Tumakbo nang mabilis ang apat para hindi mahabol nang kung anumang nilalang na nakasunod sa kanila.
Bigla naman itong napatigil nang may narinig na pumito.
"Caefrah! Tigil!" Sigaw nang boses nang babae na pumito. Napatigil naman agad ang nilalang na Iroka na para bang isa itong maamong tupa.
Napatigil rin ang apat na ngayon ay hinihingal na dahil sa kakatakbo. Lumapit ang babae sa nilalang na Iroka at hinaplos ang katawan nito. Yumuko naman ang Iroka sa ginawa niya.
"Anong ginagawa nang mga taga-lupa sa mundo namin?" Napatigil ang apat sa tanong nang babae. Maganda ito at katamtaman lamang ang kulay tsokolate nitong buhok. Nakasuot ito nang kulay itim na mahabang panloob na pinatungan nang kulay asul na balabal.
Matalim ang mga tingin nito sa apat. Hindi maiintindihan ni Yssabelle kung ano ang ibig sabihin nang tanong nito.
"What are you talkin' about?" Tanong ni Exel na ngayon ay naguguluhan na rin.
"Nagkamali kayo nang pinasukan. Sasamahan ko kayo ngayon palabas bago pa kayo mahanap nang mga Tan'dao." Nagmamadaling naglalakad ang babae na sinundan naman agad ni Yssabelle.
Saglit na napahinto ang babae at may kinuha sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay sinaboy niya sa hangin ang abo na galing sa bulsa niya. Sa pangalawang pagkakataon nakita ulit nang apat ang lagusan na kanila 'ring pinasukan kanina.
"S-sandali.." bago pa makapagsalita ang apat ay hinigop na sila nang lagusan patungo sa mundo nang mga tao.
SAMANTALA nagkagulo ang mga Tan'dao sa kanilang kaharian dahil nakaamoy sila nang kakaibang amoy. Ito ay ang amoy nang presensya nang isang taga-lupa, sinundan nila ang amoy na iyon sa kagubatang puno nang hamog. Ngunit naabutan nila roon si Aluha, ang nag-iisang anak ni Bakug ang pinuno nang mga Tan'dao kasama ang alaga nitong Iroka yumuko sila rito at nagtanong.
"Kamahalan, may naamoy kami nang kaaibang amoy sa lugar na ito. May napapansin po ba kayo sa bahaging ito?"
Tumingin muna saglit ang dalaga sa mga tatlong kawal na kawangis nang isang shokoy, itim at may kaliskis ang buong katawan nito. Tumalim ang tingin nang dalaga sa tatlo,
"Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo, kanina pa kami nandito nang alaga kong si Caefrah." Pagkatapos sabihin iyon ay sumakay siya sa alagang Iroka at pagkatapos ay mabilis na nawala sa mga paningin nang tatlong kawal na shokoy. Nagtaka man ang tatlo ngunit wala na rin silang magagawa, alam na alam nila ang amoy nang mga tao at base sa naamoy nila kanina presko at bagong-bago ang amoy. Ang ibig-sabihin nito ay kanina pa nandito ang mga tao at marahil ay nakita rin ito ni Aluha!
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.