Kabanata 12- Nag-aalala?

0 0 0
                                    

Nag-aalala?

Nang makalabas ako sa kwarto niya ay dali dali akong bumaba papunta sa labas, muntikan pa akong madulas pababa dahil sa pagmamadali ko

hindi ko na sinagot ang sinabi niya sa akin dahil hindi ako makapagsalita nung oras na iyon halos tumigil ako sa paghinga dahil sobrang lapit ng muka niya sa akin

pakiramdam ko ay kasing pula ng kamatis ang aking mga pisngi dahil doon, nakakahiya!

*

nang makarating ako sa hardin ay umupo agad ako sa upuan dahil pakiramdam ko ay galing ako sa karera

hindi ko alam ang gagawin ko, paano ako makakapag-linis at tsaka pansin ko na lahat ng silid ay malinis iilan lamang ang madumi pero hind ko pa kayang umakyat dahil ayokong makita si Alonzo

bakit ba kasi siya ganon? ano ba itong ginagawa niya sa akin? alam kong mali ito at isa pa napakabata ko pa para umibig wala pa ako sa tamang panahon

alam kong marami pang ibang babae dyan na kasing rangya niya ang makakatuluyan niya, hindi ang isang katulad ko na mahirap

pero sa loob ng isip ko ay hindi naman siguro masama kung ako ay magkakagusto sa kanya

hindi malabong mangyari iyon dahil kung titingnan mo si Alonzo ay talagang mabibihag ka kahit siya ay labing walong taong gulang pa lang ay napakaganda na hubog ng kanyang katawan, katamtaman na kulay, mga ilong na napakatangos, lalo na ang kanyang buhok na pansin ko ay medyo magulo, marahil ay kanyang istilo iyon dahil napapansin ko lagi na ganon ang ayos nito

napahawak ako sa aking dibdib, sobrang lakas pa rin ng tibok nito at di ko alam kung kaya ko pa bang umakyat doon at makita si Alonzo, sa tuwing nakikita ko siya ay nanlalambot ang aking mga tuhod hindi ko alam kung paano siya haharapin

kahapon ay yung halik ngayon naman ay yung sa kwarto niya nakita ko pa siyang walang suot na damit... nakakahiya na! ano ba itong pinag-gagagawa ko andaming kahihiyan ang nangyayari sa akin

*

bumalik na ako sa loob at naabutan ko si Alonzo na pababa na sa hagdan

"a-ah g-good morning Sir" bati ko dito habang nanginginig ang mga labi

"hmm" sabi nito sabay tango habang may ngiti sa mga labi

samantalang ako ay hindi ako makatingin sa kanya, naiilang pa rin ako sa nangyari

"ah ano po bang una kong lilinisin Sir?" tanong ko dito

hindi ko sinabi na alin doon dahil yung iba ay malinis at tsaka baka magtaka kung bakit ko alam, diba nga pinasok ko lahat ng kwarto baka mapagalitan pa ako kasi hindi ako nagpaalam

"ah yung opisina ko muna medyo makalat don, yung mga nasa sahig siguro ay itapon mo na at wag mo na lang galawin yung iba pa"

"ahh sige po sir akyat na po ako" sagot ko dito pero baka ako umakyat ay may tinanong ito

"kumain ka na ba ng umagahan?" nagulat ako sa tanong niya

"i mean kayo ni nay Juliana" pahabol nito

"ahh opo Sir, sige po una na po ako sa taas" sagot ko dito

hindi ko na siya hinayaang sumagot umakyat na ako sa hagdan at nagtungo sa opisina niya

*

naayos ko na ang gamit dito sa opisina niya, hindi naman masyadong makalat at yung mga papel na nasa sahig ay nilagay ko na sa basurahan

katamtaman ang laki ng silid na ito kumpara sa iba, nalimutan ko kanina meron din pala ditong laptop kung tawagin nasa ibabaw ito ng lamesa siguro ay ginagamit niya ito sa trabaho

ang alam ko ay may trabaho na si Alonzo kahit siya ay bata pa lang dahil siguro sa mga namayapa niyang magulang, naiwan siguro sa kanya nag responsibilidad na naiwan sa mga magulang niya

sabagay ganon naman ang mga mayayaman eh, kahit bata pa lang ang sinasanay na sila dahil sila rin naman ang hahawak ng mga ari arian ng mga magulang nila

habang nililinis ko ang kisame ay nalaglagan ako ng alikabok sa aking mata kung kayat napapikit ako dahil dito

may mga kaunti kasing alikabok at maliliit na sapot dito sa kisama kung kayat nilinis ko ito

mamula mula ang aking mata dahil kinusot ko ito ng kinusot napaluha pa ako ng dahil dito, nagmuka tuloy akong umiyak dahil dito

pagkatapos kong maglinis ay napagpasyahan kong bumaba na para maitanong kung ano pa ang aking gagawin

nang makababa ako ay bumungad sa akin si Alonzo na papasok ng bahay marahil galing ito sa labas

"anjan ka na pala Anna, natapos mo na bang linisin ang opisina?" tanong nito sa akin

"opo Sir tapos na po ako" sabi ko dito sabay angat ng tingin, dumako ang kanyang mata sa aking mata napansin niya siguro na mapula ito

"umiyak ka ba? ang pula ng mata mo"

"ah napuwing lang po Sir" sagot ko

"ayos ka lang ba? masakit ba? mahapdi?" sunod sunod na tanong nito sa akin

halata sa muka niya ang pag-aalala agad lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking muka

nagulat ako sa ginawa niya, pero inangat niya ang aking baba at sinuri ang mata ko

"a-ayos lang po Sir medyo makati lang po" sagot ko dito sabay iwas ng tingin, di pa rin niya binibitawan ang baba ko kaya nagharumentado na naman ang aking dibdib

"bakit ka ba kasi napuwing" tanong nito

"nalaglagan po ng alikabok galing sa kisame"

"sa susunod wag ka nang maglinis sa opisina baka kung ano pa ang mangyari sayo" utos niya sa akin

"ayos lang Sir trabaho ko po yon"

pero binalewala niya ang sinabi ko, bagkus binitawan niya ang baba ko pero hinawakan ako sa braso at dinala sa kusina

"halika hugasan mo ang muka mo para matanggal ang kati ng muka mo, pagkatapos ay sa hardin ka na muna magpahinga ka muna baka napagod ka sa paglilinis" sagot nito na may bahid ng pag-aalala

nag-aalala ba tong isang to sakin? at tsaka ako napapagod? hindi no, sanay ako sa gawaing bahay at tsaka maghapon kami lagi nila itay sa pagsasaka kaya naman sanay na sanay ako sa ganto

pero halata sa muka niya ang pag-aalala sa akin, simpleng puwing lang naman ito malayo ito sa bituka

ito na naman siya... bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at mga paru paru sa loob ng aking tiyan...

to be continued....









Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon