Kabanata 15 - Hulog na Hulog

0 0 0
                                    

Hulog na Hulog

Halos mag tatatlong buwan na ng nagtrabaho kami ni inay dito sa mansyon, maayos naman pagtuloy namin dito nasanay na din kami at pag sabado at linggo naman ay umuuwi kami ni inay sa bahay para makasama sila itay

at sa tatlong buwan na iyon ay lalo akong nahulog kay Alonzo ramdam ko na hindi ko na talaga ito mapipigilan dahil sa mga pinapakita sa akin ni Alonzo ay lalo akong nabihag

isang beses na ako ay nagkasakit...

hindi ako nakapasok kaya nasa kwarto lang ako namin ni inay hinayaan ako ni inay na makapagpahinga dahil masyado akong napagod at nasirinuhan

nagulat ako na pagkagising ko ay may nakalagay na pagkain sa lamesa malapit sa kama namin ni inay nang lapitan ko iyon ay may nakita akong kapirasong papel sa gilid nito

kumain ka na aking binibini, pinagluto kita ng pagkain. magpagaling ka :)

-Alonzo S.

yan ang nakalagay sa papel, napangiti ako ng di oras nang dahil doon...

________

meron din noong isang beses na ako ay pumasok sa kanyang kwarto...

nasanay na ako na napasok sa kanyang kwarto ng walang paalam dahil sinabi niya na hindi na daw kailangang mailang dahil natutulog na siya ng kumpleto ang saplot

lumapit ako sa kanyang kama at naupo malapit sa kanya, napangiti ako dahil sa muka niya napakapayapa nito kung matulog halos hindi mo makikita na naka bukas ang bibig at hindi din humihilik

hinaplos ko ng marahan ang muka nito, sadyang napakagwapo hindi ko ikakaila na ang mukang ito ang nakabihag sa aking puso

nagulat ako ng biglang hawakan ni Alonzo ang kamay ko na nakahawak sa kanyang muka

"hmm gwapong gwapo ka na naman sa akin aking binibini" sambit nito na medyo inaantok pa ang boses marahil nagising ko ito sa paghawak ko sa muka niya

"gising ka na pala, paumanhin nagising yata kita" sambit ko dito hindi ko mapigilan na ngumiti dito

"hindi naman gising na ako kanina pa" sagot nito sa akin

"sige na baba na ako, pumunta lang ako dito para batiin ka ng magandang umaga" sabi ko habang nakangiti pa din

hindi pa ako nakakatayo ay bigla akong hinigit ni Alonzo kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib

naamoy ko ng di oras ang kanyang katawan, napakabango kahit kakagising lang niya heto na naman ang aking dibdib nakalabog na naman

"hmm dito ka muna aking binibini" sagot nito at hinila ako ng tuluyan para makulong ako sa kanyang mga braso

pakiramdam ko ay para akong kamatis ngayon sa sobrang pula..

naakap ko si Alonzo at napakasarap sa pakiramdam ng ganito sana ay palagi na lang kaming ganito..
________

ilan lang yan sa mga pinakita sa akin ni Alonzo kaya lalong akong nahulog sa kanya

alam ni inay na nahuhulog ako kay Alonzo kaya pinagsabihan niya ako noon

"anak anong mayroon sa inyo ni Alonzo" tanong ni inay sa akin habang kami ay nakahiga

"a-ah nay m-masama po ba na m-mahulog ako sa kanya?" sagot ko kay inay

"anak ayos lang naman, ang kaso lang ay bata ka pa at alam nating dalawa na mali" pangaral sa akin ni inay

"nay alam ko naman po yun, pero hindi ko po mapigilan nay eh, masyado po siyang mabait sa akin"

"suportado ko naman kayo anak yun nga lang ay alam nating panandalian lang iyan"

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon