Nagising si Yssabelle sa isang lugar na tahimik, hindi niya kita ang paligid dahil sa piring sa kanyang mata.
Malamig at pakiramdam niya ay iba ang ihip nang hangin sa lugar na kinalalagyan niya ngayon."Nasan ako?" Tanong niya ngunit gaya nang inaasahan niya, walang sumagot. Tahimik pa rin ang paligid at tila siya'y nag-iisa lamang. Inaalala niya ang nangyari bago siya napunta sa kung saan man siya ngayon.
Si Lyka! At ... At si Lola Milagring!
Sinubukan niyang makawala sa pagkakatali ng kanyang kamay, nakaupo siya at nakasandal sa malamig at matigas na bagay ngunit sobrang higpit ang pagkakatali nito.
Pinakiramdaman niya ang paligid at umaasang sana ay may tutulong sa kanya. Naramdaman niyang siya ay nasa panganib at hindi niya alam kung saan at anong nangyari sa kanya.
Maya-maya ay may narinig siyang mga yapak papalapit sa kinaroroonan niya.
"Nakakasigurado ka ba na siya na ang anak ni Ysso?"
Nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib. Saglit na naging tahimik ang kapaligiran bago niya narinig ang boses baritonong lalaki.
"Tanggalin ang piring sa kanyang mata." Utos ng lalaki at pagkatapos nito ay kinuha ang kanyang piring. Medyo malabo pa ang kanyang paningin at pilit na inaaninag ang mga taong nasa kanyang harapan ngayon. O mas tamang sabihin, mga nilalang!
"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sakin!?" Tanong niya. Pilit niyang pinatapang ang kanyang sarili lalo't hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang kanyang kaharap.
"Walang duda, na siya nga ang anak ni Ysso dahil sa pares ng kanyang mata." Ani ng lalaki.
Dios ko! Katapusan ko na yata!
"HAHAHAHAHAHA." umalingawngaw ang tawa ng katabing nilalang nito sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan niya. Apat ang kamay at kulay pula ang katawan nito. Nasa apat na talampakan ito at may parang antenna sa kanyang noo.
ISANG IPIS! Mali, isang taong-ipis!
"Tila ikaw ay takot na takot binibini." Pagsasalita naman ng lalaking nasa anim na talampakan, sa tingin ng dalaga na ito ang pinuno sa lahat dahil sa pangibabaw ng itsura nito. Matipuno at matangkad ang may wangis tao nitong katawan. May mga kasama rin itong mga kawal na mukhang shokoy!
Malamang! Sino bang hindi matakot! Sa isip nalang ni Yssabelle.
"Wag kang mag-alala, hindi ko rin papatagalin ang buhay mo." Napanganga ang dalaga sa narinig. Sino ang mga ito? At anong gagawin sa kanya ng mga nilalang na ito?
"S-sandali sino kayo? W-wala po akong atraso s-sa inyo!" Pilit na kumakawala sa pagkakatali ang dalaga ngunit bigo ito. Mas lalo pang humigpit ang pagkakatali na tila ba may buhay at may sariling isip ang baging.
"Thilak! Paslangin na iyan!" Sigaw nito bago lumabas sa silid kweba kasama ang mga kawal.
Ngumisi naman ang taong-ipis sa narinig at iwinasiwas ang apat na kamay nito. Lumabas ang matatalim at matutulis na pangalmot sa magkabilaang kamay ng nilalang.
Wala nang ibang magawa si Yssabelle. Bukod sa nakatali ang kanyang mga kamay ay tanging pagdasal na lamang ang kanyang magagawa sa oras na ito.
Lord! Tulungan Niyo po ako.
Mabilis na lumundag ang taong-ipis sa kanyang harapan at handa na sanang pagpira-pirasuin ang kanyang mga laman ng biglang umilaw ang kanyang mga mata na naging sanhi upang tumalsik ang kalaban.
Bagsak agad ito!
Sa sobrang gulat ng dalaga ay hindi niya namalayan na nawala na pala ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.
"A-anong---?" Nakaawang ang kanyang mga bibig. Hinawakan niya ang kanyang noo umaasang nanaginip lang siya. Tinampal-tampal pa niya ang kanyang mga pisngi.
"Dyusko po! Ano bang nangyari sakin!" Agad na nilapitan niya ang taong-ipis na nakahandusay. Wala na itong buhay at butas na ang tiyang bahagi nito na umuusok pa. Umaagos ang malapot na kulay berdeng dugo nito.
Ako ba ang gumawa nito? Tanong niya sa sarili. Ay malamang! Ako lang naman tao dito! Aniya ulit sa sarili.
Mababaliw na yata siya, ngunit kailangan na niyang makaalis sa lugar na 'to bago pa siya balikan ng iba pang nilalang.
Dali-daling tumakbo ang dalaga sa bukana ng madilim na kuweba. Pagabi na ng mga oras na iyon kaya tanging huni lang ng mga kwago't kuliglig ang maririnig sa madilim na gubat.
Puro puno at matataas na baging lang ang kanyang nadaanan. Hindi niya alam kung anong klaseng lugar ito ngunit isa lang ang alam niya, siya ay nasa panganib!
Mahigit kalahating oras na siyang naglalakad-takbo ngunit pare-pareho lamang ang itsura ng mga punong kanyang nadadaanan. Saglit siyang nagpahinga sa malaking puno at nag-isip.
Ayaw man niyang paniwalaan ngunit nagawa niyang mapatay ang nilalang kanina, totoo ba iyon?
May kapangyarihan ba siya?
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Imposible!
"Psst. Pssst Yssabelle!" Tawag ng isang maliit na nilalang.
Napabalikwas ng upo sa Yssabelle at napatingin sa sumitsit.
"Sino yan?" Tanong niya.
Kumaluskos ang damuhang bahagi ng isang halaman at lumabas dito ang maliit at kulay abong nilalang na may pakpak.
Isang lambana!
"Wag kang matakot......"
-
"ISANG NILALANG LANG HINDI NIYO PA NAPASLANG!" Umalingawngaw ang baritonong boses ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa kanyang kulay itim na trono. Itim ang damit at maputla ang balat nito.
Yumuko ang apat na shokoy na siyang nag-ulat sa kanilang nasaksihan. Pati sila ay hindi rin alam kung ano at sino ang gumawa sa kanilang magaling na kawal na si Thilak. Napaslang ito ng babae!
"Ngunit kamahalan, maniwala kayo m-may kapangyarihan ang baba-------." Bago pa matapos ang sasabihin ng isa sa apat na kawal ay humandusay na ito sa malamig na lupa at unti-unting naging kalansay ang katawan nito, ilang segundo lang ay naging abo ito.
"Ayokong nang makarinig ng balita mula sa babaeng iyon! Kailangan na mapaslang niyo na siya bago pa malaman ito ni Hawud! Maliwanag!?" Dali-dali namang yumuko ang tatlong shokoy at pagkatapos ay umalis na ito sa takot na baka sila ang isusunod na kitlan ng buhay.
"Masyado naman yatang mainit ang iyong ulo." Tanong ng isang babae sa tabi nito, kinuha niya ang kamay ng lalaki at ipinagsiklop sa kamay niya.
"Wag kang mag-alala mapapaslang din natin ang batang iyon." Aniya
"Ako mismo ang papaslang sa kanya dahil sa ginawa ng ama niya sa iyo, mahal ko." Dagdag pa nito.
Ngumisi ang lalaki at hinalikan niya ang babae
"Ikaw ang bahala.....
......... Milagring."
ITUTULOY.........
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasiSabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.