Kabanata 14 - Namimiss

0 0 0
                                    

Namimiss

Nang makalusob si Alonzo sa tubig ay agad nitong hinila si Anna pataas, pagkatapos ay hinila niya ito paakyat sa gilid at inihiga

walang malay si Anna tinapik tapik pa ni Alonzo ang pisngi nito nang mahina baka sakaling magising, nang hindi ito magising ay nilagay nito ang kanyang kamay sa bandang dibdib ni Anna at diniinan ito

nang hindi pa din ito nagising ay binuka ni Alonzo ang bibig nito at inilapat ang bibig niya upang  bigyan ng hangin at nang makalabas ang tubig na nahigop nito, pinaulit ulit ni Alonzo ang ginagawa kaya maya maya pa ay biglang umubo si Anna...

Anna's POV

Bigla akong nagising na pakiramdam ko ay may tubig na nakabara sa aking lalamunan kaya napaubo ako nang dahil dito

at nang makahinga ako ng ayos ay nakita ko si Alonzo sa gilid ko

siya ba ang nagligtas sakin? wag mong sabihin na nilapat niya ang bibig niya sa bibig ko para bigyan ng hangin? wahh!! Alonzo naman eh!

nagulat ako ng bigla na lang niya akong niyakap, sa sobrang higpit nito ay halos hindi ako makahinga

"ayos ka na ba? pinag-alala mo ako ng husto Anna, buti na lang ay nakita kita agad" sambit nito, ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito

"h-hindi a-ako m-makahinga" hirap na sambit ko dito

bigla niya akong binitawan hindi ako makahinga ng ayos dahil sa yakap niya halos malagot ang hininga ko dahil don

"s-sorry nag-alala lang talaga ako buti ay nakarating agad ako dito walang makakakita sayo dito"

"pasensya hindi ako nagsabi na pupunta dito, at tsaka sinira ko yung kandado nung gate wala kasi akong mapuntahan kaya nakita ko ito" pagrarason ko dito

"a-ayos lang kinandado na kasi ito simula n-nung namatay ang mga m-magulang ko"

"pasensya na talaga hindi na mauulit" paghingi ko ng paumanhin dito

hindi pa din ako makatingin ng diretso dito dahil sunod sunod na kahihiyan na ang nangyari sa akin nakakahiya na kay Alonzo

"okay lang, halika na baka hinahanap ka na ni nay Juliana" sambit nito sabay tayo

naglahad ito ng kamay sa akin, tinanggap ko naman dahil baka madulas na naman ako at mahulog sa tubig

nang makatayo ako ay bumitaw din agad ako, nahihiya ako dito pakiramdam ko ay sobrang pula na ng aking muka

naramdaman ko ang lamig dahil sa talon halos mangatog ako dahil doon basang basa ako ngayon sabayan mo pa ng simoy ng hangin

nagulat ako ng biglang may bumalot sa katawan ko, pagtingin ko ay isang itim na jacket ang bumalot sa akin

"nilalamig ka, suotin mo muna para mainitan ka" sambit ni Alonzo

marahil ay hinubad niya ito bago lumusong ng tubig kaya hindi ito basa

"s-salamat" sagot ko dito

habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na mapatingin kay Alonzo pagkatapos nitong ilagay sakin ang jacket ay hinawakan niya ako sa braso habang naglalakad, nauuna siya sakin maglakad habang ako ay nasa bandang likod niya

hulog na hulog na ang loob ko kay Alonzo, hindi ko na alam kung paano pa ito pipigilan kahit alam kong mali ito

pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang maiwasan ito, malabong mangyari dahil nasa iisang bubong lang kami, nagtatrabaho ako sa mansyon niya at kahit hindi sabihin ay magkikita kami araw araw kaya wala na akong magagawa....

*

Natapos ang araw ko ng hindi masyadong naglilinis dahil sabi ni Alonzo na kada araw ay isang silid ang aking lilinisin at pagkatapos ay siya na ang susundin ko, dinadalhan siya ng umagahan, tanghalian at sa hapunan ay tinutulungan ko si inay na magluto para sa kakainin ni Alonzo, sabay sabay kaming nakain kasama si Alonzo sa hapag kainan kasama ang mga kasambahay

nakasanayan na pala ito dito na tuwing hapunan ay sabay sabay nakain, hindi naman makatanggi ang mga katulong dahil si Alonzo mismo ang nagsabi nito

matapos ang hapunan ay dumiretso ako sa hardin sa likod ng mansyon hindi na ako pinatulong ni inay sa hugasin dahil katulong nito ang ibang kasambahay kaya lumabas na lang ako ng mansyon

naupo ako sa damuhan napakapayapa talaga dito, magandang tanawin at sariwa ang hangin

pinikit ko ang aking mga mata para makapag relax

*

"napakapikit ka na naman Manang" nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang muka ni Jacob

"inaantok ako Jacob wag kang magulo" sagot ko dito

naupo sa tabi ko si Jacob at biglang humiga sa aking mga hita, ginawang unan ang mga hita ko

"sige pikit ka na lang ulit dyan manang, tutulog din ako" sagot nito sabay pikit din ng mata

nandito kami sa lugar kung saan kami unang nagkakilala, lagi kaming nandito ni Jacob para tumambay

palubog na ang araw kaya nandito kami ni Jacob matapos namin maglaro ay nagpapahinga kami, sakto na inaantok kami parehas kaya kami nakapikit parehas marahil napagod din si Jacob sa paglalaro

makailang minuto ang lumipas ay narinig ko ang munting hilik ni Jacob kaya idinilat ko ang mata ko at kitang kita ko ang ang nakabukas na bibig ni Jacob habang humihilik ng mahina, napatawa ako dahil dito

"naunahan pa akong matulog nito" sabi ko sanay iling kung titingnan mo ang muka ni Jacob ay hindi ikakaila na napakagwapo nito kahit bata pa lang kami

mapupungay na mata, matangos na ilong, mahahabang pilik mata, ang kilay na halos magsalubong na dahil sa kapal nito at natural na mapupulang labi nito..

"tinititigan mo na naman ako Manang" sabi nito sabay dilat...

*

napadilat ako ng mata dahil may kamay na dumampi sa aking muka, nakita ko si Alonzo sa harap ko

"umiiyak ka" komento ito hindi tanong

hindi ko alam na tumulo ang luha ko, naalala ko na naman kasi si Jacob yung kababata ko na hindi na ako binalikan

tuloy tuloy na lumandas ang luha sa aking mga mata hindi ko mapigilan, ansakit na iniwan ka ng kababata mo ng walang paalam

bigla akong hinigit ni Alonzo sa kanyang mga braso, hindi na lang ako umangal dahil ayokong makita niya na umiiyak ako nakakahiya

miss na miss na kita Jacob....

to be continued....

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon