"Ngunit Pinunong Hawud, nakasisigurado po akong siya ang inyong apo dahil mula bata ay ako po ang nag-bantay sa kanya." Ani ni Akadi.
Akala ni Yssabelle ay mabubuo na ang kanyang pamilya, ngunit taliwalas sa kanyang naisip. Nagkaroon nang pagpupulong sa kaharian nang mga mabubuting engkanto at pinag-uusapan ang biglaang pagdating nang anak ni Ysso.
Sabagay, hindi madaling paniwalaan lalo pa't palaging may masamang plano o ikinikilos ang mga engkantong Tan'dao.
Nakaupo silang lahat sa mahabang mesa nang pagpupulong. Maging si Yssabelle ay nag-aalala na rin dahil kailangan niya pang sumabak sa isang pagsubok upang mapatunayan na siya nga ang nawawalang anak ni Ysso.
"Ipagpaumanhin mo sana Yssabelle, ngunit maniniwala lamang kami kung makakapasa ka sa isang pagsubok. Tuso at mautak si Bakug na Pinuno nang mga engkantong Tan'dao kaya hindi kami nakakasigurado ngayon.";Wika ni Vidaya ang pinuno nang mga kataw,
"Ngunit wala na po bang ibang paraan para mapatunayan na ako talaga ang anak ni Ysso na aking ama?" Tanong ni Yssabelle.
Wala bang DNA test dito? Sa isip nalang ni Yssabelle, pero alam niyang kakaiba ang mundo nito sa mundo nang mga tao.
" Yssabelle, kung ikaw talaga ang anak ni Ysso na aking anak. Apo patawarin mo ako ngunit kailangan nating gawin ito." Wika ni Pinunong Hawud.
Ngumiti na lang si Yssabelle tinatanggap na niya na ito ang gustong mangyari nang kanyang tadhana.
"Hangad namin ang iyong kabutihan Yssabelle at sana mapatunayan mo ang iyong sarili " wika naman ni Shadira ang pinuno nang mga ibon o engkantong may mga pakpak.
Sampu pang mga pinuno ang naroon na sumang-ayon rin sa gagawing pagsubok nang dalaga.
"Tinatanggap ko po." Sagot ni Yssabelle. Kailangan niyang maging positibo sa panahong ito.
"Nawa'y hindi ka mawalan ng lakas na loob at gawin mong inspirasyon ito sa iyong pagsubok Yssabelle." Ani naman ni Tandang Banog.
"Maramang salamat po." Sagot ni Yssabelle.
"Ngunit Pinuno, ano po ba ang pagsubok na gagawin ng aking alaga?" Tanong ni Akadi
Tumingin si Pinunong Hawud kay Yssabelle.
"Pasasamahan kita kay Akadi, papunta sa halaman nang dalisay. Kailangan ninyong makuha ang bulaklak nang dalisay at makuha ang buto nito sa tagabantay nang bulaklak at ibigay ito sa akin. Nakahanda na ang inyong kagamitan at pagkain para sa inyong paglalakbay." Wika ni Pinunong Hawud.
"Aasahan mo pagbalik mo ay marami ang mangyayari sa iyong buhay. Magtiwala ka lamang." Aniya pa.
Napatango na lang si Yssabelle at tahimik na nagdasal para sa gagawin niya.
-
"Mag-iingat kayo Yssabelle." Ani ni Tandang Banog bago sila pumunta sa kaliwang bahagi na bukana nang malawak na kaharian upang doon hanapin ang bulaklak nang dalisay.
"Nawa'y tulungan kayo nang ating Bathala sa inyong paglalakbay." Dagdag pa nito
Kumaway na lang si Yssabelle bilang tugon at tahimik na nagpapasalamat at nagdasal.

BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.