"Pasensya na talaga ha, a-akala kasi namin kayo yung engkantong sinasabi ni Lola eh kaya nagawa namin yon. Sorry. " Paghingi nang tawad ni Lyka sa lalaking ginamot na niya ngayon. May black eye ito sa kaliwa at may bukol din sa ulo. Nagulpi kasi nang dalawang dalaga ang binata sa pag aakalang sila ang mga engkanto.
"Hehe okey lang 'yon. Buti nga naabutan pa namin kayo eh. Baka buntis na kayo ngayon at may anak na engkanto hahaha." Tawa naman nang lalaki na ginamot ni Lyka. Matangkad ito at kulay brown ang buhok hindi pangkaraniwang taga probinsya ang porma nito.
Nakonsensya naman si Yssabelle at tumulong na lang din sa paggamot.
"Pasensya na talaga." Sagot naman ni Yssabelle sa kanya.
"Ako nga pala si Diego....." Pagpapakilala niya sa sarili at tinuro niya ang kasama niyang nakahalukipkip ngayon at matalim ang tingin sa tatlo. "....at siya naman ang pinsan kong si Exel." Napakamot nalang nang ulo si Diego dahil sa inasal nang pinsan niya. Si Diego lang ang napuruhan dahil siya ang unang nagpakita sa dalaga kaya siya ang may bukol at black eye ngayon.
"Ako naman si Lyka." Kinamayan ni Lyka si Diego.
"Yssabelle." Simpleng pagpapakilala ni Yssabelle sa kanyang sarili. Hindi kasi siya sanay makihalubilo at tanging si Lyka lamang ang kanyang kaibigan.
"Tss." Napalingon naman si Yssabelle kay Exel, kasing tangkad lang din ito ni Diego pero kapansin-pansin ang hubog nang katawan nito dahil sa suot na three-fourth na kulay abong damit at itim na pantalon. Napatingin siya sa mukha nito, dalawang dipa ang layo nila sa binata at kitang-kita niya ang masamang tingin nito sa kanya. Nakakunot at makapal ang kilay nang binata, matangos ang ilong na halatang may lahi, manipis at mapula-pula din ang perpektong labi nito.
"Done checking me?" Nagulat naman si Yssabelle sa sinabi nang binata, pati si Deigo at Lyka na nagkekwentuhan ay napatigil rin.
Napataas ang kilay ni Yssabelle, aba! Kasing kapal nang kilay niya ang mukha niya. Bakit ko naman siya tititigan? Nagsasalita na lang si Yssabelle sa kanyang isipan dahil sa kahambugan nang lalaking ito.
Napatalikod na lang siya sa inis at hinarap si Diego na noon ay patapos nang gamutin ni Lyka.
"A-ah Diego, salamat nga pala sa pagtulong MO sa amin ah. Hindi ko alam na may mga nilalang pala na ganon dito. Akala kasi namin kwento-kwento lang ang mga iyon." Sabi ni Yssabelle, sinadya niya talagang ipagdiinan ang salitang 'MO' para mainis si Exel.
"Tss."
Si Exel naman ay tumingin nalang sa malayo at humalukipkip ulit."Nako, okey lang. Bakasyunista din kami dito at noong bago pa lang kami ay niligaw rin kami nang engkantong iyon pero ang kaibahan nga lang sa bangin kami pinapunta. Mabuti nalang may kasama kami na tagarito din." Kwento ni Diego sa kanila. Ayon sa kanya ang engkantong T'wayhi ay mga mababang uri nang engkanto kung gayon ay madali lang itong matalo nang isang ordinaryong tao. Mahilig nga lang itong manamantala nang mga kababaihan. Pero nawawala naman ang kapangyarihan nito kapag tinignan mo paharap.
"At saka, hindi naman ako yung sumipa dun sa engkantong panghi kundi yang si Exel. Ang galing diba, pero hoy insan dapat ako sana yung sisipa don eh naunahan mo lang ako. Tsk tsk." Napatawa na lang si Lyka sa paliwanag nang binata. Kahit napuruhan ay nagawa pa nitong magbiro.
Hindi nalang pinansin ni Yssabelle ang sinabi ni Diego, at alam niyang nakatingin sa likod niya ang hambog na Exel na iyon. Pakiramdam niya ay mabubutas ang likuran niya.
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.