Kabanata 13- Ligtas

0 0 0
                                    

Ligtas

Matapos ang nangyari kahapon ay hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan, pagtapos nung nangyari sa pagkapuwing ko ay pinagpahinga niya ako pagkatapos ay pinaligpit niya sa akin ang kanyang kwarto pagkatapos noon ay hindi na niya ako inutusan pa

pakiramdam ko ay wala akong ginawa maghapon kahapon, nang dahil lang doon sa alikabok ay hindi ako nakapagtrabaho, grabe kasi si Alonzo kung mag-alala malayo naman sa bituka ko ang nangyari sa akin

nagpunta ako sa aming kwarto ni inay at nagpahinga, hindi ko alam na nakatulog pala ako buti at hindi ako hinanap ni inay marahil akala siguro noon ay naglilinis ako medyo kumalam ang sikmura ko kaya kumain muna ako pagkagising ko

pagkatapos noon ay lumabas ako ng bahay kaya ang ginawa ko na lang at nag-ikot ikot ako likod bahay namin, habang naglalakad ako ay may nakita akong gate na medyo may kalumaan na sa bandang dulo sa likod ng bahay na aming tinutuyan, nakakandado ito pero medyo luma na kaya nung tinadyakan ko ito ng isang beses ay nasira agad

dahan dahan ko itong binuksan, medyo maraming dahon at magubat nang pumasok ako dito

naglakad lakad ako papasok kahit madaming damo, medyo nasugatan pa ako sa paa dahil malalamba na ang mga halaman dito, medyo mahaba haba ang nilakad ko bago ko marating ang dulo at nang makarating ako sa dulo ay bumungad sakin ang isang talon

"wow" yan lang ang tangi kong nabanggit pagkakita ko dito

napakalinaw ng tubig nito at malakas ang pagragasa ng tubig, napakasarap siguro lumangoy dito ngunit sa tingin ko ay malalim ang tubig nito

hindi pa naman ako marunong lumangoy, dahil dati ay kamuntikan na akong malunod noong bata ako kaya medyo nadala na din ako noon kaya hindi ako lumalangoy sa malalalim pero hindi ibig sabihin noon ay takot na ako sa tubig

sa gilid noon ay may parang kubo na gawa sa kawayan, medyo may kalumaan na ito at napapaligiran na ito ng mga halaman

siguro ay matagal na ito, dahil sa nakita kong gate kanina ay marahil hindi na ito napupuntahan

pagmamay-ari ba ito nila Alonzo? sakop maharil ito ng kanilang lupa pero bakit nakakandado na ito?
hindi na ba ito napupuntahan?

andaming tanong sa isip ko pero pinasawalang bahala ko na muna ito

masarap pa naman sigurong magtampisaw dito, sayang kung kasama ko sila inay dito ay kanina pa lumusong sila kuya at itay sa tubig

masaya siguro dito pag kasama mo pamilya mo, kumpleto at masaya,
mas marami mas masaya pwede din na isama ko dito ang mga kasambahay sa mansyon para naman makapasyal

kaso ay hindi siguro maari dahil nauwi sila sa kanilang bahay tuwing sabado at linggo walang oras para makapunta sila dito

si Alonzo kaya? nakapunta na kaya siya rito? malamang ay nakapunta na siguro siya dito dahil malapit lang ito sa kanilang mansyon

ano ba tong nasa isip ko puro na lang si Alonzo ang naiisip ko, naalala ko na naman yung muka niya kanina na puno ng pag-aalala, yung pagbulong niya sakin nung umaga, yung halik!

ano ba ito? hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, unti unti na akong nahuhulog sa kanya kahit ilang araw ko pa lang siya nakikilala, tama ba ito? ang bata ko pa para umibig

pero sabi nga nila wala ito sa edad, nasa tao lang ito at tamang panahon

habang nag-iisip ay naisipan kong maupo sa gilid nito, nilublob ko ang aking mga paa sa tubig napakalamig ng tubig dito

gusto kong maligo pero baka pagalitan ako ni Alonzo, isa pa sinira ko yung gate baka lalo siyang magalit sa akin

ano ba ito puro si Alonzo ang naiisip ko kung bakit ba kasi siya pa ang naging amo namin ni inay

pero malaking tulong sa amin ni inay ito dahil may kalakihan ang sahod dito makakatulong ito sa amin nila itay at isa pa may bahay kaming tinutuluyan dito kung kaya't hindi kami pabalik balik ni inay sa bahay dahil may kalayuan ito dito sa mansyon wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ito

nandito na rin naman kami, hindi ko na din maiwasan ang mahulog dahil sa mga pinapakita niya

iniisip ko na kung posible ba na ang isang tulad ni Alonzo ay umibig sa isang tulad ko? mahirap lang kami samantalang siya ay mayaman

malayo ang agwat naming dalawa at hindi kami pwede, naiisip ko pa lang iyon ay parang may kumukurot sa aking puso, siguro ay hanggang dito lang talaga ito, maari akong umibig sa kanya pero siya ay hindi pwede dahil hindi kami bagay sa isat isa at mali ito

pero walang masamang umibig sabi nila, kaya di ko ito pipigilan pero alam ko sa sarili ko ang limitasyon ko, at tsaka bata pa naman ako, marami pa akong makikilalang lalaki dyan na babagay sakin, hindi katulad ni Alonzo na langit

*

habang nagmumuni muni ay naisipan kong tumayo na dahil baka hinahanap na ako ni inay baka mapagalitan pa ako noon kung saan saan ako sumusuot

nang patayo na ako ay may narinig akong kumaluskos kaya nagulat ako at dahil doon ay nadulas ang aking paa sa gilid at nahulog sa tubig

hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako marunong lumangoy at isa pa ang lalim ng tubig na binagsakan ko!

"t-tulong! tulong!" paghingi ko ng saklolo kahit alam kong walang makakarinig sa akin

hindi magkandaugaga ang aking dalawang kamay sa paghampas sa tubig para lamang hindi ako tuluyang lumubog

hindi ko alam ang gagawin unti unti akong nalubog, hindi ko kaya nangawit na ang aking mga braso, alam kong walang makakarinig sa akin, kaya maya maya at tuluyan na akong lumubog sa tubig unti unting napapikit ang aking mata pero bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakita ko si Alonzo na biglang lumusong pababa sa tubig at pagkatapos noon ay bigla na akong nawalan ng malay......

to be continued....

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon