Kabana 1- Ano ang kanyang pangalan?

13 0 0
                                    

Ano ang kanyang pangalan?

Sa unang pagkakataon, tumibok ng sobrang bilis ang aking puso.....

Ako nga pala si Maria naninirahan kami ng aking pamilya dito sa San Alfonso, may 2 akong kapatid na lalaki. Ang isa ay nakababata sa akin na si danilo anim na taong gulang at ang isa ay nakatatanda sa akin na si kuya ernesto dalawampung gulang na at ako ay labinlimang taong gulang pa lamang. Ang trabaho ng aking ama ay magsasaka at ang aking ina naman ay tinutulungan ko sa pagiging kasambahay ....

Narito ako ngayon sa labas ng aming tahanan habang nakatingala sa kalangitan, habang ako ay nakatingin sa malawak na palayan may dumaan na kalesa sakay ang isang binatang nagtataglay ng kagwapuhan, makisig ang pangangatawan, matangos ang ilong, naniningkit ang mga mata at mapulang mga labi.

Sa sandaling iyon ay parang biglang bumagal ang paligid habang nagkatitigan kami ay parang nagharumintado ang aking damdamin at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Sa sandaling dumaan ang kalesa ay para bang kay tagal ng oras na iyon para sa akin at hindi ko makalimutan ang kanyang imahe na sadyang nakabihag ng aking puso.

Tanghalian na, nandito kami ngayon sa hapag habang kami ay salo salong kumakain. "Maria anak kumain ka na"

Natauhan ako bigla ng magsalita si itay, "Anak masama ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni inay sa akin, "a-ayos lng po ako ina" paliwanag ko.

Dahil kanina pa ako tulala sa kaiisip sa binatang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naramdaman ko, imposible bang umiibig ako sa kanya? napasimangot naman ako sa naisip ko. Ang bata ko pa para umibig, wala pa ako sa hustong gulang para sa mga bagay na iyan.
"Ate maria kumain ka na lalamig yang pagkain mo" sabi ng aking nakababatang kapatid na lalaki.

"opo kuya" tugon ko sa kanya, para kasing mas matanda pa siya sakin kung mag salita.

Kinagabihan, nakahiga na ako sa aking silid, anong oras na pero hindi pa din ako nakakatulog. Hindi ako mapakali sa higaan, hindi ko pa din malimutan ang nangyari kanina. Sino kaya ang binatang iyon at ano ang kanyang pangalan?

Nais ko siyang makilala pero baka ako ay mapagalitan nila ama at ina pag ako ay umalis ng bahay dahil baka ako ay mawala at mapunta kung saan. Hahayaan ko na yung nangyari kanina at kakalimutan, dahil malabong magkita kami muli dahil alam kong galing siya sa mayamang pamilya at hindi sila nakikipag-usap sa mabababang-uri katulad ko.

Matutulog na lng ako para maaga kaming makapunta ni inay sa kabilang bayan upang mamili.

END OF CHAPTER

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon