Kabanata 9- Jacob

3 0 0
                                    

Jacob

nakarating kami sa mansyon ni Alonzo ng walang nagsasalita, kanina mung huminto siya sa aming bahay ay pumayag na si inay dahil mapilit si Alonzo kaya wala na kaming nagawa ni inay at para na din makarating kami ng mabilis doon bago kami abutin ng dilim

"halikayo tuloy po, ituturo ko po sa inyo ang inyong magiging silid" sabi ni Alonzo

sumunod lang kami sa kanya, dumiretso kami sa likod ng mansyon kung saan merong isang malaking bahay din, dito kami tutuloy? masyado naman atang malaki para sa amin

ay nakalimutan ko lahat nga pala ng kasambahay dito ay dito rin natuloy kaya siguro malaki itong bahay na ito

talagang nagpatayo siya ng malaking bahay para sa mga kasambahay? napakabait naman ata nito

"anlaki naman ng bahay na ito iho, lahat ba ng mga kasambahay ay dito rin tumutuloy?" tanong ni inay sa kanya

"opo nay, kumpleto naman po dito at kung tapos na po kayo sa mga iniatas sa inyo ay pwede po kayong magpahinga dito" sagot nito at binuksan ang pinto

nang makapasok kami ay talagang mamamangha ka, madaming silid dito sa tantiya ko ay nasa sampu ang mga ito

dumiretso si Alonzo sa kaliwa at merong isang kwarto doon, binuksan niya ito at bumungad sa amin ang malaking kama sa gitna, may lagayan ng damit sa gilid at may isang pinto pa ito

"ayos lang po ba ito sa inyo? malaking kama po dahil baka gusto niyo po na magkatabi matulog pero kung ayaw niyo po ay ayos lan--"

naputol ang sinasabi ni Alonzo dahil biglang nagsalita si inay

"naku iho ayos lang ito, nag-abala ka pa kahit maliit lang sana ay ayos lang sa amin" sambit ni inay

"sigurado po ba kayo? ito po ang pwede niyong lagyan ng mga gamit ninyo" tinuro niya ang lagayan na nasa gilid

"at yung pinto na ito po ay banyo, lahat po ng kwarto dito ay may sariling banyo para hindi na po kayo mahirapan" tinuro niya naman ito at binuksan

malaki rin ang banyo ayos na sa amin ni inay iyon, hindi ko akalain na ganto kalaki ang magiging silid namin ang akala ko ay maliit lamang dahil sanay naman kami nila inay pero ayos na din ito ang mahalaga ay merong silid

"naku salamat talaga iho ha, napakabait mo talagang bata ka" pagpapasalamat ni inay

"walang anuman po iyon nay sige po maiwan ko na po muna kayo para makapag-ayos" paalam ni Alonzo

hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-salita, naiilang ako kay Alonzo hindi ko alam kung paano ito pakikitunguhan lalo akong kinakabahan pag siya ay malapit sa akin

nang makalabas si Alonzo ay nagsimula kaming mag-ayos ni inay ng gamit pagkatapos ay lumabas ako sa silid, iniwan ko muna si inay sa loob ng kwarto

"nay labas lang muna ako ha" sabi ko kay inay

hindi ko na hinintay makasagot si inay lumabas na ako sa kwarto, kung titingnan mong maigi ay napakaganda ng bahay na ito hindi katulad ng mansyon hindi marmol ang sahig nito kundi gawa sa kahay para siyang kubo kung titingnan at hindi maikakaila na hindi mainit dito sa loob

dumiretso ako sa kusina, maayos ang mga gamit kumpleto ang mga kasangkapan at mayroong malaking  refrigerator kung tawagin, paniguradong maraming laman ito sa loob

lumabas na ako ng kusina, lumabas ako sa loob at dumiretso ako sa may malapit na puno, para itong hardin may mga upuan na gawa sa kahoy at lamesa

mas pinili kong akyatin ang puno at doon maupo, may gawa sa lubid na nakasabit dito kaya iyon ang ginamit ko hindi naman mahirap akyatin ito dahil sanay na ako s ganito

masyadong mataas itong puno, kung saan makikita mo ang magandang tanawin sa labas, napakaganda nito nakakakalma at napakapayapa

habang nakaupo rito ay napapikit na lamang ang aking mata at pinakinggan ang mga huni ng ibon

"Manang bumaba ka diyan, ang duga mo naman eh" sigaw ni Jacob mula sa baba ng puno

nagtatagu-taguan kaming dalawa at naisip ko na dito magtago, kanina pa hanap ng hanap si Jacob sa akin ngayon lang niya ako nakita haha

"ayoko, umakyat ka dito at tayain mo kung kaya mong umakyat" pang-aasar ko rito

si Jacob ay matalik na kaibigan ko simula nung bata pa kami, sabay kaming lumaki, naalala ko pa nung magkakilala kami

pumunta ako sa lawa noon at napansin ko na may umiiyak na batang lalaki kaya nilapitan ko ito yun pala ay nadapa siya kaya siya umiiyak pinatahan ko siya at umakyat ako sa puno para makakuha ng mangga ang takot pa nga niya nung umakyat ako dahil maliit pa lamang kami noon

nang makababa ako ay binigay ko sa kanya ang nakuha ko at sinabi kong wag ng umiyak

simula noon ay lagi na kaming magkasama ni Jacob...

"Manang naman bumaba ka na riyan ayoko nang maglaro, panalo ka na" pagsuko ni Jacob dahil alam kong hindi siya makakaakyat ng puno

Manang ang tawag niya sa akin dahil kinuha niya sa pangalan ko na Maria at Anna, MA sa maria at AN daw sa Anna pinagsama niya kaya Manang daw ewan ko ba diyan sari sari ang naiisip

bumaba na rin ako sa puno ngunit nagkamali ako ng tapak kaya nahulog ako

sa sobrang takot ko na bumagsak ay pumikit na lamang ako at hinihintay na bumagsak ngunit naramdaman ko na may mga nakapulupot na mga braso sa katawan ko

minulat ko ang aking mata at nakita si Jacob, sinalo niya pala ako buti hindi kami bumagsak pareho

"mag-iingat ka nga Manang, buti na lang nasalo kita ang bigat mo pala" natatawang sabi nito sa akin

bigla akong napamulat ng mata, nagbabadya ang mga luha sa aking mata ngunit mabilis ko itong pinigilan

naalala ko na naman siya, ang matalik kong kaibigan na iniwan ako....

to be continued....

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon