Kabanata 6- Siya?!

3 0 0
                                    

Siya?!

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda ni inay dahil kami ay pupunta sa bahay kung saan kami mamasukan ni inay bilang kasambahay, hindi na ako nag-aaral dahil mahirap lang kami pero tinuturuan kami ni Kuya Ernesto kung paano magbasa at magsulat

iniintay ko lang si inay na makapaghanda dahil kanina pa ako nakaayos, nagsuot lamang ako ng isang puti blusa na tinernuhan ko ng palda na lagpas tuhod ko.

sana naman ay mabait ang magiging amo namin ni inay dahil marami kaming nababalita sa aming bayan na masasama daw ang ugali ng mga pamilyang nakaaangat. hinihiling ko lang talaga na sana ay maging mabait at maganda ang trato nito samin

"hindi ba nakakaangat din si Alonzo? pamilya ba nila pagsisilbihan namin" sabi ko sa isip ko pero malabong mangyari yon dahil pamilyang Suarez ang aming papasukan ni ina

"pero hindi ko alam kung anong apilyido ni Alonzo" sabi ko ulit sa isip ko

bahala na nga, mukang malabo namang mangyari yon. biglang lumabas si inay "tara na anak at baka mahuli pa tayo"

*

"nay malayo pa po ba tayo?" tanong ko inay, kanina pa kasi kami naglalakad at hanggang ngayon wala pa din kami doon sa bahay na aming pupuntahan

"wag kang masyadong mainipin anak" sagot ni ina sabay hinto. nagtaka ako bakit napahinto si inay... kaya pala, andito na pala kami sa bahay na aming pagsisilbihan

"nay ito na ba yon? anlaki naman ng bahay, mayaman nga talaga sila" manghang sabi ko habang nililibot ang tingin sa aking nasa harapan

biruin mo nasa harap pa lang kami ng bahay ay manghang mangha na ako, ano pa kaya pag nasa loob na kami ni inay paniguradong sobrang gara nito sa loob at mamahalin lahat ng gamit

"ah mawalang galang na, kayo ho ba ang iniatas na maging katulong dito sa mansyon?" tanong ng gwardya sa amin ni inay

"ay oo, pasensya namangha lang kami sa laki ng manyson, ang ganda kase" sagot ni inay dito

"ay sige po pumasok na po kayo para makilala niyo po ang may ari ng mansyon" sagot ng gwardya at binuksan ang gahiganteng gate ng mansyon

habang naglalakad kami ni inay papasok ay madami din akong nakitang mga kasambahay may mga nagdidilig sa hardin may naggugupit ng mga halaman may mga nagwawalis.. andami palang katulong dito sabagay napakalaking mansyon nga naman nito kung tutuusin

*

nang makapasok kami sa loob ay lalo akong namangha grabe ang mga gamit dito sobrang ganda at panigurado akong mamahalin lahat ng ito, meron kang makikitang napakalaking ilaw sa pinakagitna sa itaas kung tawagin ay chandelier samantalang ang hagdan nito ay nakapwesto sa gilid at marmol lahat ng sahig sadyang nakakamangha, kung titingnan mo ang mga silid ay hindi mo mabibilang at sa pagkakatantiya ko mayroong tatlong palapag ang mansyon na ito

"halika kayo, inaantay na kayo sa opisina ni sir, kayo na lng ang tumuloy dahil hindi na ako pwede sa loob, umakyat lamang kayo sa pangalawang palapag at don sa kwarto na nasa kaliwa, yung nag iisa doon pumasok kayo, yun lamang. mauuna na ako" mahabang paliwanag ng gwardya sa amin ni inay habang tinuturo ang direksyon

"tara na anak at baka nag-aantay na ang ating amo" pag-aya sakin ni inay sa taas

habang naglalakad kami ni inay pataas ay hindi ko talaga maiwasang mamangha sa ganda ng mansyon na ito sino kaya ang nakatira dito? tanong ko sa isip ko, dahil sa panahon ngayon ay mahirap kumita ng pera pero sabagay ganon siguro pag mayaman lahat ng gusto ay nakukuha

tok tok!

katok ni inay sa pinto na nasa harap namin, paniguradong ito na iyon dahil ito lang ang nag-iisang silid sa kaliwa dito sa pangalawang palapag

"pasok" sigaw ng isang lalaki sa loob ng silid

nanlaki ang aking mga mata

tila binuhusan ako ng malamig ng tubig sa buong katawan

hindi ako maaring magkamali

boses niya iyon! boses ni Alonzo!

hindi, hindi maari, p-paanong? siya?! siya ang may ari nitong mansyon? hindi imposible pero sabi kanina ng gwardya ay...

"ay sige po pumasok na po kayo para makilala niyo po ang may ari ng mansyon"

ang may ari ng mansyon

ang may ari ng mansyon

ang may ari ng mansyon

tila naging sirang plaka na nag-paulit ulit sa utak ko yung sinabi ni kuyang gwardya kanina

pero p-paanong nangyari yon? baka naman sa pamilya niya to, baka nagkataong siya lang ang nandito at siya ang makakaharap namin sabagay hindi ko naman alam na Suarez pala ang apilyido niya Alonzo lang naman sinabi niya kahapo--

"anak halika na ano bang tinutunganga mo diyan" pagputol ni inay sa pagkausap ko sa sarili ko

hindi na lang ako nagsalita, habang binubuksan ni inay ang pinto ay mas lalo akong kinabahan, nagdadasal na siya hindi siya yon dahil baka mabaliw ako dito pag nagkataon na siya nga ang amo namin

"tuloy po kayo nay Juliana at Anna" sabi nito habang nakangiti

pumikit muna ako sansali bago ko ito binukas muli at tumama ang panigin ko sa lalaking nakaupo sa gitna ng silid , lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya...

SIYA?!

to be continued....

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon