Prologue~

504 23 0
                                    

/PROLOGUE/

"Professor Grace, ito na po yung pinaresearch niyo po sa akin." Binigay ko yung mga papel kay Professor Grace at kinuha naman niya iyon.

Biglang may pumasok na puting kuwago galing sa bintanang malapit sa mesa ni Professor. Lumapag ito sa mesa. Hinawakan ko ang ulo ng kuwago at nalaman kong kuwago ito ng Head Mistress na si Yuna. Bakit kaya siya nandito.

Habang nilalaro ko si Yuna ay hindi ko nakita na may sulat ito sa bibig. Napansin ko lamang ng kinuha ito ni Professor at binasa.

"Mmm... Ms. Firewood. Pinapapunta ka sa Head Mistress Chamber... Walang nakalagay kung bakit at excuse ka daw sa susunod mong mga subjects." Pagbabasa ni Professor at binigay sa akin ang sulat.

_______________________________________

Dear Professor Grace,

Maari mo bang ipaalam kay Ms. Firewood na pumunta siya sa aking Chamber pagtapos ng klase niyo. Pakisabi na din na excuse na siya sa mga susunod niyang klase.

Salamat!

-Head Mistress

_______________________________________

Ano nanaman kayang kailangan ng Head Mistress? Ipaglalaban nanaman ba ako? May papahanap sa akin?

"Osiya, mauuna na ako. Ikaw na bahala dito." Pagpapaalam ni Professor at lumabas na ng classroom.

Tumango nalamang ako sa kanya at inayos ang mga upuan, sinara ang mga bintana at binura ang mga nakasulat sa black board.

Nang matapos ako ay inayos ko ang aking mga gamit at pumunta sa mesa ni Professor para isama si Yuma sa pagpunta ko sa Head Mistress Chamber. Lumipad ito at dumapo sa balikat ko.

Paglabas ko ay sinara ko ang pintuan ng bago nagsimulang maglakad.

Maraming mga grupo ng magkakaibigan ang masayang naguusap at nagtatawanan sa hallway.

Grabe inggit ako sa kanila. Wala kase akong kaibigan simula maliit pa ako. Yung iba kinakatakutan ako pero kung hindi nanaman ako kinakatakutan ay ginagamit naman ako para sa mga gusto nilang makuha.

Kaya mas ayos na ako na magisa kesa naman plastikin nila ako dahil sila'y natatakot at napipilitan lang.

Pero sa tingin ko masayang may kaibigan. May makakausap ka, may dadamay sayo at laging nandyan sa tabi mo.

Hay~ Sana kase hindi nalang ako rank S...

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pinto ng Head Mistress Chamber.

Ok Vanessa!

Inhale~

Exhale~

Kaya mo yan! Kahit ano pa yan!

Dahan dahan akong kumatok at may narinig akong nagsalita ng 'pasok' mula sa loob.

Huminga olit ako ng malalim bago dahan dahang binuksan yung pintuan.

Nang mabuksan ko ito nagulat ako sa nakita. Nandito sila Mama, Papa, Liesse at Kuya Hunter. Bat sila nandito? Kinabahan tuloy ako ng wala sa oras.

"Good afternoon po!" Sabay pagyuko ko at sinara ang pintuan.

Inikot ko ang tingin ko sa loob ng Head Mistress Chamber at napansin kong nandoon ang ibang Sodiac Ministry of Magic, hindi ako nagulat ng makita ko sila dahil halos tuwing huling linggo ng buwan ay may experiment silang ginagawa sakin at lagi silang may pinaparesearch sakin.

Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung nagiisang lalaking nakawhole body suit na puting puti. Sino siya?! Parang hindi siya taga dito at wala akong nakikitang aura na nakapalibot sa kanya. Pero marami akong naririnig na nagcliclick sa suit niyang suot. Ano yun?!

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon