Ligaw
Simula nang mangyari iyong pag-uusap namin ni Alonzo ay walang oras na hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako, tinuring niya akong parang reyna at siya aking hari
araw araw ay binibigyan niya ako ng isang piraso ng rosas, halos mapuno na ang aking libro dahil dito ko isinisipit ang bawat piraso nito para matuyo, at pag natuyo na ito ay inilalagay ko sa isang lalagyanan upang itago
mahalaga sa akin iyon dahil lahat iyon ay galing kay Alonzo lahat ng galing sa kanya ay aking itinatago, dito ko iniiwan ang aking lagayan sa mansyon dahil pag nakita pa ito ni itay sa bahay ay baka mapagalitan ako at mas lalong aasarin nila kuya
dahil nasabi ni inay sa kanila na mayroong namamagitan sa amin ni Alonzo sila kuya Ernesto at bunso ay natuwa para sa akin pero si itay ay parang medyo labag sa loob
naiintindihan ko iyon dahil nagiisa akong babae na anak nila alam kong iniingatan lang ako ni itay, masyado pa akong bata para umibig pero hindi ko mapigilan at sinabi ko naman ito kay inay suportado naman ako ni inay yun nga lang minsan ay nasagi sa isip ko na isang araw bigla na lang babawiin sa akin itong sayang nararamdaman ko dahil alam ko sa sarili ko na mali itong namamagitan sa amin ni Alonzo
hindi ko din alam kung nanliligaw ba siya sa akin o hindi dahil wala naman siyang sinabi sa akin tanging yung huling usapan lang namin na hulog na hulog na siya
*
Biyernes na ng hapon makakauwi na ulit kami ni inay sa bahay bukas dahil sabado na at linggo na ulit ng hapon ang aming balik
nandito ako ngayon sa pwesto ko lagi sa aming tinutuluyan, sa taas ng puno kung saan makikita mo ang magagandang tanawin na nakapalibot dito sa mansyon
nakakaginhawa sa pakiramdam tuwing nandito ako, napakasarap ng hangin na dumadantay sa aking balat, nakakarelax kapag andito ako, nagkakaroon ako ng oras para makapag isip isip ng mga bagay bagay
naputol ang iniisip ko nang may nagsalita sa baba
"Binibini ko bumaba ka na dyan" narinig ko ang boses ni Alonzo sa ibaba
ano kayang ginagawa dito ni Alonzo? ang alam ko ay nasa loob siya ng mansyon, masyado siyang abala nang makita ko siya sa kanyang opisina kanina marahil natapos na siya sa ginagawa niya
tumalon ako pababa sa puno sanay na ako sa ganito hindi na bago ito sa akin pero pag nakikita ako ni Alonzo ng ganito ay naiinis siya dahil para daw akong hindi babae kung kumilos
_____
"ano ba Anna ang taas taas ng puno kung makatalon ka ay para bang wala lang sayo, paano kung nagkamali ka ng tapak, baka kung mapaano kapa para kang hindi babae sa kilos mo, aatakihin ako sa puso tuwing nakikita kitang tumatalon ng ganoong kataas" mahabang pangaral nito sa akin matapos kong bumaba sa puno
"sanay na ako sa ganoon Alonzo wag ka ng magalit" paglalambing ko dito sabay kapit sa braso nito
______hindi ko mapigilan ang ngiti ko noong araw na iyon dahil bakas sa muka nito ang pagka-inis at pag-aalala pero sinabi niya sa akin noon na wag ko ng uulitin pero heto ako ngayon tumalon na naman pababa sa puno
pagkababa ko ay bumungad sa akin ang muka ni Alonzo na nakasimangot at nakapamay-awang
"hindi ba ay sinabi ko sayo noon na wag kang bababa ng puno ng basta basta, hindi ka nakikinig sa akin" pangaral nito sa akin
"sanay na ako sa ganoon, kaya wag ka ng magalit at tsaka buhay pa naman ako eh" hindi ko maiwasang matawa habang sinasabi ito lalo na ang muka nito na nakasimangot pa rin
"paano kung mahulog ka? kung matapilok ka pagbaba? paano kung madulas ka at mamali ang bagsak? paano kun--"
naputol ang kanyang pagsasalita dahil nilapat ko ang labi ko sa kanyang malalambot na labi, hindi siya makagalaw sa ginawa ko bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata
hindi nagtagal ang paghalik ko dito dahil nilayo ko agad ang labi ko sa kanya dahil baka mahuli pa kami
"oh di natahimik ka rin" sagot ko dito habang natatawa
hindi pa rin ito makagalaw, bahagya pang naiwang nakabukas ang kanyang labi kaya napatingin ako doon ulit napakalambot talaga ng kanyang labi napakasarap halikan
kaya ang ginawa ko ay nilapit ko ulit ang aking labi sa kanya, nagulat ako nang maglapat ulit ang aming labi ay bigla niya akong hinapit papalapit sa kanyang dibdib kaya ako naman ang nagulat sa ginawa niya
nakatingala ako sa kanya ng kaonti dahil mas matangkad sa akin si Alonzo at hanggang leeg niya lamang ako
nang maramdaman ko ang kanyang labi ay dahan dahang pumikit ang aking mga mata dala ng halik ni Alonzo, humalik ako pabalik kahit hindi ako masyadong marunong, marahan ang paghalik niya sa akin kaya napaawang ng konti ang labi ko dahil doon tila may mga lumilipad sa aking tiyan at para bang tambol ang aking dibdib sa halo halong nararamdaman
nagulat ako ng ibuka nito ng marahan ang aking nakaawang na labi nilakbay ang dila sa loob ng aking bibig napaangat ang aking mga kamay papunta sa kanyang leeg at pinagsilop ito
samantalang ang kanyang mga kamay ay dumako sa aking likuran pababa sa aking bewang bahagyang pinisil ito ni Alonzo at naramdaman ko na kinagat niya ng bahagya ang aking pang ibabang labi kaya naitulak ko siya ng hina dahil rito, nagulat siya sa ginawa ko kaya tumigil siya sa paghalik sa akin
"a-ah sorry Anna h-hindi ko sinasadya, nadala lamang ako, masakit ba?" nauutal na sabi nito bakas sa muka nito ang pag-aalala hinawakan pa nito ang aking baba para iangat para tingnan ang labi ko
iniwas ko ang tingin ko dito dahil nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit ako humalik sa kanya pabalik nakakadala ang kanyang halik kaya hindi ko napigilan
mapapatay ako ni inay pag nalaman niya ito pero hindi ko naman sasabihin kaya ayos lang
"ayos lang, nabigla lang ako" sagot ko dito
nagulat ako ng hinalikan niya ang pang-ibabang labi ko kung saan niya nakagat, pakiramdam ko ay sobrang pula ng aking muka sa kahihiyan
"Anna alam mo namang hulog na hulog na ako sayo hindi ba?" tanong nito at tumango ako dito bilang sagot
"hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka sa akin Anna espesyal ka sa akin, kaya pwede ba na umakyat ako ng ligaw sayo?"
tanong nito sa akin sabay kuha ng kung ano sa kanyang likod at bumungad sa akin ang isang pulang rosas, inilahad niya ito sa akin
tumango ako bilang sagot dito ng may ngiti sa aking mga labi
"pumapayag ka?" tanong ulit nito
"oo, payag ako Alonzo" sagot ko dito
pagkatapos kong sumagot ay bigla na lang niya akong niyakap at inikot ng inikot
"ano ba Alonzo ibaba mo ako nahihilo ako hahaha" sagot ko dito
dahan dahan naman itong huminto sa pag-ikot hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat
"salamat Anna salamat" pagpapasalamat nito sa akin at pagkatapos ay bigla niya akong niyakap at naramdaman kong hinalikan niya ako sa aking noo dahil doon ay napapikit na lamang ang aking mata
sana ay ganito na lang kami lagi....
to be continued....

BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Teen FictionAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...