SAMANTALA, isang lalaki naman ang naglalakad sa gitna nang daan. Pasuray-suray ito at may dalang bote nang alak sa kanyang kaliwang kamay. Hatinggabi na at sobrang dilim.
"Oohhh DJ nhang haking radyo!" Kanta nito tapos ay tinunga ang alak. Ubos na ito kaya't tinapon niya ito sa gilid nang daan.
"Mga whalang k-kwentang babae!" Sigaw nang lasing na lalaki sabay hawak sa kanyang malaking tiyan pagkatapos ay sumuka. Kahit napakadilim na sa daan ay hindi niya alintana ang takot.
"H-hoy!! Ikaw!? Kamuka mo si Celya!! Ikaw ba si Celya!? Manloloko!!" Turo niya sa isang babae na nakatalikod sa kanya.
Humarap ang babae at lumapit sa lasing. Sandaling nawala ang epekto nang kalasingan nito nang makita nang lalaki ang itsura nang babaeng papalapit sa kanya. Nanlilisik ang dalawang pulang mata nito at kulay itim ang mahabang damit. Kahit napakadilim ay kitang-kita ang dalawang pulang mata nito na sa oras na iyon ay handa nang kumitil nang buhay.
"H-huwag!!!" Malakas na sigaw nang lalaki, pagkatapos ay bumulagta na ito. Wala namang kahirap-hirap na kinuha nang babae na may pulang mata ang bangkay nang lasing pagkatapos ay pumasok na sila sa madilim na gubat.
-
"Magandang umaga mga apo! Gising na!!" Magiliw na bati ni Lola Milagring sa dalawang dalaga na ngayon ay nakatalukbong pa sa kumot. Magkatabi si Lyka at Yssabelle na natulog sa isang maliit na kama na gawa sa kawayan.
"Maya na po lola, inaantok pa ako." Pupungas-pungas pa na sagot ni Lyka pagkatapos ay nagtalukbong na ulit nang kumot. Si Yssabelle naman ay natawa na lang at bumangon na rin sa higaan. Binati niya si Lola Milagring pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina para maghilamos. Maghahating-gabi na sila nakatulog kagabi dahil sa kwento ni Lola Milagring. Ang sabi ni Lyka, isa sa mga nagustuhan niya sa lola niya ay marami itong baon na kwento.
Lumabas si Yssabelle sa kusina at pumunta sa likod para maghanap nang palikuran. Kanina niya pa kasi gustong umihi. Agad naman nahanap ni Yssabelle ang palikuran at dali-dali siyang tumakbo dito. Tulad sa probinsya, malayo din ang palikuran nang lola sa likod nito ay may mga malalaking puno. Ngayon niya lang napansin ang tanawin dahil sa maliwanag na. Pagkatapos niyang umihi ay bumalik na siya sa bahay. May balon pala si Lola Milagring sa gilid nang kusina nila. Bermuda grass ang nakapalibot sa paligid nang bahay. Halatang alagang-alaga ito dahil pantay na pantay ito. Sa kaliwang bahagi naman nang bahay ay may maliit na kulungan nang manok.
Napansin ni Yssabelle ang puting damit sa gilid nang balon kaya't nilapitan niya ito. Damit panglalaki ito at amoy alak may munting dugo rin ito na hindi gaanong napapansin. Nagtataka siya kung bakit may damit panglalaki doon dahil sa nakwento ni Lyka tungkol sa lola niya ay matagal nang patay ang lolo Sidro niya na asawa ni Lola Milagring at pinasunog din daw lahat nang mga damit at kagamitan ni Lolo Sidro noon.
"Anong ginagawa mo iha!?" Biglang tanong ni Lola Milagring kaya napatalon sa gulat si Yssabelle at napahawak pa sa kanyang dibdib.
"A-ahh w-wala po lola. Nakita ko lang po kasi itong damit. Kaninong damit po ba ito?" Tanong ni Yssabelle Kay Lola Milagring. Nag-iba naman nang expresyon nang mukha ang matanda at bigla nalang itong sumimangot at kumunot ang noo.
"Ah p-pasensya na po Lola, hindi ko------"
"Ayos lang iha, akin na yang damit na iyan at pumasok ka na sa loob at mag agahan, nandoon na si Kakay." Sabi nang matanda kay Yssabelle. Palihim naman siyang natawa sa palayaw ni Lyka. Alam niya na 'kakay' ang palayaw ni Lyka at ayaw na ayaw niya na tinatawag siyang ganun maliban sa kanyang lola na siyang nagbigay mismo nang palayaw niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasíaSabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.