Y#7- Amagu?

26 17 0
                                    

"Sabi ko naman sa inyo diba! Sumunod kayo sakin sa Merkado!? Tumigil na ang kalabaw ko noon pero hindi niyo pa rin ako sinusundan. Akala ko tuloy nag-iba kayo nang daan." Nag-aalala si Lola Milagring sa dalawa na ngayon ay parang nagpapaligsahan sa pagnguya nang pagkain.

"Dahan-dahan lang mga apo." Gutom na gutom ang dalawa nang makabalik sila sa bahay nang lola.

"Eh kashi naman lola, hindi ka maniniwala sha nakita namin." Pagsasalita ni Lyka sa pagitan nang pagnguya.

"Oh sya. Oh sya. Tapusin niyo muna ang kinakain niyo at may pupuntahan lang ako sa likod." Pagpapaalam nang lola sa dalawa. Tahimik lang si Yssabelle sa gilid habang kumakain, iniisip niya pa rin kung anong meron sa mundong napasukan nila. May kung anong kagustuhan sa kaloob-looban niya na pumunta sa lugar na iyon.

Parang natural sa kanya lahat, parang nakita na niya sa kanyang panaginip ang lugar na iyon. Pakiramdam niya ay gusto niyang manirahan doon. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang naisip, parang naengkanto yata siya sa lugar na iyon.

"Besssss?? Hello? Hello? Andyan ka ba? May kausap ba ako? Woiii Yssabelle still there?" Napatingin agad si Yssabelle sa kaibigan niya ngayon na nagkasalubong na ang kilay sa kakatawag sa kanya.

"A-ano y-yon?" Tanong niya.

Nagpaikot ito nang mata at tinuloy ang pagkain,
"Ang sabi ko 'san kaya nakatira sila Diego at Exel para mapuntahan natin, type ko kasi 'yung Diego hihihi." Kinikilig pa ito habang hawak ang kutsara at sumubo nang pagkain.

Namula si Yssabelle sa narinig, si Exel agad ang pumasok sa isip niya. Ang mayabang na 'yon tsk!

"Puntahan kaya natin?" Tanong ni Lyka

"Hindi nga natin alam address nila diba?" Napanguso naman si Lyka.

"Pero alam mo, hindi talaga ako makapaniwala na nakarating pala tayo sa ibang mundo no? Nakakatakot! Ayoko na ulit pumunta doon!" Pag-iiba nang usapan ni Lyka.

Pero ako gusto ko. Nasabi na lang ni Yssabelle sa isipan niya.

"Ako nga rin eh." Matipid na sagot ni Yssabelle sa kaibigan. Uminom ito nang tubig at inubos ito.

"Ngayon pa lang ako nakakita nang ganong klaseng nilalang nakakatakot talaga." Patuloy pa rin sa pagkekwento si Lyka.

"Pero hindi naman tayo sinaktan diba?" Tanong ni Yssabelle na ngayon ay nagsimula nang magligpit sa pinggan niya.

"Oo nga! Pero muntikan na! Kung di pa tayo inabutan nung magandang babae baka naging tanghalian na tayo nung nilalang na 'yon!" Natatakot pa ang boses na kwento ni Lyka.

Napatahimik na lang si Yssabelle sa kwento nang kaibigan niya. Nakapagtataka nga at kakaiba ang itsura nang halimaw o nilalang na nakita nila.

"CR muna ako Ly." Pagpapaalam ni Yssabelle sa kaibigan.

Habang papunta sa palikuran ay napansin ni Yssabelle si Lola Milagring na may kausap. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya kita ang kausap nang lola.

"N-nararamdaman ko na siya na nga ang anak ni Ysso, n-ngunit hindi ko siya maaaring paslangin nang ganun-ganun na lang. Sigurado akong may nagbabantay sa kanyang engkanto." Nagtago si Yssabelle sa dingding na gawa sa kawayan upang marinig kung anong pinag-usapan nang matanda. Hindi siya tsismosa ngunit nararamdaman niyang hindi pangkaraniwang matanda si Lola Milagring.

"Siguraduhin mo lang na mapapaslang mo na siya Amagu, bago pa mahanap ni Hawud ang kanyang apo." Pagkatapos sabihin iyon nang boses lalaki ay biglang umihip ang hangin at naging tahimik na ang buong paligid. Nakatago pa rin si Yssabelle at hindi niya man lang nakita kung sino ang kausap nang lola. Nakatalikod pa rin si Lola Milagring kay Yssabelle at hindi ito gumagalaw.

Amagu?

Sa isip ni Yssabelle ay ang 'Amagu' na tawag nang boses lalaking kausap ni Lola Milagring. Sino si Amagu?

"Lola?"

"Anong ginagawa mo riyan?"

Humarap ang matanda kay Lyka na siyang tumawag sa kanya. Nasa kusina si Lyka kaya napalingon si Lola Milagring nang nakatagilid rito, hindi malaman ni Yssabelle kung totoo ba ang kanyang nakita o namamalikmata lang ba siya dahil nakita niyang kulay pula ang mga mata at may mahahabang pangil ang matanda! Naging bata rin ang itsura nito ngunit salubong ang kilay. Saglit lang ang pagbabago nang matanda kaya hindi masyadong kita ang kanyang buong mukha.

Hindi ako maaaring magkamali! Sa isip ni Yssabelle

Nagbago ang itsura ni Lola!

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon