"Okey ka na ba talaga?" Tanong ni Lyka sa kanyang kaibigan.
"Ayos na ako. " Maingat na naglakad si Yssabelle at nagawa naman niya ito.
"Kailangan na natin makapunta agad ngayon sa kaharian baka kung ano na naman ang gagawing hakbang ng mga engkantong Tan'dao." Paalala ni Akadi.
Naunang lumipad si Akadi upang maging gabay sa kanilang daan. Kasunod naman si Lyka na inaalalayan si Yssabelle at si Diego na kasabay rin si Exel.
Habang nasa daan ay di matigilan ni Lyka at Diego na magtanong tungkol sa mundong napasukan nila. Habang si Exel naman ay tahimik lang at paminsan-minsan ay sumasali ito sa kanilang usapan.
Nakwento na rin ni Yssabelle ang tungkol sa pamilya niya rito sa mundong napuntahan nila at ang pupuntahan nilang kaharian nang kanyang lolo. Hindi pa rin makapaniwala si Lyka rito pero dahil sa nakita niya ngayon na kakaibang lugar ay sumang-ayon na rin ito.
"May chixx kaya doon ?" Biglang tanong naman ni Diego. Sabay naman siyang binatukan ni Exel at Lyka. Natawa na lang si Yssabelle sa kulitan nila, sa liit nang panahon ay close na agad ang tatlo.
Marami pa silang nadaanan na mga puno bago nila narating ang silangan, kung saan maliwanag ang paligid at may kakaibang temperatua.
Maya-maya pa ay papalapit na sila sa bungad nang tarangkahan. Naunang lumipad si Akadi upang kausapin ang higanteng alupihan.
Maya-maya pa ay nagbukas ang malaking tarangkahan at gaya nga nang una pa lang na nakita ni Yssabelle ang kaharian ay ganun rin kamangha ang tatlo sa kanilang nakita. Hindi na nga nila magawang itikom ang bibig sa pagkamangha sa kanilang nakita. Maliban kay Exel kalma lang na tumitingin sa paligid ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang pagkamangha.
Ilang lakad pa para marating na nga nila ang silid-pulongan, nakikita at naririnig na sila ng mga Engkantong naroon. Mabuti naman at nawala na ang sumpa na mula sa nakalaban ni Yssabelle.
SAMANTALA....
Sa madilim na yungib ay makikita ang isang babae na may hawak na punyal sa kanyang kaliwang kamay. Nilalaro-laro niya lang ito habang ang kanang kamay naman niya ay hawak ang isang lantang bulaklak na halatang matagal na panahon na tinago. Lanta na ang mga talulot nito at kulay itim na rin.
"Balang araw pagsisihan mo ang ginawa mo sakin noon."
"Milagros! Milagros!" Tawag mula sa labas ng kanyang yungib.
Dali-dali namang lumabas ang babae upang salubungin ang tumawag sa kanya.
"Anong kailangan mo ?"
Humahangos na nagsalita naman ang babaeng kulay berde ang balat.
"Nakapasok na sa kaharian ang apo ni Hawud." Ulat nito.
Ngumisi naman ang babaeng nagngangalang Milagros.
"Salamat sa impormasyon. Ngayon din ay pupunta ako sa kaharian." Sagot nito bago pumasok sa kanyang yungib.
Pupuntahan niya ang kaharian ni Pinunong Hawud!
---+-
"Mabuti naman at ligtas kang nakabalik rito apo. Ngayon ay pinatunayan mo talaga na ikaw nga ay may dugong maharlika." Wika ni Pinunong Hawud sa kakarating lang na sina Yssabelle at mga kaibigan nito.
Ngumiti naman si Yssabelle at pinakilala ang mga kaibigan nito sa kanyang lolo.
"Ah lolo ito nga pala ang buto nang dalisay na sinasabi mo." Binigay naman agad ni Yssabelle ang buto na galing sa hardin nang dalisay.
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.