Kabanata 11- Good Morning

1 0 0
                                    

Good Morning

Kinabukasan.....

Lunes na, maguumpisa na kami ni inay manilbihan dito sa mansyon

halos hindi ako makatulog kagabi ng dahil sa halik na iyon

kagabi ay nagtataka si inay kung bakit wala ako sa aking sarili, nagdahilan na lang ako na medyo pagod ako at namamahay

buti na lang ay hindi na masyadong nagtanong si inay, dahil hindi ko din alam kung paano sasabihin yung nangyari kahapon

hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isip ko iyon, paano ko siya pakikitunguhan ngayon paniguradong kahit siya ay maiilang sa akin, kahapon ay sobrang pula ng tenga niya paniguradong hindi din yon makapaniwala

pero mali eh, maling mali talaga to!

"anak halika na oras na ng trabaho" pag-anyaya sa akin ni inay

"opo nay" tamad na sagot ko dito

habang naglalakad kami ni inay papunta sa mansyon ay napakapit ako ng mahigpit sa suot ko, kinakabahan akong makita siya, ano na lang sasabihin ko..

kahapon ay mabilis ko siyang iniwan doon sa may tapat ng puno hindi ko na alam kung ano ng nangyari sa kanya doon, hindi ko alam ang sasabihin kung kaya't umalis na din ako agad

hayaan na nga kikilos na lang ako nang naaayon wala na din naman akong magagawa nangyari na yon..

*

nakapasok na kami ni inay sa loob dumiretso kami ni inay sa loob ng kusina, hindi ko alam kung saan ako didiretso dahil hindi ko pa nakikita si Alonzo

"anak dumiretso ka na sa ikatlong palapag at maglinis baka makita ka pa ni Alonzo mapagalitan ka pa non" sambit ni inay habang nag-aayos ng mga kagamitan sa lababo

"sige po nay, akyat na muna ako" sagot ko dito

umakyat ako sa ikalawang palapag nakita ko na meron ng naglilinis sa paligid siguro sila ang naiatas dito

habang naakyat ako sa ikatlong palapag ay palakas ng palakas ang kalabog ng aking dibdib dahil sa kaba

hindi ko alam kung ano ang una kong lilinisin dahil hindi ko naintindihan ang mga sinabi ni Alonzo noong isang araw, wala ako sa sarili ko noon kaya magdusa ako ngayon, kung bakit kasi hindi ako nakinig ng ayos noon

dumiretso ako sa isang kwarto, hinawakan ko ang pinto at nagulat ako na bumukas ito

pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang libo libong libro , napakarami nito merong makakapal merong maninipis at meron din na mga maliliit pero makapal

"wow, andami" manghang sabi ko

nakakamangha, napakarami nito siguro ay mahilig magbasa si Alonzo kaya ganito ito karami

nakalimutan ko hindi nga pala ako masyadong marunong magbasa pero marunong akong magsulat dahil tinuruan ako ni kuya Ernesto noon dahil siya lang ang nakapag-aral sa amin pero hindi rin nakatapos

nakalimutan ko maglilinis nga pala ako dito hindi tumayo lamang, hay nako Anna kung ano ano na naman naiisip ko

pero lilinisin ko ba ito? bakit parang napakalinis naman dito, walang kadumi dumi malinis ang sahig ang kisame at ang mga aklatan

kung gayon saan ako mag uumpisang maglinis? makalabas nga muna at mag-ikot

lumabas ako sa loob ng silid aklatan pumunta ako sa kabilang silid na katabi nito

bumungad sa akin ang isang lamesa sa gitna na may maliit na lampara doon, mayroon ding isang lagayan ng mga aklat at mayroon ding sa tingin ko ay lagayan ng mga papeles dahil may mga nalagay doon na mga pangalan

siguro ay opisina ito ni Alonzo, dito marahil siya nagtatrabaho, malinis din ang paligid medyo maalikabok nga lang ang kisame at medyo may mga ilang papel na nakakalat sa sahig

hindi ko alam kung lilinisin ko na ba ito dahil baka maitapon ko ang mga papel na nakakalat sa sahig baka kailangan pa ito, baka mapagalitan pa ako

lilibutin ko muna ang mga silid dito maaga pa naman masyado mamaya na ako maglilinis, itatanong ko pa ito kay Alonzo

*

nalibot ko na ang lahat ng silid dito meron akong nakitang isang kwarto na may malaking kama marahil ay kwarto iyon ni Alonzo ngunit hindi na ako pumasok dahil baka makita pa ako, siguro ay wala na dito sa bahay si Alonzo

"saan kaya iyon nagpunta ng ganito kaaga?" tanong ko sa isip ko

pumasok ako sa isang silid na hindi ko pa napapasok, itong kwarto na lng na ito ang hindi ko pa nakikita

pinihit ko ito at nagulat ako na bukas ito, dahan dahan ko itong binuksan

patay ang ilaw kaya medyo madilim ang buong silid at nakasarado pa ang mga kurtina

may malaking kama ito sa gitna, may maliit na lamesa sa gilid nito at may lampara patay ito kaya hindi ko masyadong maaninaw ng ayos

dahan dahan akong lumapit sa kurtina para hawiin ito at nang medyo lumiwanag ang silid at umaliwalas

nang mahawi ko na ang mga kurtina ay napuno ng liwanag ang silid kaya medyo napapikit ako dahil sa sinag ng araw napakaganda dito, ang ganda ng tanawin napakasarap titigan

"ah hmmm.." meron akong narinig na mahinang ungol kung saan kaya napatingin ako sa likod

nanlaki ang mata ko sa nakita ko

si Alonzo!! nakahiga sa malaking kama, nakadapat ito at nagkukusot ng mata. hubad baro pa! ang ibig kong sabihin wala siyang saplot sa pang-itaas! tanging pang ibaba lang at bukod don ay wala ng iba!

mabilis akong napatalikod dahil doon anlakas ng tibog ng aking puso! ano ba tong pinasok ko! hindi ko alam na kwarto pala ito ni Alonzo ang akala ko ay yung isa ang kwarto niya! anong gagawin ko? anong sasabihin ko? nakakahiya!!!

"A-anna?" tanong nito sa akin hindi ko makita ang muka niya dahil nakatalikod ako dito

"a-ah Sir s-sorry h-hindi ko po a-alam na k-kwarto niyo po ito" nauutal na sambit ko dito, hindi pa rin ako humaharap dito

ramdam ko na tumayo ito sa kanyang kama, marahil nagsuot ito ng pang-itaas niya

"pasensya din hindi ko nasabi sayo kung nasaan ang silid ko" paghingi nito ng paumanhin

"a-ayos lng po Sir hmm lalabas na po muna ako" sagot ko dito at dali daling lumakad palapit sa pintuan

ngunit bago pa ako makalabas ay hinagip ni Alonzo ang aking braso paharap sa kanya

"by the way good morning Anna" bulong nito sa aking tenga na siyang nakapag patindig balahibo sa akin

ramdam ko ay may mga paru-paru sa loob ng aking tiyan at tila ba galing sa karera ang aking dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok nito.....

ano ba itong ginagawa mo sa akin Alonzo.....

to be continued....

***
sorry ngayon lang ako nakapag-update medyo tinamad ako nitong nakaraang araw kaya di ako nakagawa

enjoy reading!

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon