Kabanata 4- Meryenda

6 0 0
                                    

Meryenda

Natapos na kami sa pamimili ni inay at pauwi na rin kami ng makita ko si Alonzo na nakaupo sa kalesa niya, mukang may inaantay, nakita rin siya ni inay at nang mapadaan kami malapit sa kanya ay nagsalita si inay "iho Alonzo, di ka pa pala nakauwi. may hinihintay ka ba?" tanong ni inay sa kanya.

"opo nay Juliana, kayo po inaantay ko" sagot ni Alonzo kay inay. nagulat ako sa sinabi niya.

kami inaantay niya? bakit!? sabi ko sa isip ko. pero napangiti ako ng konti kasi bakit niya kami inaantay.

"naku iho bakit naman?" tanong ni inay sa kanya "nais ko po sanang ihatid na kayo pauwi kung maari po sana?" sagot nito kay inay.

ihatid kamiii?? bakit kaya? sabi ko sa isip ko, may gusto kaya sakin to? biro lang malabo ata mangyari yon

"a-ah wag na A-alonzo nakakahiya at tsaka kanina nakisakay na rin kami sa inyo eh" bigla kong sambit sa kanya. nagulat si inay sa sinabi ko, napatingin din sakin si Alonzo at napansin kong napatulala siya dahil bigla akong nagsalita.

tumikhim si inay na nakapagpabalik sa diwa ni Alonzo, napatawa ako ng bahagya at umiwas ng tingin dahil parang napahiya siya at napatulala siya sa akin

"naku iho tama si Maria, nakakahiya na sa iyo, tsaka baka naaabala ka na rin namin" sabi ni inay sa kanya "okay lang po yun nay Juliana, pauwi na rin naman po ako kaya sumabay na po kayo sakin. para di na din po kayo matagalan sa pag-uwi" mahabang sambit nito habang nakatingin kaya tumingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin at ibinaling iyon kay inay

"kung sabagay, o siya sige na nga pero sa isang kondisyon" sabi ni inay sa kanya kaya napalingon din ako sa kanya

anong kondisyon sinasabi ni inay?? sabi ko sa isip ko habang nakatingin pa rin kay inay

"ano po yun nay Juliana?" sagot ni Alonzo, pansin ko na kanina pa 'nay Juliana' tawag nito kay inay, akala mo nanay din niya eh, biro lang.

"dadaan ka saming bahay para magmeryenda, ganti na namin sa paghatid at pagsundo mo sa amin" nagulat ako sa sinabi ni inay kay Alonzi, nanlalaki ang mata ko kay inay. napatingin din ito sakin, nilakihan ko pa ang mata ko parang sinasabi ko na 'ano yang sinasabi mo nay?!' pero binalewa niya lang ako at lumingon kay Alonzo na hinihintay ang sagot

"sige po wala pong problema" sagot ni Alonzo kaya napatingin din ako sa kanya na nanlalaki ang mata at bahagyang nakaawang na labi. napakurap ako ng ilang beses, pinoproseso sa utak ko na pumayag siya na dumaan sa bahay namin "sa bahay naminnnn!!! dadaan siya doon! anong gagawin kooo?" sabi ko sa isip ko.

napatingin siya sa muka ko pababa sa nakaawang kong labi, nakita ko siyang napalunok at umiwas ng tingin sa akin. "may pagnanasa pa ata to sa labi ko eh" sabi ko sa isip ko pero biro lang, halata namang maginoo at mabait tong si Alonzo

"oh siya ano pang inaantay natin, hali na at baka inaantay na rin kami ng asawa ko" sabi ni ina para makabalik ako sa diwa ko sa sobrang gulat na pumayag siyang dumaan sa amin para magmeryenda

"anong gagawin ko? bakit ba kasi siya pumayag" sabi ko sa isip ko, at saka kinakabahan ako kasi baka mamaya hindi siya komportable sa bahay namin. maliit lang bahay namin parang kubo lng. "hays bahala na nga"

inalalayan na naman niya kaming dalawa ni inay sa pag-akyat. lumundag na naman ang puso ko nang mahawakan ko ang kanyang kamay. napakalambot nito at ang sarap hawakan, biro lng

habang kami ay nasa daan na pauwi ay walang naimik sa amin nila inay, sobrang tahimik. hindi din ako nagsasalita kasi wala naman akong sasabihin

maya maya lang ay nasa tapat na kami ng aming bahay kaya pinahinto ni inay ang kalesa "andito na tayo iho, una pa lang pagpasensyahan mo ang aming bahay kasi maliit lamang ito baka hindi ka maging komportable" mahabang sambit ni inay kay Alonzo

"okay lang po nay" magalang na sagot nito. bumaba na kami ni inay siya ay inalalayan nito pero ako ay bigla na lng tumalon mula sa upuan kung kaya bigla na lang napasigaw si Alonzo "t-teka!" nanlaki ang mata ni Alonzo na tumingin sakin, nagulat siguro sa bigla kong pagtalon.

"akala siguro nito mahinhin ako, kung alam mo lang Alonzo" sabi ko sa isip ko at natawa ng bahagya kaya napatitig sakin ito nang makitang tumawa ako "b-bakit bigla ka na lang tumalon? di mo ba alam na delikado yun! pano kung nadapa ka!" sambit nito na may kataasang boses, na para bang nagalit ito sakin sa pagtalon ko

"nag-aalala ba to sakin?" sabi ko sa isip ko "bakit ka nahiyaw? wala lang yun tsaka nakalapag naman ako ng ayos diba?" malumanay kong sagot sa kanya

napakurap siya sakin at umawang ang labi "pasensya nagtaas ako ng boses, nabahala lang ako kasi may kataasan ang upuan pero bigla kang tumalon" sambit nito

"sus wala yun sakin, tara pasok ka sa bahay namin" nawala na ng bahagya ang kaba ko at nakakayanan ko nang tumingin sa kanya. kaya lang naman ako kinakabahan kanina dahil unang kita ko ito sa kanya ng malapitan at saka anlakas ng tibok ng puso ko kaya naiilang ako, di ko alam kung bakit ganto puso ko bigla na lang nakalabog.

naglakad na kami patungo sa bahay namin at nagulat sila itay na may pumasok na lalaki sa aming bahay "sino iyan Maria?! kasintahan mo ba iyan ha? jusko Maria ang bata bata mo pa anak gwapo naman pero sana naman anak wag muna ngayon!?" nagulat ako sa sinabi ni itay kaya di ako makapagsalita...

Itutuloy...

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon