Kabanata 5- Gusto?

3 0 0
                                    

Gusto?

Nagulat ako sa sinabi ni itay kaya di ako makapagsalita, kahit si Alonzo ay hindi nagawang umimik dahil sa gulat. biglang dumating si inay sa sala "ano ba Julio, anong kasintahan hindi yan kasintahan ni Maria. siya ang nagpasakay sa amin ng anak mo kaninang umaga at isinabay rin niya kami pauwi kaya inaya ko dito na dumaan saglit para sa meryenda para sa pagpapasalamat sa kanya" mahabang paliwanag ni inay kay itay

"akala ko naman ay kasintahan mo na anak eh, pasensya na iho nagulat lang ako" sabi ni itay sa akin at lumingon kay Alonzo. napakurap pa si Alonzo, halatang di makausad sa nangyari. kaya bahagya ko siyang siniko para magising ang diwa "a-ah okay lang po" nauutal na sabi niya habang nakangiti ng bahagya

"may biloy sa gilid ng pisnge, ayos ah gwapo na cute pa" sabi ko sa isip ko, syempre di ko sasabihin no nakakahiya kaya baka kung ano pa sabihin nito. bigla namang pumasok si Kuya Ernesto at nakita niya na may lalaki sa loob ng sala, pero hindi na ito nagulat. baka nasabihan na ito ni inay pagpasok

"o siya halika iho dito tayo sa kusina, ihahanda ko ang meryenda mo" sabi ni inay, habang ako naman ay dumiretso sa kwarto upang kumuha ng pamalit dahil pawisan na ako. dumiretso ako sa banyo para magpalit at maghilamos na din. pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kwarto upang magsuklay at mag-ayos. may kumatok akala ko kung sino yun pala pumasok si Danilo sa loob "ate kasintahan mo ba yung lalaki don sa labas?" tanong sakin nito "hindi Danilo, siya ang nagpasakay sa amin ni inay kaninang umaga at nang pauwi na din kami" paliwanag ko dito.

"ang gwapo niya ate no? may biloy pa sa pisnge tapos ang puti halatang may kaya tapos anlaki ng katawan niya tapos ang tangos ng ilon-- naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita ako "ano ba Danilo puring puri ah?" suway ko rito "wala lang ate eh sa pogi siya eh" sagot nito sakin

di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagsusuklay ko at pagkatapos ay naglagay ako ng kaunting pulbos sa muka ko para presko akong tingnan, napansin iyon ni Danilo kadalasan kasi hindi ako naglalagay noon sa muka "ate nagpapaganda ka no kay kuyang pogi ayiie si atee" tukso nito sa akin "tigilan moko Danilo ha, tara na sa labas at nagugutom na ako" pag- aaya ko dito palabas ng kwarto

pagkalabas namin ay dumiretso na kami sa kusina ni Danilo, nakita kong nakaupo na siya habang kausap ang itay at si kuya habang si inay ay nagluluto.

akala ko hindi ito nakikipag usap sa mahihirap tulad namin dahil ganoon ang mga nakatataas dito. wala silang pakialam sa mahihirap pero itong si Alonzo kakaiba isinakay kami sa kalesa at hinatid pa, ibang klase. o baka naman nagpapanggap. pero hindi pa naman botohan para umakto ng ganyan ang mga nakatataas

"baka sadyang mabait lang siya, tingnan natin" sabi ng isip ko

lumapit ako kay inay at tinitingnan kung ano ang niluluto, nakita kong ginataang bilo bilo ang niluluto niya, "ansarap naman ng meryenda ayos nakakabusog to" sabi ko sa sarili ko

naupo na ako sa upuan, kaharap ko si Alonzo. medyo nawala na ang kaba ko pag nandyan ang presensya niya kaya ayos na din yun. napatingin siya sakin nang ako ay makaupo bahagya pang umawang ang labi at napatitig sa muka ko

"may dumi bako sa muka? maayos naman ah, kung makatitig to parang ang dumi ng muka ko ah" sabi ko sa isip ko "ah may dumi ba sa muka ko?" tanong ko sa kanya dahil bigla na lang siyang napatulala, bigla rin siyang bumalik sa diwa niya at umiwas ng tingin at nagkunwaring nauubo kahit hindi naman. napatingin din sila itay kay Alonzo kaya hindi siya makatingin ng ayos sa akin "a-ah wala naman" nauutal na sambit nito

"ahh okay" maikling sabi ko dahil wala na akong masabi dahil biglang lumakas tibok ng puso ko nung bahagya na naman siyang ngumiti

Kinagabihan, nakahiga na ako sa aking kama pero hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin lahat ng inaakto ni Alonzo sa harap ko. bigla na lang siya natutulala o di kaya naman ay panay iwas ang tingin sa akin. kinantiyawan pa kami ni Danilo dahil sinabi nito na ako daw ay nagpaganda kahit hindi naman, namula pisngi ko at umiwas ng tingin kay Alonzo ganon din siya at nakita ko din na namula ang tenga na pati pisnge. nanghingi ng pasensya si inay dahil kay Danilo pero ayos lng daw yon.

"may gusto ba siya sakin? kaya ganon siya umakto?" tanong ko sa isip ko. mukang malabo naman kasi baka mamaya may kasintahan pala yon, nagmagandang loob lang sa amin kanina o kaya naman wala siyang gusto sakin.

pero ano yung naramdaman ko kanina? anlakas ng tibok ng puso ko parang lumundag kanina nang hawakan ko ang kamay niya? yung pag ngiti niya kanina yung pag tawa sa harap ko. anong pahiwatig non?

di kaya may gusto ako sa kanya?....

END OF CHAPTER

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon