Y#1- Libro

71 19 0
                                    


LAHAT NANG NAKASULAT DITO, TAUHAN, LUGAR, O PANGYAYARI AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG AT KUNG MERON MANG PAGKAKAHAWIG SA IBANG STORYA AY WALA PO AKONG GINAYA SADYANG MAKULIT LANG PO ANG IMAHINASYON KO AT MAHILIG AKO SA FANTASY. YUN LANG PO SALAMAT!

©2020- @reaxreaxrea




"Yssabelle! Yssabelle! Gumising ka!"

"Yssabelle! Gumising ka anak!" Humahangos na yugyug ng isang ina sa kanyang anak habang may hawak na isang malaking bag.

"Bakit po mama?" Sabi ng limang taong bata na pupungas-pungas pa. Pasado alas dose na nang gabi at nagmamadali ang kanyang ina na para bang may humahabol sa kanila.

"Bilisan mo! Sumunod ka sakin! Wala nang oras. Tara na nandyan na sila!" Lito man sa tinuran nang ina ay nagmamadali siyang hanapin ang pares ng kanyang tsinelas at sumunod sa kanyang ina.

Sa likod ng bahay sila dumaan at kahit umuulan ay hindi nila alintana ito. Gulong-gulo ang isipan ng batang Yssabelle kung bakit sila tumatakbo, parang may tinatakasan.

Malakas ang ulan at kahit basang-basa ang dalawa ay patuloy parin silang tumatakbo. Madilim at tanging ilaw lang ng kidlat ang nagsilbing gabay nila sa daraanan. Mahigit kalahating oras na silang tumatakbo at kahit masukal ang daanan ay patuloy pa rin silang tumatakbo hanggang sa tumigil sila.

"Dito ka lang anak! Babalikan kita mamaya, pangako b-babalikan k-kita. Wag kang lalayo!" Nanginginig ang boses nang kanyang ina habang sinasabi iyon. Nandoon sila sa isang maliit na kweba na hindi masyadong napapansin at kahit na natatakot ay pilit na pinatatag nang batang Yssabelle ang kanyang kalooban.

"Bakit po Ma? A-anong meron at b-bakit tayo t-tumatakbo? " Umiiyak na ang batang Yssabelle dahil hindi niya naiintindihan ang pangyayari, kanina lang ay masaya silang naghapunan dahil binilhan siya nang kanyang ina nang paborito niyang pansit at fried chicken.

"Maiintindihan mo rin anak! Pagdating nang araw!" Sabi ng kanyang ina na ngayon ay umiiyak na rin, ayaw niyang iwan ang kanyang anak ngunit mas ayaw naman niyang ibigay ito sa masasamang tao na humahabol sa kanila ngayon.

"Magtago ka dito anak! Hangga't hindi ako bumabalik wag kang lalabas! Maliwanag? Wag kang lalabas kahit anong mangyari!" Paliwanang nang kanyang ina. Hinalikan niya si Yssabelle sa noo at niyakap. Pakiramdam nang batang Yssabelle ay huling yakap na iyon ng kanyang ina.

Aalis na sana ang kanyang ina nang bumalik ito at May binigay na isang maliit na libro kay Yssabelle,

"Ingatan mo ito anak. Dahil ito lang ang magpapatunay sa katauhan mo." Makahulugang habilin nito sa kanyang anak at pagkatapos ay tumalikod na ang kanyang ina at bumalik sa daan nila kanina.

"M-mama b-bumalik ka agad, m-mama m-ama" umiiyak na bulong ng isang bata sa ilalim ng kuweba habang yakap ang mga tuhod at nakaunan sa malaking bag.




"M-mmmmm M-mama, mama"

*KRIIIIIIINGGGGGG* *KRRIIIIIINNNNNNNNGG*

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon