Y#20- Ang Nakaraan

13 6 0
                                    

Habang nakatutok ang kulay itim na kapangyarihan sa kinaroroonan ni Pinunong Hawud ay siya rin naman ang pagdating ni Yssabelle na nakatapat rin ang kanyang kamay kay Bakug na may puting liwanag. Naglalaban ang itim at puting kapangyarihan na galing sa dalawa.

Nagulat man sa nakita ni Bakug sa kakayahan nang dalaga ay pinagpatuloy niya parin ang kanyang pwersa sa kanyang itim na kapangyarihan. Nagbabaka-sakaling matalo niya si Yssabelle. Sandaling natigil ang paglalaban nang makita nila ang malakas na pwersa nang dalawa.

Sa likod naman nang dalaga naroon si Hawud na halatang nauubos na ang lakas dahil sa paglalaban nila ni Bakug.

Mayamaya pa ay biglang umiilaw ang kulay abong mata nang dalaga. Domoble ang lakas na dumadaloy sa kapangyarihan ni Yssabelle. Pakiramdam ni Bakug ay tinutulak siya nang kung anong malakas na pwersa hindi niya na makayanan ang bigat.

Ilang saglit pa ay tumilapon si Bakug ilang metro ang layo dahil sa lakas ng kapangyarihan ng dalaga.

Kinabahan ang mga kawal at alagad nang engkantong Tan'dao sa sinapit nang kanilang pinuno. Saan galing ang malakas na kapangyarihan nang dalagang ito?

Pati si Hawud ay hindi makapaniwala sa nasaksihan sa kanyang apo, parang nakikita niya kay Yssabelle ang kanyang anak na si Ysso.

"Itigil niyo na ang labanang ito!" Pagsisimula ni Yssabelle, habang nakatingin kay Bakug. Inilibot niya rin ang paningin sa lahat ng mga kawal at alagad na naglalaban kanina lang.

"Hindi niyo kami kalaban! Ang tunay na kaaway natin dito ay si ---"

"Tumahimik ka! " Biglang tumayo si Bakug. Naghanda si Yssabelle sa maaaring gawin nang kalaban. Sandaling tumalim ang tingin nito sa dalaga pagkatapos ay sinenyasan niya ang lahat ng kanyang alagad at kawal.

Ilang sandali pa ay inilagay ni Bakug ang kanyang kaliwang kamay sa lupa at may binulong dito. Nagkislutan ang mga buhay na ugat sa katawan ni Bakug. Mayamaya pa ay may bumukas na itim na lagusan sa lupa.

Susugod sana si Yssabelle pero pinigilan siya ni Hawud. Mayamaya ay sabay-sabay na nawala ang mga alagad at kawal ni Bakug sa loob at labas nang kaharian. Ni bakas nang paglalaban ay nawala rin. Si Bakug nalang ang naiwan at nagpahuli. Bago umalis at naglaho ay binalaan niya si Hawud.

"Babalik kami dito, at sa pagkakataong iyon ay tatalunin na kita. Hawud."
Sabi nito pagkatapos ay naglaho.

Pagkatapos maglaho nang mga kalaban ay siya rin naman ang pag-angat nang araw dahil sa mag-uumaga na. Yinakap ni Yssabelle ang kanyang lolo. Nagbunyi ang mga kawal nang mga lahing sanaya sa oras na iyon dahil natapos ang laban. Umatras ang kalaban.

Sa di-kalayuan naman ay nakamasid si Tandang Banog, alam niyang alam na ng dalaga kung ano talaga siya at kung anong pakay niya kaya minabuti niya na lamang na lumayo.

Balang araw ay babalik rin siya dito at aagawin niya ang trono mula kay Hawud. Siya ang maghahari sa mundo nang engkanto.

Pumasok ang lahat sa loob nang kaharian maliban kay Tandang Banog na umalis.

"Kailangan natin magplano ulit. Kailangan natin magsanib-pwersa para mabawi kay Hawud ang kaharian. Maniwala ka sa'kin Milagros." Ani Tandang Banog kay Milagros. Pagkatapos nang labanan ay dumeretso siya agad sa kuta ni Milagros. Dahil alam niyang wala na siyang lugar sa kaharian ay tumakas siya papunta dito.

Si Milagros naman ay prenteng nakaupo lang sa kanyang upuan na gawa sa pinatigas na luwad na may nakapatong na kulay berdeng tela na gawa sa mga dahon. Habang umiinom ay nakikinig siya sa mga sinasabi ni Tandang Banog na alam niya namang puro kasinungalingan lamang ang lumalabas sa kanyang dila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon