Y#14- Yssabelle laban ni Yssabelle

23 10 0
                                    

"Akadi, hindi pa ba tayo papasok ulit?" Tanong ni Yssabelle.

Si Akadi ay tahimik lang, ayaw niyang panghinaan ng loob dahil kailangan pa ni Yssabelle nang tulong niya upang magkita ulit sila nang kanyang pamilya.

Makailang ulit na rin nilang sinubukang humingi nang tulong, sumigaw nang malakas, at kumausap nang sinumang engkantong makita nila ngunit ganun pa rin.

Kanina pa sila nasa labas nang kaharian at wala rin namang saysay na sila ay pumasok dahil hindi rin naman sila nakikita o naririnig nang sinuman na naroon.

Magdadalawang-oras na silang nasa labas habang nakatingin lamang sa kalangitan.

"Susubukan ko ulit pumasok Akadi, b-baka sa pagkakataong ito.... Makikita na nila ako." Paiyak na na wika ni Yssabelle. Malapit na siyang mawalan nang pag-asa.

Natatakot siyang mawala ang pag-asang magkita sila nang kanyang pamilya. Akala niya'y mabubuo na ang matagal na niyang hinihintay na pagkakataong makitang muli ang kanyang ina... ang kanyang ama.... At kanyang lolo.

Lihim na pinahid ni Yssabelle ang kanyang luha at naglakad muli papasok sa bungad ng kaharian. Nilampasan niya lang ang mga kawal na hindi siya tinignan o sinulyapan man lang.

"Yssabelle, saglit lang!" Sigaw ni Akadi.

"Pasensya ka na Akadi, kailangan makita ako ni Lolo ngayon. K-kailangan niyang malaman n-na hindi t-totoong Y-yssabelle ang k-kasama niya. K-kailangan--"

"Ngunit Yssabelle paano natin gagawin iyan!? Kanina pa tayo sumisigaw ngunit hindi tayo naririnig. Kanina pa tayo narito't----"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Akadi!" Napasigaw na si Yssabelle habang sunod-sunod na tumutulo ang kanyang mga luha.

"M-matagal k-kong d-di nakakasama ang mga mahal ko sa buhay. D-di ko n-nga alam na d-darating pala ang oras na ito na magkikita kami uli. T-tapos.... t-tapos ito lang? H-hayaan ko lang ba na mawala ang pagkakataong ito? M-marami na akong p-pinagdaanan at m-matagal na akong naghihintay para mayakap ko ulit si m-mama... ang p-papa ko.. at si l-lolo." Humihikbing paliwanag ni Yssabelle. Pati si Akadi ay napaiyak na rin dahil ramdam niya ang sakit nang puso ni Yssabelle at pagkasabik na makasama at mabuo ulit ang kanyang pamilya na matagal niyang hinintay.

Maya-maya pa ay narinig nang dalawa ang munting palakpak nang isang nilalang.

"Magaling...magaling.. magaling.."

Sabay na napalingon ang dalawa at doon nakita nila si Yssabelle. Ang huwad na Yssabelle!

"Nakikita mo kami!? Wala kang karapatang gayahin ang anyo ni Yssabelle. Wala kang karapatang angkinin ang kanyang kalagayan!" Sigaw ni Akadi.

Ngumisi lang ang huwad na Yssabelle at lumapit ito. Hawig na hawig nga ni Yssabelle ang kalaban at kung titignan ay para lamang siyang tumingin sa isang salamin.

"Hmm. Pasensya ka na. Nagustuhan ko na kasi ang pagiging isang Yssabelle "

"Sino ka ba!? Ano bang kailangan mo sakin? Bakit mo'ko ginagaya!?" Napasigaw na si Yssabelle.

"Dahil gusto ko!"

"Wala kang awa." Ani ni Akadi.

"Hmmm. Oo wala nga. KAYA KAILANGAN MAWALA KA NA SA MUNDONG ITO! PARA AKO NA ANG KIKILANING YSSABELLE, AT AKO NA RIN ANG MAGMAMANA AT HIHIRANGING PRINSESA NANG MGA MABUBUTING ENGKANTO!" Sigaw nang huwad na Yssabelle.
Umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong kaharian ngunit nakapagtatakang wala man lang nakarinig sa sigaw niyang yun.

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon