Y#8- Ang pagdukot

27 16 0
                                    

"Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?" Nalulungkot na turan nang kaibigan.

"Masama kasi pakiramdam ko Ly eh. Pasensya ka na namimiss ko na rin kasi sina Tyang Clarissa." Pagsisinungaling niya kay Lyka. Pagkatapos makita ni Yssabelle ang kababalaghan noong nakaraang araw ay natakot siya para rito kaya naman sinabi niyang umalis na sila roon at umuwi na. Pati ang kaibigan niyang ayaw pa sana umuwi ay napilit niyang umuwi dahil masama ang kutob niya sa kinikilalang lola nito.

" Ehhh Yssa naman kasi. Isang linggo pa lang tayo nandito ah bakit biglaan naman? Atsaka bakit ba parang takot na takot ka ngayon may problema ba?" Tanong nito sa dalaga.

Lumapit si Lyka sa kaibigan na ngayon ay naglalagay ng damit niya sa maliit niyang maleta.

"A-ah w-wala naman Ly. H-hindi lang siguro ako sanay sa lugar na to." Tinapos nito ang ginagawa atsaka humarap kay Lyka.

"Pangako sasama ako kahit saan mo gusto basta wag lang dito." Aniya, Nakataas pa ang kamay nito. Sana naman mapapayag na ang kaibigan niya sa gagawin niya. Natatakot siya para rito lalo pa't kailan lang ay nakatagpo sila nang hindi pangkaraniwang nilalang.

"Hayyyy sige na nga! Pero teka lang ha, magpapaalam muna tayo kay Lola Milagr------"

"W-wag!" Napataas ang boses niya at naging alerto.

Hindi pwede!

"Bakit?" Tanong ni Lyka.

Hindi alam ni Yssabelle kung paano sasabihin sa kaibigan ang nakita niya. Baka iisipin nitong gumagawa siya nang kwento sa Lola niya- sa pinakamanahal na lola nito. Ang lola niyang mabait at mapagmahal.

Napabuntong-hininga siya at naghanap ng lakas ng loob para sabihin ang mga nakita niya.

"Ly, simula ba pagkabata mahal na mahal ka na ng lola mo?" Tanong ni Yssabelle.

"Oo naman! Yun ang sabi ni Mama sakin. Si Lola ang nagbigay nang palayaw sakin, kahit naman pangit yung binigay niyang palayaw eh gusto ko tawagin niya 'kong ganun" mahabang pagpapaliwanag nito.

"A-ah ganun ba."

"May tanong pa ako, kailan namatay ang lolo mo?" Tanong niya ulit rito.

"Ano bang klaseng tanong yan Yssabelle. Kaloka naman para naman akong nasa hot seat nito haha pero anyway uhmm mga 8 years old ako nung namatay si Lolo. Hindi nga ako sinama ni Daddy sa libing ni lolo eh, tsaka ang sabi pa ni mommy simula nung namatay si Lolo hindi raw lumalabas nang kwarto si Lola. Gusto niyang mapag-isa palagi." Malungkot na kwento nito.

"A-ah L-ly w-wala ka bang napapansin sa Lola mo ngayon? Para kasing-----"

"Mga apo. Halina kayo kakain na tayo." Napalingon ang dalawa sa nagsalita. Nakasandal sa pintuan si Lola Milagring at tuwid na tuwid ang katawan nito. Nakatingin ito kay Yssabelle.

"Sige Lola, susunod na po kami." Tumalikod na ang Lola Milagring at si Yssabelle naman ay biglang kinabahan sa saglit na pagngisi nang matanda sa kanya. Hindi iyon napansin ni Lyka pero hindi maaaring magkamali si Yssabelle, sa pangalawang pagkakataon nakita niya naman ang itsura nang matanda.




-

SAMANTALA sa bintana nang bahay ng Lola ay nakamasid ang isang maliit na nilalang na kulay abo.

"Hindi maaari! May masamang balak ang taong ito kay Yssabelle! Kailangan ko siyang pigilan!"





-

"Huwaaaaaaw? Pritong palaka!" Excited ang boses ni Lyka nang makita niya ang inihandang ulam nang kanyang Lola. Kinuhanan pa niya ito nang litrato sa hawak niyang cellphone, paborito niya ang pritong palaka lalo na ang luto nang kanyang Lola. Malutong ito at masarap kaya naman pati si Yssabelle ay napasugod na rin sa hapag-kainan.

"Ang sarap!" Dali-dali namang nagsandok nang kanin ang dalawa. Napansin ni Yssabelle na wala roon si Lola Milagring. Napatigil siya sa pagsandok at tumayo, hindi siya napansin ni Lyka na noon ay abala sa pagsubo nang pagkain.

Pupunta siya sa kwarto nang matanda!

Napahinto siya sa labas nang pinto, ano ba 'tong ginagawa ko? Hayyyyyysssst! Sa isip ni Yssabelle na naging chismosa na yata siya.

Kakatok na sana siya sa pinto nang marinig niyang may mga hikbi sa loob nito. Palakas nang palakas ang hikbi nito na naging isang hagulhol.

"Ayoko na Sidro! Hindi ko na kaya! Ginawa ko na ang lahat para mabuhay ka. Ayoko nang maging masama!" Hagulhol nito. Napatakip nang bibig si Yssabelle sa narinig. Anong ibig sabihin nang matanda sa sinabi nito?

Maya-maya pa ay natahimik ang boses sa loob at narinig ni Yssabelle na may yapak na papalapit sa pintuan. Lalabas na si Lola Milagring!
Dali-dali siyang tumalikod at bumalik sa kusina. Pagdating niya roon ay patapos na sa pagkain si Lyka.

"Oh san' ka ba nanggaling Yssabelle? Hehe malapit ko na sanang maubos." Hindi niya pinansin si Lyka, sa halip ay wala sa sarili siyang sumubo nang sumubo nang pagkain.

"Lola! Nandyan lang po pala kayo. Halina po kayo kain na po tayo." Pag-aalok ni Lyka sa kanyang lola.


-

Pagkatapos kumain ay nagpahinga ang dalawa sa maliit na sala ng bahay ni Lola Milagring. Maya-maya nagpaalam si Lyka na pupunta muna sa palikuran. Kaya naiwang mag-isa si Yssabelle.

Habang malalim ang iniisip ni Yssabelle ay hindi niya namalayan na nakatulog siya sa maliit na sofa. Pagkakataon ito upang magawa ng matanda ang kanyang balak.

"Pasensya na ineng, sana maintindihan mo ako."





ITUTULOY......

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon