Y#10 - Akadi

25 16 0
                                    

"S-sino k-ka?!" Tanong ni Yssabelle sa maliit na nilalang na ngayon ay nasa kanyang harapan. Ayaw na niyang magtiwala o magpalinlang sa sinumang nakatira sa mundong napasukan niya ngayon.

"Ako si Akadi, ako ang iyong bantay simula noong bata ka pa lamang." Sagot nito habang nakangiti. Kulay abo ang mga pakpak ang wangis nito at may tangkad na isang dangkal. Nakasuot ito nang damit na dahon.

Nakatingin lamang si Yssabelle rito. Wala siyang masabi dahil na rin sa takot na baka kalaban na naman ito at pagtatangkaan na naman siyang paslangin kahit pa sa maliit na anyo nito.

"Wag kang matakot sakin kilala ko ang mga magulang mo." Aniya. Dahil dito napatingin si Yssabelle sa maliit na nilalang.

"K-kilala mo ang mga magulang ko?" Nakangiti si Yssabelle habang tinatanong si Akadi. Masaya siyang malaman na may nakakilala sa mga magulang niyang matagal na panahon na niyang inaasam na sana ay magkita silang muli. Masayang tumango si Akadi

"Nasan sila!? Maayos ba ang lagay nila ngayon!?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Sabik na sabik na siyang makita muli ang kaniyang ina. Pati na rin ang kaniyang ama na ayon sa kwento nang kanyang ina ay sanggol pa lamang siya ay pumunta na raw sa malayong lugar upang magtrabaho kaya hindi niya nakilala ito. Hindi niya man alam kung ano at saan ang trabaho nito ay patuloy pa rin siyang umaasang masilayan niya ang mukha nito.

"Malalaman mo rin mahal kong alaga. Sa ngayon ay pupuntahan muna natin ang kaharian nang iyong lolo." Sa sinabing iyong ni Akadi ay wala nang mapagsidlan nang galak at tuwa ang puso ni Yssabelle. Sobrang saya niya sa kanyang nalaman.

"A-ang aking lolo?"

"Oo mahal kong alaga naroon ang iyong lolo at batid kong magagalak rin siyang ikaw ay makita ngayon kaya tara na, magmadali na tayo."

--

Samantala, tatlong kawal na engkantong Tan'dao ang nag-usap.

"Hanapin niyong mabuti at amuyin upang masundan natin ang engkantadang iyon." Ani nang isang shokoy na nangunguna sa paghahanap kay Yssabelle. Pinapaamoy niya ang naiwang halimuyak nang dalaga sa lugar na pinagagapusan nito.

Tumango naman ang dalawa pang mga kawal na kawangis nang shokoy at inamoy ang halimuyak, pagkatapos ay lumakad na sila para masimulan na ang paghahanap bago pa ito maunahang makita nang mga mabubuting mga engkanto.

Malawak ang kagubatan nang mga engkanto na nahahati sa dalawang kaharian. Sa hilaga at silangang bahagi ay ang maliwanag na lugar nang mga mabubuting engkantado. Ang kaharian ni Pinunong Hawud, ang tirahan nang mga tagapangalaga nang kalikasan. Sa timog at kanlurang bahagi naman ay ang madilim na kagubatan kung saan naroon at nanirahan ang mga masasamang engkanto at ang mga itinakwil o isinumpa ni Bathala.

-

"Akadi, teka lang. M-malayo pa ba tayo? Sumasakit na kasi ang mga paa ko." Reklamo ni Yssabelle. Halos tatlumpo't minuto na silang naglalakad ngunit hindi pa rin nila narating ang kaharian nang kanyang lolo. Madilim pa rin at kanina pa paulit-ulit na nagwawala ang kanyang tiyan.

"Magpahinga muna tayo saglit Yssabelle, kukuha lamang ako nang prutas upang iyong makain. Batid koy ikaw ay nagugutom na." Ani ni Akadi. Mabilis itong lumipad at pumunta sa kalapit na puno nang saging. Kumuha siya nang sapat at mabilis na ibinigay kay Yssabelle.

Kinuha nang dalaga ang saging at kinain ito.

Sa di-kalayuan ay papalapit na ang mga kawal ng masasamang engkanto at amoy na amoy na nila ang halimuyak nang engkantadong kanina pa nila hinahanap.

YssabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon