Y#5- Lagusan

29 18 0
                                    

"Ina! Narito na ako!" Sigaw nang binata sa kanyang ina. Sila ay nakatira sa isang maliit na kweba na may maliit na lawa sa gilid nito.

"Nandyan ka na pala Mhulak." Sagot naman nang ina nito na noon ay naghahain nang mga bungang-kahoy sa hapag kainan nila.

"Kumusta naman ang pagpunta mo sa mundo nang mga tao?" Tanong nang ina.

"Hahaha ganun pa rin ina. Mga mangmang at mahihina pa rin ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nang ating pinuno na may malakas na uri na nakatira sa mundo ng mga tao. " At kinwento nito ang pagnanakaw na ginawa niya upang makita kung may kakayahan ba ang mga tao. Ngunit natatawa na lang ang binatang si Mhulak nang hindi man lang siya naabutan nito kahit sa simpleng pagtakbo. Mataman naman na nakikinig ang kanyang ina. Tama nga naman ang kanyang anak, walang mga kapangyarihan ang mga taga-lupa. Mas malakas ang mga engkanto kaysa sa kanila , at gayon na lang ang kanyang pagtataka kung bakit sinabi nang kanilang pinuno na isa sa mga taga lupa ang mamumuno dito sa mundo nang mga engkanto.

"Anak, itigil mo na ang paggamit nang lagusan patungo sa mundo nang mga tao. Baka malaman ito nang nasa taas at tayo'y maparusahan." Pag-iibang usapan nang ina. Napapadalas na rin kasi ang paglabas-pasok nang kanyang anak sa lagusan patungo sa mundo nang mga tao. Mahigpit ang utos nang pinuno na walang sinumang engkanto ang pwedeng manakit o manlinlang sa mga tao. Pero karamihan sa mga masasamang engkanto gaya nang mga Tan'dao na nakatira sa ilalim nang lupa ay malayang nakakalabas pasok sa lagusan dahil hindi ito saklaw nang kanilang kapangyarihan. Isa na rito ang mga tiyanak, sigbin, aswang, bampira at ibang nilalang o engkanto na sumanib na sa itim na kapangyarihan.

Samantala, ang mga mababait na engkanto naman ang nangangalaga sa kalikasan at nagpapanatili nang balanse nito. Sila rin ang nag-aalaga nang mga panalangin na binigay nang Bathala para sa mga tao tulad nang mga gulay, prutas, mga isda at marami pang iba. Sila rin ang nagpapanatili nang pagyabong nang mga puno at bulaklak sa tulong nang mga malilit na nilalang tulad nang ibon, bubuyog, paru-paru at ilang maliliit na insekto.

Tulad nang mga tao, may pinuno rin ang mga engkanto. Ito ay si Pinunong Hawud, siya ang pinakapinuno ngayon sa lahat nang mga uri nang engkanto maliban sa mga Tan'dao. Hawak niya ang kwentas nang Humga, ito ang makapangyarihang sandata na nagtataglay nang apat na elemento, ang apoy, hangin, lupa at tubig. Siya rin ang nagbibigay nang batas para sa lahat.



-

"Pinunong Hawud, nakita namin ang pagsalakay nang isang aswang sa bayan nang San Roque. Sinubukan po namin itong sugpuin ngunit ito'y nakatakas. Sugatan na po ito nang siya ay makatakas sigurado akong naging abo na rin iyon at bumalik sa kalikasan." Mula sa trono ay napatayo si Pinunong Hawud. Maputi na ang mahabang buhok nito na hanggang dibdib, may mahaba din itong balbas na kulay puti na rin. Nakasuot ito nang kulay abong damit na hanggang talampakan at may dalang tungkod na gawa sa narra, at ang dulo nito ay may maliit at bilog na dyamante.

Ang tinutukoy nitong naging abo at bumalik sa kalikasan, ay ang kamatayan para sa mga lahat nang engkanto o lahat nang nilalang na gawa sa kalikasan. Mabuti man o masama.
Kapag ito ay namamatay ay magiging abo ang katawan nito at kukunin nang kalikasan.

"Sadyang matigas ang ulo nang mga Tan'dao. Sinabihan at pinakausapan ko na sila tungkol sa bagay na iyan kahapon ngunit hindi talaga nila ako pinakikinggan." Malumanay lang boses nang pinuno, ngunit makikitaan mo ito nang mataas na autoridad at kagalang-galang na pamumuno.

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon