Sakit
Matapos ang usapan namin ni Alonzo kanina ay dumiretso na ako sa aming tinutuluyan, hinatid pa ako ni Alonzo hanggang pintuan samantalang ang lapit lang nito sa pinanggalingan naming puno
"hindi mo na ako kailangang ihatid pa ang lapit lang nito sa bahay oh" sabi ko dito
hindi ito sumagot pinagkibit balikat ko na lang ito, nang makarating kami sa harap ng bahay ay huminto ako at humarap sa kanya
"dito na lang pumasok ka na rin sa loob ng mansyon magdidilim na" sabi ko dito
"Anna" sambit nito
hindi ata ito nakikinig sa akin sabi ko ay pumasok na, ano kayang sasabihin ng isang to?
"ano yun Alonzo?" tanong ko dito
"diba ay uuwi kayo bukas sa inyo?"
"oo bakit mo naitanong?" sagot ko dito
"maaari ba akong sumama sa inyo? gusto kong mamanhikan mismo sa inyo bahay" sagot nito sa akin
nagulat ako sa sinabi nito, sa bahay? mamanhikan siya doon? seryoso ba siya?
"seryoso ka ba? sa bahay namin?" tanong ko dito
"oo, gusto kong pormal na sabihin sa pamilya mo na liligawan kita" sagot nito na may ngiti sa mga labi
"ah oo naman" sagot ko dito sabay ngiti ng bahagya
nagdadalawang isip ako dahil hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa pagpunta sa bahay, alam kong mali ito at malalagot ako nito kay itay alam kong hindi sang-ayon si itay dito dahil nakatatak sa isip niya ang mga salitang iyon na ang mahirap ay para lamang sa mahirap at ang mayaman ay sa mayaman lamang
"sasama ako sa inyo bukas, ihahatid ko kayo" sagot nito
"hmm" sagot ko dito sabay tango
"sige na pumasok ka na at magpahinga, bukas na lang ulit binibini ko" sambit nito sabay halik sa aking noo
"ikaw din magpahinga ka na" sagot ko dito sabay yakap sa kanya, bumitaw din ako agad dahil baka makita pa ako ni inay mapingot pa ako sa tainga
tumango ito at ngumiti pagkatapos ay naglakad na ito papasok sa mansyon bahagya pang kinaway ang kanyang mga kamay bilang paalam kumaway din ako dito pabalik
nang mawala siya sa aking paningin ay napabuntong hininga ako ng malalim, iniisip ko kapag nakapunta sa aming bahay si Alonzo alam ko na nakarating na siya doon ng isang beses na isinabay niya kami pauwi at nangmeryenda
pero iba na ngayon pupunta siya doon na aakyat ng ligaw at hindi ko alam kung ano ang maaring mangyari
hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni itay, alam nila itay na mayroong namamagitan sa amin pero mababaw lang ito kung iisipin pero ngayon ay iba na, nanliligaw na sa akin si Alonzo at hindi ko alam kung tama ba na pumayag akong sumama siya sa amin bukas
*
nakahiga na kami ni inay pareho sa kama iniisip ko kung sasabihin ko ito kay inay pero baka magalit siya pag hindi ko sinabi agad
"nay" pagtawag ko kay inay
"bakit nak?" tanong nito sa akin
"a-ah nay kasi ano..." pabitin kong sabi kay inay
parang hindi ko yata sabihin kay inay baka pagalitan ako nito
"ano yun nak? may gusto ka bang sabihin? tungkol ba to kay Alonzo?" tanong nito sa akin
iniwas ko ang tingin ko kay inay, bumaling ang mata ko sa binta ng aming silid
"nay kasi si Alonzo, tinanong niya ako kahapon..."
"tinanong na ano? na kung pwede ka niyang ligawan?"
biglang nanuyo ang aking lalamunan tila may bumara rito, nagulat ako sa sinabi ni inay alam ni inay? narinig niya kaya kami kanina? nakita niya kaya kami? hala baka nakita ni inay yung halikan namin kanina ni Alonzo! nakakahiya!
"n-nay pano mo n-nalaman?" tanong ko dito
"kinausap niya ako kanina na kung pwede ka ba daw niyang ligawan, naglilinis ako kanina sa kusina nang lumapit siya sa akin tapos tinanong niya ako tungkol doon" pagpapaliwanag ni inay
medyo lumuwag ang aking paghinga dahil doon ang akala ko ay nakita niya kami kanina doon, baka mapatay ako ni inay kung sakaling nakita niya iyong halikan namin kanina
"a-ah pumayag ako nay, kaso sabi niya ay sasama siya sa atin bukas sa bahay para umakyat ng ligaw" sagot ko dito
"nasabi niya na rin sa akin yan anak, nagulat nga ako na sa akin niya muna unang tinanong bago sa iyo, pumayag naman ako anak kasi alam kong mabait si Alonzo at ramdam ko na espesyal ka sa kanya kaso anak alam nating panandalian lang ito" sagot ni inay habang binigyan ako ng isang tipid ma ngiti
nagulat ako na sinabi pala muna ni Alonzo kay inay bago sa akin, pero naisip ko yung huling sinabi ni inay
"alam ko po yun nay hindi ko alam na seryoso siyang manligaw sa akin, iniisip ko nga nay kung naiisip niya ba na bawal kami, kasi mayaman siya tapos ako mahirap lang hindi kami bagay para sa isa't isa, masakit mang isipin nay alam kong panandalian lang ito pero nay hindi ko po mapigilan eh hulog na hulog na po ako" sagot ko dito na may malungkot na ngiti
"anak okay lang yan, bata ka pa naman marami ka pang makikilala dyan pero anak sinasabi ko sayo na kung ayaw mong masaktan ay wag kang masyadong bumigay sa kanya dahil alam mong mali ito" pangaral sa akin ni inay
"opo nay tara nay tulog na tayo" sagot ko dito sabay pikit ng aking mga mata
pero di ko maiwasang isipin si Alonzo, seryoso ba talaga siya sa akin? hindi ba niya naiisip man lang na bawal ito? na mali ito, na hindi kami bagay
panandalian lang ito alam ko yun sa sarili ko pero bakit ganto ang nararamdaman ko?
dapat ay masaya ako, dapat ay maligaya ako kasi nililigawan na niya ako pero bakit ganito?
sa loob ko ay parang may kumukurot sa aking puso, masakit alam ko masakit na balang araw ay mawawala din ito sa akin mawawala itong sayang nararamdaman ko at alam kong mawawala din sa akin si Alonzo....
to be continued....
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Novela JuvenilAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...