siguro hindi siya agad nakasunod habang inaantay ko siya ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sinasagot ko na siya
maya maya pa nakita kong paparating na si Alonzo, pinakita ko ang muka ko sa kanya na may lungkot na ngiti
nakita ko sa muka nito ang pag-aalala at kita ko sa mata nito na medyo kinakabahan siya dahil pansin ko na pag kinakabahan siya ay mabilis ang pagkurap ng kanyang mata
"Alonzo m-may s-sasabihin s-sana ako s-sayo" nauutal na sabi ko dito pinalungkot ko pa lalo ang muka ko kung kayat lalo siyang nabahala, kahit sa loob loob ko ay gusto kong tumawa
"ano yun Anna?" tanong nito na may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata
nitong mga nakaraang araw kasi ay iniwasan ko siya dahil plano ko nga na sagutin na siya kasama iyon sa plano ko para magmuka na umiiwas ako at papatigilin ko na siya sa panliligaw umepekto naman kaya heto siya sa harap ko paiyak na
"ano... ano kaso ahmm" pabitin ko sa sinasabi ko
"Anna please ano yun? may nagawa ba ako? may nasabi ba ako? bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang araw? patitigilin mo na ba ako sa panliligaw Anna? ayaw mo na ba sa akin?" sunod sunod na tanong nito sa akin
hindi ko mapigilang matawa dahil doon pero agad ko ding binalik sa dati ang muka ko baka pumalpak pa ako sa plano ko
nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko hinawakan ang aking mga kamay at pansin ko na konti na lang ay babagsak na ang kanyang luha
"Anna please sumagot ka naman" sabi ulit nito
kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, hindi ko alam kung pano ito sisimulan pero bahala na kaya ko to!
"Alonzo masaya ako.. masaya ako kasi nakilala kita masaya ako sa piling mo walang araw na hindi mo pinaramdam sa akin na espesyal ako sayo nagawa mong pangitiin ako, patawin araw araw masaya ako kapag kasama mo ang pamilya ko lagi kang nariyan sa tabi ko hindi mo ako pinabayaan, si inay at ang pamilya ko, napalapit ka na sa kanila at masaya ako dahil don... masaya ako sayo Alonzo sobrang saya ko nang makilala kita at hindi ko pagsisisihan na nakilala kita.... pero kasi Alonzo gusto kong sabihin sayo na pinatitigil na kita sa panliligaw kasi---" pinutol niya ang sinasabi ko at bigla na lang tumulo ang luha sa kanyang mga mata
"Anna wag mong sabihin yan please, may... may n-nagawa ba ako sayo na h-hindi mo n-nagustuhan? may may n-nasabi ba akong m-male? n-nasaktan ba kita? a-ayaw mo na ba sa a-akin? Anna please magsalita ka nama--"
naputol ang sinasabi niya dahil bigla ko siyang hinalikan sa kanyang labi napayakap siya sa akin dahil sa ginawa ko, ramdam ko ang mga luhang tumulo sa kanyang muka dahil nakalapat ang mga labi ko sa kanya
bumitaw ako sa halik naming dalawa, nilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg at tiningnan siya sa kanyang mga mata
"hindi mo ako pinatapos magsalita Alonzo, pinapatigil na kita sa panliligaw dahil sinasagot na kita.." sambit ko dito at muling hinagkan ito ng mabilis sa labi
napakurap kurap siya habang nakatingin sa akin, ngumiti ako ng malaki sa kanya
nagulat ako nang bigla na lang niya akong binuhat at sumigaw
"YESSS!!!! Kami na ni Anna!!" paulit ulit na sambit nito habang buhat buhat pa rin ako
"tama na Alonzo ibaba mo na ako nahihilo na ako" sambit ko dito
maya maya ay tumigil na ito ngunit hindi pa rin niya ako pinakawalan, kinulong niya ako sa kanyang braso at niyakap ng mahigpit
"sobrang saya ko Anna sobra sobra" sambit nito sa akin habang nakayakap pa rin sa akin
hindi ako kumibo ninamnam ko na lang ang yakap ni Alonzo
naramdaman ko na lumabat ang mga labi ni Alonzo sa aking noo sabay bulong ng
"mahal kita Anna"......
*
"hindi ko pa din nalilimutan ang ginawa mo sa akin Anna pinaiyak mo ako dito" sabi nito habang nakasimangot
"plinano ko talaga yun Alonzo, ang kaso lang ay pinutol mo ang sinasabi ko hindi pa naman ako tapos" sagot ko dito
"pati ang pag-iwas mo sa akin ay kasama doon? hindi mo alam na nahirapan ako dahil doon"
"alam ko, sorry na nga diba ang mahalaga eh nobyo na kita" sambit ko dito sanay ngiti
ngumiti si Alonzo sakin at hindi kumibo binaba niya ako at hinigit sa kanyang braso para yakapin
"ayos lang Anna ang mahalaga ay masaya tayo" sagot nito
napakasaya ko noong araw na iyon labis ang saya sa akin dahil sa wakas ang nobyo ko na si Alonzo
hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na, umaapaw ang saya sa aking dibdib
hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, pumikit ako at bumulong...
"mahal din kita Alonzo....."
to be continued....
****
so ngayon lang ulit ako nakapag update sensya na guys hahacontinue supporting me!
thanks you sa mga nagbabasa dyan ng story ko kahit ang lame haha
enjoy reading!
vote and comment please ^__^
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Teen FictionAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...