Y#11- Kaharian

27 16 0
                                    

"Totoo na ba talaga ito Akadi? I-ito na ba talaga ang kaharian nang aking Lolo?" Namamanghang wika pa ni Yssabelle habang nakatanaw sa malawak na lupain na nakapalibot sa kaharian na kanyang kinabibilangan. Hindi siya makapaniwala na may ganito pa lang mundo sa loob nang kagubatan. Akala niya ay puro mayayabong na puno lamang ang nakatayo ngunit sa nakikita niya ngayon ay kakaiba.

Nakwento na ni Akadi sa kanya ang lahat habang naglalakbay ang dalawa. Ang kagubatan na may kaharian ay hindi nakikita nang mga ordinaryong nilalang dahil may lagusan ito na tanging mga engkanto lamang ang makakapasok kaya aakalain ng mga tao na isa lamang itong simpleng kagubatan.

"Ito na nga mahal kong alaga. Maligayang pagdating sa kaharian ng mga lahing Sanaya. Ang mga mabubuting engkanto. Ang iyong lahi Yssabelle." Nakangiting sambit ni Akadi. Pati siya ay labis na natutuwa dahil tulad ni Yssabelle ay ngayon lang ulit siya nakabalik sa kaharian dahil sa pagbabantay niya kay Yssabelle noong bata pa lamang ito.

"A-ang ganda!!"

Mga nagniningning na paru-paru at alitaptap ang nagsilbing ilaw sa kapaligiran nang kaharian. May mga umiilaw na halaman din sa daraanan bago sila makarating sa bungad nang tarangkahan.

"Halika na Yssabelle pumasok na tayo." Lumapit ang dalawa sa bungad nang tarangkahan at doon lang nakita ni Yssabelle ang kabuuang itsura nito. Malawak at malaki at may mga disenyong halaman na kulay luntian o di kaya'y dilaw-luntian.

"Akadi, wala bang bantay dito?" Tanong ni Yssabelle. Dahil wala man lang itong kawal o anupaman para sa seguridad nang kaharian.

"Pagmasdan mo Yssabelle." At lumipad si Akadi sa taas na bahagi nang tarangkahan at may hinawakan na makinis na kulay kayumangging bato sa gitna.

Doon ay lumabas ang isang dambuhalang alupihan! (O isang higanteng centipede sa mundo nang mga tao) nasa pitong talampakan ito at kulay kape ang katawan. Nakakabit lamang ang katawan nito sa tarangkahan na nagsilbing kandado rito.

"A-akadi!" Kinakahabang tawag ni Yssabelle.

"Wag kang mag-alala Yssabelle." hinawakan na nga ni Akadi ang uluhan nang alupihan at pumikit. Nakipag-usap siya sa nilalang nang hindi naririnig ni Yssabelle.

Pagkatapos nang limang minuto ay kumilos ang higanteng alupihan at unti-unting bumukas ang tarangkahan nang kaharian.

Lumaki na naman ang mga mata ni Yssabelle sa kanyang nakita ngayon, kung nakamamangha ang labas na bahagi nang kaharian ay mas at higit na nakamamangha ang loob nito.

Napakaganda!

"Ang tagal talaga magpapasok ni Alupihan na iyon, hayy matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakabalik kaya siguro di ako nakilala nang nilalang na iyon." Pagsasalita ni Akadi. Ngunit tahimik lamang si Yssabelle dahil sa sobrang mangha niya sa mga nakikita niya ngayon.

Sa kanang bahagi nang kaharian ay naroon ang kulay kalangitang-asul na talon na may naninirahan at naliligong mga sireno't sirena. Kumikislap-kislap ang tila may buhay na talong iyon. Napapalibutan rin nang iba't-ibang klase ng bulaklak ang paligid nang talon may mga iba't-ibang klase na mga ibon.

Sa kaliwang bahagi ay malaharding tanawin na punong-puno nang mga bulaklak at mga halaman. Hindi masyadong kita kung ano ang mga naninirahang nilalang dahil sa malayo ito mula sa pwesto nang dalawa.

Binagtas nila ang mahabang pasilyo bago makarating sa kaharian na doon ay may mga bantay na nakaabang.

Walang mapagsidlan nang tuwa ang dalaga dahil sa nangyari, pakiramdam niya'y muli nang mabubuo ang kanilang pamilya at makita na niya ang kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang lolo.

"Sino kayo !? " Biglang napatingin si Yssabelle sa mga kawal na ngayon niya lang napansin na nakapalibot na pala sa kanila at nakatutok ang mga sibat na hawak nito. Hindi tulad nang mga kawal na humahabol kay Yssabelle na kawangis nang shokoy ay mas maayos at disente ang mga kawal na kaharap niya ngayon. Kulay asul ang mga damit nito na walang kaibahan ang wangis sa mga tao maliban lamang sa mahaba nitong tenga at walang panggitnang guhit sa ibabaw nang labi nito.

Nakwento na sa kanya ni Lyka noon na kapag nakatagpo siya nang taong walang philtrum ay hindi iyon isang tao.

"Narito lamang kami upang makausap si Pinunong Hawud, nais kong ipaalam na narito ang kanyang apong si Yssabelle." Wika ni Akadi, saglit na nagkatinginan ang mga kawal sa sinabing iyon ni Akadi.

"Sumama kayo sakin." Ani nang isang kawal. Sumama ang dalawa at lumakad ulit sa mahabang pasilyo. Kinakabahan si Yssabelle, pakiramdam niya ay may masamang mangyayari.

Hinawakan nang maliit na mga kamay ni Akadi si Yssabelle upang pakalmahin.

Kumalma naman si Yssabelle sa ginawa niyang iyon.

"Pinunong Hawud, may gustong kumausap sa inyo at sinasabing siya raw po ang inyong apo." Nakahinto na sila sa harap nang may edad na lalaki na nakaupo sa trono nito. Tumayo si Pinunong Hawud sa kanyang nakita, kinakabahan naman si Yssabelle dahil sa wakas ay nakita na niya ang kanyang kadugo. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.

"A-apo?"

-

[MUNDO NANG MGA TAO]

Pumunta na si Lyka, Diego at Exel sa merkado upang makita ulit ang binatilyong may Mahiwagang lagusan.

"Ano na? Apat na oras na tayo dito wala pa rin!" Reklamo ni Diego.

"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo kaya tayo minamalas eh." Sagot naman ni Lyka. Tanghali pa lang ay nandoon na sila sa merkado at inabangan ang binatilyo kung saan nakita nila ito noon.

"Hindi na yata darating iyon. Hapon na oh." Napaikot nalang nang mata si Lyka dahil sa kaingayan ni Diego. Si Exel naman ay nakaupo lang at nakamasid sa paligid baka sakaling makita na nga nila ang binatilyo.

"HUUY IBALIK MO YAN!!!!" sigaw nang isang matandang ale. Sabay-sabay napalingon ang tatlo sa pinanggalingan nang sigawan.

Nakita na nga nila ang takbuhan malapit sa tindahan nang isda, nagkagulo na rin ang mga taong nandoon ngunit mabilis na tumakbo si Exel at hinabol ang binatilyo. Mabilis na hinawakan naman ni Diego ang kamay ni Lyka at sabay silang sumunod. Kinailangan nilang maunahan ang binatilyo bago pa ito pumasok sa lagusan at mawala.

Hindi nga nagkakamali ang tatlo dahil huminto na naman ito sa imbakan nang bigas. Mabilis itong dumukot sa kanyang bulsa, nagtingin-tingin pa ito sa kanyang likuran para makasiguradong wala ngang nakasunod sa kanya. Ngunit mabilis na lumapit si Exel at hinawakan sa leeg ang binatilyo.

"S-sino kayo??" Tanong nang binata.

"Shut up! Now, dalhin mo kami sa inyong mundo." Sagot ni Exel habang hawak ang kamay nito sa likod at ang isa pang kamay ay hawak ang leeg nang binatilyo.

Lumapit na rin si Lyka at Diego rito.

"Anong kailangan ninyo! Bakit kayo pupunta doon. Hindi kayo maaaring makapasok dahil mababa-------."

"Shut up!" pinilipit ni Exel ang kamay nang binatilyo at doon ay binuka nang binatilyo ang kanyang palad dahilan upang matapon sa lupa ang alikabok, bumulong ang binatilyo at pagkatapos ay bumukas ang kulay gintong lagusan sa kanilang paanan ngunit dahil sa lupang kanilang tinatapakan bumukas ang lagusan sabay-sabay silang nahulog sa malalim at nakakahilong lagusan.



"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"





ITUTULOY.....

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon