Kabanata 2- Alonzo

11 0 0
                                    

Alonzo

KINABUKASAN

Maaga akong nagising dahil kami ni inay ay pupunta sa kabilang bayan upang mamili. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagtungo ako sa labas upang hintayin si inay.

Habang akoy nag-aantay sa labas ay pumasok na naman sa isip ko ang binatang nakita ko kahapon.

"taga saan kaya siya" bulong ko sa sarili ko. Sana makita ko ulit siya pero mukang malabo mangyari iyon.

maya maya pa ay dumating na si inay at handa na para kami ay makaalis upang mamili. nais sana kaming ihatid ni itay pero sabi ni ina ay wag na dahil kaya na namin.

habang naglalakad kami ay walang naimik saming dalawa ni inay. medyo kalayuan ng konti ang pamilihan dito kaya medyo matatagalan kami ni ina bago makarating doon. habang nagtatanaw tanaw sa paligid ay may narinig ako parang may paparating kaya lumingon ako sa aming likuran.

At nanlaki ang mata ko nang makita ko yung binata na nakita ko sa tapat ng aming bahay. sa sobrang gulat ko ay napahinto ako sa paglalakad, napahinto rin si ina at lumingon sa likuran.

"anak bakit ka napahinto?" tanong ni inay sa akin. "a-ah wala po inay" nauutal na sabi ko kay ina at humarap na ulit upang ipagpatuloy ang aking paglalakad. "anak kilala mo iyong binata na iyon?" tanong ni inay sa akin. "h-hindi po inay" sambit ko na hindi makatingin kay inay nagtataka naman ang itsura ni inay habang nakatingin sa akin.

habang naglalakad kami ay lumakas ang kalabog ng aking puso dahil narinig ko na may humintong kalase sa gilid namin ni inay "magandang umaga po sa inyo" tono ng isang baritonong boses ang umalingaw ngaw sa aking tenga.

hindi ako makalingon dahil ako ay kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. "naku iho magandang umaga rin sa iyo" sagot ng aking inay sa binata. bahagya akong siniko ni inay, para siguro sabihin na batiin ko din ito. "m-magandang umaga din" sagot ko na hindi makatingin sa mata ng binata.

"mawalang galang na ho, nais ko po sanang malaman kung saan kayo pupunta?" tanong ng binata kay inay "ay naku iho mamimili kami ng aking anak sa pamilihin, mauna na kami iho ha at baka nagaantay na aking asawa't anak sa aming bahay" mahabang sambit ni inay doon sa binata.

hindi pa rin ako makalingon dahil sa sobrang kaba, hindi ko siya magawang tingnan dahil baka akoy biglang matunaw. "saglit lng po, kung maari po sana ay gusto niyo po bang sumabay sa akin? malayo layo po ang pamilihan dito. pupunta rin naman po ako doon" pagmamagandang loob na sabi ng binata.

hindi ko alam kung anong gagawin dahil gusto ko siyang tingnan pero nakakailang. tsaka anong sabi niya na sumabay daw kami sa kanya, nakakahiya naman halatang nakakaangat ito sa buhay.

"naku iho nakakahiya naman sa iyo" sagot ni inay sa kanya. totoo naman si inay doon. pero sa loob loob ko ay gusto ko dahil gusto kong malaman ang kanyang pangalan at makasama.

"okay lng po iyon dali na po para din po makabalik din kayo agad" sagot ng binata kay inay "o sige na nga iho, maria tara na baka nagaantay na ang iyong ama sa atin" bat pumayag si inay?! nakakahiya at tsaka binanggit pa talaga ni inay ang pangalan ko samantalang ang sa kanya ay hindi ko malaman.

inalalayan nung binata si inay paakyat at susunod naman ako. naglahad siya ng kamay sa akin upang tulungan pero hindi ko yung tinanggap dahil nahihiya ako. mukang napahiya naman siya dahil dahan dahan niyang nilayo ito. nung paakyat na ako ay muntik na akong mahulog dahil nagkamali ng tapak ang isa kong paa.

parang bumagal ang paligid ko at naging malabo ang paligid naming dalawa at para bang kami lang ang nandito. nakahawak siya sa bewang ko at ang isa naman niyang kamay ay nakakapit sa gilid ng kalesa upang di kami mahulog parehas. samantalang ako naman ay nakakapit ang dalawa kong kamay sa leeg niya.

ang gwapo pala niya sa malapitan, ang tangos ng ilong, mapupulang labi, kasingkitan ang mata, makakapal na kilay at makisig na katawan. nakatitig din siya sa aking muka, di naman sa pagmamayabang pero medyo may itsura naman ako, mahahabang pilik mata, mapupulang labi, katangusan ang ilong at ang aking mata na taglay ang magandang kulay.

biglang tumikhim si inay na siyang nakapagpagising ng diwa naming dalawa upang umiwas kami parehas ng tingin at umayos ng tayo. umupo na ako sa tabi ni inay at siya ay umupo na sa harapan.

bigla akong kinurot ni inay sa tagiliran para ako ay bahagyang mapahiyaw "ah!" sabay hawak sa tagiliran ko na kinurot ni inay. "ano iyon anak ha? makatitig ka ay parang kayong dalawa lng dito" bulong ni inay sa akin na bahagyang nanlalaki ang mata. "w-wala yun inay" sabay iwas ng tingin.

"matanong ko pala iho ano nga pala ang iyong pangalan?" biglang tanong ni inay sa binata. bahagya akong kinabahan dahil sa wakas ay malalaman ko din ang kanyang pangalan.

"alonzo po" sagot nito.

"alonzo"

Itutuloy...

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon