"Insan, 'san ka galing?" Tanong ni Diego na pupungas-pungas pa. Nagising siya sa ingay na gawa nang mga naglalaban sa labas. Binalaan na sila kanina ni Pinunong Hawud na manatili lamang sa ligtas na silid na iyon para makaiwas sa panganib.
"Naglakad-lakad lamang ako." Sagot nito. Biglang natigilan si Diego sa sagot ni Exel.
Sa isip ni Diego, bakit napakalalim nang magtagalog ang pinsan niya!?
Sinipat nang mabuti ni Diego si Exel mula ulo hanggang paa.
Alam na alam niya ang pinsan niyang kasabayan niya lang lumaki sa US at sa Maynila. Hindi ito gaanong maalam sa pananalita nang tagalog. Lalo na sa mga malalalim na tagalog.
"Bakit?" Tanong ni Exel kay Diego na ngayon ay pinaniningkitan siya ng mata.
Saka lang naalala ni Exel ang kanyang nasabi kaya umasta nang ganito si Diego. Kinakabahan siya sa mga tingin ni Diego ngayon.
Lumapit si Diego sa pinsan niya at hinawakan ang noo nito.
"Umamin ka nga sakin!?"
Napalunok nang maraming beses si Exel sa tanong nang pinsan niya. Hanggang dito na lamang siguro ang pagpapanggap niya bilang----
"Naengkanto ka no ? Siguro type mo 'yung babaeng mukhang tuod 'don sa labas no?" Seryosong tanong nito.
"Sino ang nagkulong sayo?" Tanong ni Yssabelle sa diwatang ibon.
Nagpasalamat siya dahil napadpad siya sa silid na ito. Dahil may nalaman siya na maaaring makapagbago sa labanan na naganap ngayon.
"Si Tandang Banog."
Natigilan si Yssabelle sa nalamang sagot nang diwatang ibon. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Si Tandang Banog, na kanang-kamay nang lolo niya.
"P-Pero si Tandang Banog ay matagal nang naglilingkod kay lolo." Ani nang dalaga habang inaalala ang itsura ni Tandang Banog na laging nasa gilid ni Pinunong Hawud at tapat nakabantay sa anumang oras.
"Oo, siya nga. Si Tandang Banog ay isang matandang nuno na naghahangad na maging isang Pinuno, ngunit hindi siya pinapayagan naming mga diwata dahil hindi siya nabibilang sa mga may lahing sanaya. Gayunpaman, ilang taon siyang nagbait-baitan upang paniwalain niya si Hawud at gawin siyang kanang kamay. Noong araw na nagbibinata si Ysso ay dinala niya ito sa mundo nang mga tao para sana iligaw ngunit hindi niya naisakatuparan ang kanyang balak. Ngunit sa araw ding iyon ay nakilala ni Ysso ang iyong ina na si Bella." Tumingin ang ibon sa dalaga bago ituloy ang kanyang kwento.
"Nakita ni Tandang Banog iyon, nakaisip agad siya nang balak. Sa halip na iligaw ay pinaibig niya si Bella kay Ysso at nagbunga ang pag-iibigang iyon. Sa araw na ikaw ay pinanganak ay sinugod ang kaharian nang mga engkantong Tan'dao nang walang hudyat dahil kagagawan ni Tandang Banog iyon. Hindi niya kaanib ang mga engkantong Tan'dao ngunit gumawa siya nang paraan upang maglaban-laban ang dalawang panig. Bagama't nanalo si Hawud ay Nagkahiwalay naman si Ysso at Bella at hindi na nga nakita pang muli.
Limang taon mula noon ay lumitaw ang isang propesiya sa pangitain ni Tandang Banog, nagalit siya rito. Gusto na niyang maunahang hanapin kayong mag-ina at patayin. Pinasundan niya kayo sa mga kasapi niya at ipinatugis noong gabing iyon ngunit nabigo siya dahil sa tulong nang ilan kong kasamahang diwata. Nagkahiwalay kayo ni Bella noon ngunit itinago ka naman naming mga diwata sa kweba upang hindi ka makita nang mga tumutugis sa iyo. Nagalit siya saaming mga diwata dahil sa lubos na pangingialam namin at kami ay ikinulong upang hindi kami makapagsuplong kay Hawud. Makapangyarihan kami ngunit si Tandang Banog ay mas nakakatanda nang ilang libong taon samin. Kaya't mas marami siyang alam na hindi namin kayang gawin.
BINABASA MO ANG
Yssabelle
FantasySabay-sabay nating samahan ang dalagang si Yssabelle sa hiwaga nang ibang mundo.