"Yssa!!" Tawag nang kaibigan niyang si Lyka. Nakasimangot ito.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang sambit ni Yssabelle.
"Eh kasi nakakainis kasi sila mama eh." Ngumuso pa ito at tumingin sa kaibigan.
"Nagtatampo kasi ako sa kanila, gusto ko nga sa birthday ko nandito sila pero kagabi sinabi nila sakin na may pupuntahan sila. Hmmp! Mas importante pa sakin yun kesa sa birthday ko eh!" Pagmamaktol nang kaibigan niya. Nasanay na siya sa ganung ugali nang mga magulang niya na palagi nalang umaalis. Kahit na ikalabing-walong kaarawan niya ay may lakad pa rin ito.
Tahimik lang si Yssabelle, alam na niya kasi na kapag ganito si Lyka ay kailangan niya lang nang makikinig.
"Pero hayaan na nga! Hehe may plans kasi ako Yssabelle eh! Sama ka ha?" Masayang sambit nito na pumapalakpak pa. Mabilis nagbago ang mood nito at napalitan nang isang masayahing Lyka.
"Saan naman?" Tanong ni Yssabelle.
"Doon sa probinsya nang lola ko. Siguro mga apat na oras ang byahe mula dito. Pero don't worry Yssabelle maganda doon may dagat, tsaka malapit doon yung forest na sinasabi ni lola sakin na kahit sinuman ay wala pa daw nakakapasok." Sabi nito. Napaisip naman si Yssabelle sa mga sinabi ni Lyka. Kung tutuusin probinsya din naman tong sa kanila pero ang kaibahan nga lang ay wala na halos mga puno sa kanila. May bundok nga pero kalbo naman.
"Oo ba. Basta ikaw na bahala magpaalam kina tiyang Clarissa." Sabi ni Yssabelle.
"Sure, ako bahala dun." Sagot naman ni Lyka.
-
ALAS DOS na nang hapon nang matapos na si Yssabelle sa pag iimpake. Kaunting damit lang ang dala niya sapat na sa dalawang linggong pamamalagi nila doon. Kung paano napapayag ang kanyang tiyahin ay malamang inabutan na naman ito nang pera ni Lyka.
Wala na roon ang tiyahin niya at si Clarisse. Umalis na ito at nagmamadaling pumunta sa bayan pagkatapos maabot ang pera na galing kay Lyka.
Napabuntong-hininga na lang si Yssabelle. Tutol man sa pakiramdam niya na parang binenta na siya nang tiyahin nya ay masaya na rin siya dahil si Lyka ang makakasama niya. Ang tanging kaibigan niya at isa pa pakiramdan niya ay malaya siya sa oras na iyon.
-
" Tara na?" Masayang sambit ni Lyka at hinila agad si Yssabelle sa Van nila.
Malaki ang van na iyon pero puno na ito dahil lang sa mga gamit ni Lyka. May nakatali ding dalawang bisikleta sa likod at may mga bagahe rin na nasa bubong pati sa loob ay halos puno na rin nang mga maleta. Natawa na lamang si Yssabelle sa kanyang isipan, tila may planong doon na lang manirahan si Lyka at wala nang planong bumalik pa.
Nakasakay na sila sa van at umandar na ito. Tatlo lang sila sa loob kasama si Mang Felipe na driver ni Lyka. Si Lyka ay nakaupo sa tabi ng driver seat at sa passenger seat naman si Yssabelle kasama ang mga malalaking maleta. Apat na oras pa ang kanilang byahe at naisipang umidlip nang dalawang dalaga upang sa gayon ay mabawasan ang kanilang pagkabagot.
-
Naalimpungatan si Yssabelle dahil nauuhaw siya, medyo makulimlim na sa labas at papalubog na ang araw, inabot niya naman ang bag niya sa likod at kinuha ang lalagyan ng tubig at uminom. Maya-maya pa ay biglang pumreno nang malakas si Mang Felipe dahilan upang masubsob si Yssabelle sa iniinom niya at matapon ito. Pakiramdam niya ay napasok sa ilong niya ang ibang tubig.

BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasiSabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.