Habang abala ang mga kawal ni Pinunong Hawud sa babala na natanggap nila ay abala rin ang mga Engkantong Tan'dao sa kanilang gagawing pagsugod.
"Hindi ko alam kung bakit biglang nagpadala nang babala si Hawud ngayon." Ani nang isang kawal ni Bakug.
Naroon na sa labas nang teritoryo nang mga engkantong Tan'dao kasama ni Bakug at ang mga kawal na nakahanda na sa pagsalakay.
"Ganun rin ang iniisip ko. Sa pagkakaalam ko, walang ginawang kilos ngayong araw si Pinunong Bakug para balaan tayo ni Hawud." Sagot naman nang isa pang kawal.
"May babala man o wala pabor pa rin sa atin ito upang labanan na natin si Hawud at ipalit na Pinuno si Bakug." Sumang-ayon naman ang isa pang kawal sa sinabi nito.
Ilang saglit pa ay pinangunahan ni Bakug ang mga kawal sa paglalakad, nakasuot ito nang matibay na baluti na gawa sa pinakamatibay na bakal at pinalibutan nang itim na tila mga buhay na ugat. May hawak itong espada na magkabilaan ang talim.
Tumigil ang mga kawal sa paglalakad nang sumenyas si Bakug.
"Sapat na ang mahabang panahon nang ating pananahimik. Panahon na upang tayo naman ang mamuno sa buong mundo nang mga engkanto. Ngayong gabi, susugurin natin ang kaharian nang mga engkantong may lahing sanaya at mapapasaatin ang kaharian!" Sigaw nito at tinaas ang kanyang sandata.
Naghiyawan naman ang mga kawal sa narinig. Iba't-ibang anyo ang mga kawal ni Bakug, naroon ang may kahawig nang isang ipis, may taong-paniki, kapre, itim na lamang-lupa, shokoy, at iba't-ibang mga engkantong tumalikod sa kani-kanilang mga tungkulin at sumanib sa itim na kapangyarihan na hawak ni Bakug.
Naroon din ang kaisa-isang anak ni Bakug na si Aluha. Bagama't malayo ang loob ni Bakug sa kanyang anak ay nagpupumilit na sumama ito upang patunayan sa kanyang ama ang sarili.
Naaala niya pa ang pinag-usapan nila nang kanilang ama kanina. Habang nagkakagulo ang mga engkantong Tan'dao sa Tireos na natanggap nila.
"Ama, maaari po ba akong sumama?"
Tinapos pa ni Bakug ang kanyang ginagawa bago niya sinagot si Aluha.
"Huwag ka nang makialam Aluha! Wala ka pang masyadong alam sa labanan!" Singhal nito.
Naiintindihan ni Aluha kung bakit malayo ang loob ng ama niya sa kanya ay dahil si Aluha ay may kakaibang kabutihang ipinapakita sa ibang nilalang na taliwalas sa kagustuhan ni Bakug.
"Ngunit ama, malaki na ako kaya ko nang lumaban." Sagot nito.
Sasagot pa sana si Bakug nang dumating ang kanyang asawa na si Milagring.
"Hayaan mo na siya Sidro. Tama siya, malaki na ang anak natin. Hayaan mong ipakita niya ang kanyang natutunan." Ani nito
Nagpasalamat naman si Aluha sa pagdating nang kanyang ina, wala na ring nagawa si Bakug at pinayagan niya nang sumama si Aluha sa kanila.
SAMANTALA sa silid kung saan naroon sina Yssabelle. Kanina pa palakad-lakad ang dalaga sa kadahilanang hindi siya mapakali. Sinulyapan niya muli ang pinto, nagbabakasakaling baka may pinuntahan lang si Exel.
"Saan naman kaya nagpunta 'yung lalaking 'yun? " Tanong niya sa sarili. Tulog pa rin sina Lyka at Diego at hinihintay niya pa rin si Exel na bumalik. Hindi siya makatulog dahil gusto niyang sumama sa labanan na gaganapin. Pakiramdam niya'y wala siyang silbi na isa siyang apo ni Hawud samantalang wala siyang alam sa labanan.

BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.