Y#13- Sigbin laban kay Yssabelle

24 12 0
                                    

"Sabi nila balang araw darating, ang iyong tanging hinihiling.

At nung dumating, ang aking panalangin ay hindi na maikubli..."

Halos isang oras nang naglalakad si Yssabelle at paikot-ikot namang lumilipad si Akadi. Maliwanag pa rin sa kanilang daraanan gawa nang mga umiilaw na kabute at dumagdag pa ang  masarap na simoy ng hangin kaya't nawala ang kaba sa dibdib ni Yssabelle sa oras na iyon.

"Ang ganda pala nang iyong tinig Yssabelle." Komento ni Akadi.

"Hindi naman, marunong lang pero hindi magaling ." Tumatawa pang sagot ni Yssabelle.

Maya-maya pa sa di-kalayuan tanaw na ang hardin nang mga iba't-ibang klaseng tanim na mga bulaklak.

"Wow!! ang ganda!!" Napanganga ulit si Yssabelle sa nakita, nakahiligan niya na talagang ngumanga sa tuwing makakakita nang nakakamanghang tanawin.

"Nandito na tayo, Yssabelle. Sa hardin nang dalisay." Anunsyo ni Akadi.

Isa itong hardin nang mga bulaklak, malaki, maliit, bilog o iba't-ibang hugis at kulay na mga bulaklak. Nakahanay ito ayon sa kanilang kulay. Napakaganda!

Ngunit sa lahat nang mga nagagandahang bulaklak ay may isang nangibabaw. Nasa gitna ito nakatanim at pinapalibutan nang nakapabilog na mga bulaklak na hugis parisukat ang mga talulot. Ito ang bulaklak ng dalisay. Kulay ginto at nagniningning ang mga tangkay at talulot nito.

"Yun na ba ang bulaklak Akadi?" Tanong ni Yssabelle na hindi inaalis ang tingin sa nakabibighaning bulaklak.

"Oo Yssabelle, mag-iingat ka dahil-----"

Hindi na napigilan ni Akadi si Yssabelle na napatakbo sa gitnang bahagi nang hardin kung saan naroon ang bulaklak ng dalisay.

"Yssabelle! Huwag--"

"SINO KAYONG MAPANGAHAS NA NAGLAKAS-LOOB NA PUMUNTA RITO!" Napahinto si Yssabelle sa paghakbang nang marinig ang dumadagundong na boses nang isang nilalang.

Isang kapre!


Sabay na napalingon si Yssabelle at Akadi sa isang nilalang na sumigaw, nakakapanindig-balahibo ang boses nito. Nasa taas na pitong talampakan ang itim nitong mabalahibong katawan. Hindi na halos maaninag ang mukha nang nilalang dahil sa kapal at itim nang balbas nito.

"I-ipagpaumahin mo p-po, ngunit hindi kami n-naparito para mangambala n-nais lamang namin na makakuha nang b-bulaklak nang....
D-dalisay." Nauutal na sagot ni Akadi, sa liit nang lambana ay hindi na halos makita ito nang kapre.

Si Yssabelle naman ay nakatulala lang na nakamasid sa nilalang. Hindi pa siya nakakita nang kapre at hindi siya makapaniwala na heto't nakita na nga niya nang harap-harapan.

Siniko ni Akadi si Yssabelle upang matauhan at nagtagumpay naman siya dahil bumalik ang katinuan nang dalaga.

"A-ahh o-opo gusto lang namin nang buto nang bulaklak ng dalisay."

"HINDI MAAARI KAILANGAN LABANAN NIYO MUNA AKO BAGO KO KAYO BIGYAN NANG HINIHILING NINYO!" Dumadagundong ang boses na hamon nang kapre.

Bago pa man nakasagot ang dalawa ay lumitaw sa kanilang harapan ang isang sigbin!


"IKAW BABAENG ENGKANTADA ANG LUMABAN! SIYA ANG LALABANAN MO!" Aning kapre.

Napanganga si Yssabelle sa nakita niya.

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon