Y#19- Masamang balak ni Banog

18 5 0
                                        

Palapit na sa kinaroroonan ni Yssabelle si Tandang Banog nang marinig niyang may kausap ang dalaga.

"Salamat naman! Saan ka ba galing ha? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Tsaka sabi ni lolo wag kayong lumabas diba?"

Walang maririnig na sagot mula sa binata. Sa halip ay nakatingin lamang ito sa dalaga nang walang emosyon.

"Siguro hindi pa panahon para ako'y magpakita." Bulong ni Tandang Banog sabay alis patungo sa naglalabang si Bakug at Hawud.

Uunahin niya muna si Hawud!

"Exel?" Tawag ulit nang dalaga.

Biglang kinabahan ang dalaga sa mga tingin nang binata. Pakiramdam niya'y ibang Exel ang kaharap niya ngayon. Ibang Exel ito.

Hindi siya ang Exel na masama kung makatingin at palaging masungit. Ang nilalang na ito ay walang emosyon at nakakakilabot ang mga mata. Parang hindi siya kilala at parang nasa ilalim ito nang isang kapangyarihan. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Kalaban ang kaharap niya!

Isang malaking katanungan ang nabuo sa isip niya.

Sino nga ba ang Exel na ito?

SAMANTALA sa silid ay humahangos na ginising ni Diego si Lyka na noon ay malalim na ang tulog.

"Gising! Gising!"

Napamulat naman agad si Lyka nang marinig si Diego. Pupungas-pungas pa itong galit na tumingin sa binata.

"Ano ka ba Diego! Kita mo nang natutulog 'yung tao eh!" Singhal nito.

"Nawawala si Yssabelle at Exel!" Sagot ni Diego na hindi pinansin ang pagtataray ni Lyka.

Agad na napabalikwas nang higa si Lyka sa narinig.

"Ano!? Nasan sila!?" Tanong niya.

Hindi na sumagot si Diego at hinatak niya na lang ang kamay ni Lyka at nagmamadaling lumabas mula sa silid. Wala nang nagawa ang dalaga at hinayaan niya na lang si Diego na hatakin siya.

Si Yssabelle ay nakatingin lamang kay Exel na naguguluhan ngayon. Kung bakit ganito ang inaasta nang binata.

Biglang gumalaw ang kamay ni Exel na may hawak na palakol. Napaalerto ang dalaga.

"A-Anong ginagawa mo!?" Tanong ni Yssabelle na hindi naman pinansin nang binata.

Hindi nga nagkamali si Yssabelle dahil nagsimula na ngang sumugod si Exel papunta sa kanya. Winasiwas niya ang kanyang hawak na palakol. Mabilis na nakalapit ito kay Yssabelle.

Biglang naging alerto ang dalaga at mula sa kanyang kamay ay may nabuong kulay puting liwanag.

Ang puting liwanag na kapangyarihan na galing sa diwata. Hindi niya pa gamay ang kapangyarihang ito pero may pinaalala nang diwata na lahat magagawa niya basta may tiwala lang siya sa kanyang sarili.

"Pagkatapos na sumanib sa iyo ang aking kapangyarihan ay mararamdaman mong karagdagang lakas sa iyong kaibuturan. Ang kapangyarihan nang liwanag ay ang makakatalo sa kadiliman. Gagamitin mo sa kabutihan at sa tamang paraan ay matatalo mo ang mga masasama gamit rin ang iyong angking kapangyarihan na pinagkaloob sa iyong ama noong ikaw ay supling pa lamang. Ang iyong kulay abong mga mata na may taglay na kapangyarihan, bagama't mahina lamang at hindi mo pa nagagamit nang matagal ay matutuklasan mo rin."

Natigilan ang binata sa nakita mula sa kamay nang dalaga. Nagdadalawang-isip ito kung susugod ba. Itinapat na ni Yssabelle ang kanyang kamay sa binata bagama't hindi niya kayang gawin ang pagpaslang ay kaya niya namang saktan ito. Sa ginawa nang dalaga ay mas lalo pang tumingkad ang nakakasilaw na puting liwanag mula sa palad nito. Sinulyapan ni Yssabelle ang mukha nang binata, naisip niyang hindi niya talaga kayang saktan ang lalaking ito na minsan nang nagpakaba sa kanya sa tuwing lumalapit ang binata sa kanya. Hindi niya maitanggi na unti-unting nahuhulog ang puso niya at hindi niya maiintindihan iyon kung pag-ibig nga ba.

Mula sa likod kung saan naroon sina Yssabelle at Exel ay naabutan nina Diego at Lyka ang dalawa.

"YSSABELLE!"             "INSAN!"

Sabay na tawag nang dalawa, sa sigaw na iyon ay sandaling nalingat ang atensyon ni Yssabelle sa binata at huli na nang nakita niya itong mabilis na tumakbo paalis.

Humahangos na tumakbo ang dalawa papunta sa kinaroroonan nang dalaga. Mabilis na nawala ang liwanag mula sa palad ni Yssabelle.

"Bakit nandito kayo!? Delikado rito!" Sigaw nito.

Sa isip ni Yssabelle ay ayaw niyang madamay ang kanyang mga kaibigan dahil lang sa labanan na ito.

Sasagot pa sana si Lyka nang mabilis na pumunta si Yssabelle sa dalawa at hinatak ito pabalik sa silid.

"Sandali nga. Ano bang nangyayari ha?" Tanong nito.

Hindi kumibo si Yssabelle dahil alam niyang hahaba lamang ang usapan at hindi niya maabutan si Pinunong Hawud para sabihin ang mga nalaman nito mula sa diwata.






Habang patuloy pa ring naglalaban si Pinunong Hawud at Bakug sa tapat nang kaharian ay siya rin namang paglitaw ni Tandang Banog sa malapit na puno at dito nagtago habang nakatingin sa dalawa.

"Sa oras na matalo na si Hawud ay ako na ang papalit na pinuno sa mundo nang mga engkanto." Puno nang pagnanais na sambit nang matandang duwende. Kailangan makuha niya rin ang makapangyarihang kwentas nang humga na suot ni Hawud ngayon upang idagdag sa kanyang kapangyarihan.

Halos walang patlang ang pagitan nang paglalaban nang dalawang pinuno. Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Tandang Banog, kapag napatay ni Bakug si Hawud ay mas mapadali ang kanyang balak, kapag napatay naman si Bakug ay ito na ang oras na haharap na siya Kay Hawud at lalabanan niya ito.

Makikita sa buong kapaligiran nang kaharian ang madugong labanan na naganap. Madilim at tila pati na rin ang mga alitaptap at umiilaw na paru-paru ay nagkubli upang makaiwas sa labanan. Mga tunog ng mga sandata at mga daing nang kawal sa dalawang panig. Hindi ito ang inaasahan ni Hawud. Ang nais niya lamang ang katahimikan sa buong mundo nang engkanto pero heto sila't naglalaban.

Maya-maya ay tumilapon ang hawak na espada ni Hawud sa malayo dahil na rin sa lalim nang kanyang iniisip habang naglalaban. Hindi niya namalayan na wala na pala sa kanyang kamay ang kanyang espada, dahil na rin sa bilis nang itim na kapangyarihan ni Bakug. Nang makita niya na biglang natigilan si Hawud, nagkaroon siya ng pagkakataon na patamaan si Hawud.

Mula sa mga kamay ay mabilis na nabuo ang itim na kapangyarihan at mabilis na itinutok ito patungo kay Hawud!

Matatamaan si Hawud!

Mula sa malayo ay mabilis na tumakbo si Yssabelle, at kitang-kita niya ang pagkumpas nang kamay ni Bakug papunta kay Hawud.



"HUWAG!"










YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon