CHAPTER 4

15 1 0
                                    

Saturday na at nakausap ko na rin sila Marco na bigyan kami ng tickets para mamaya. Tatlo lang kami nila Bei at Allison, dahil yung ibang tropa ay busy daw. Buti naman at hindi busy ngayon si Bei, akala ko nawalan na ng time sa akin. PSHH That bitch. Pero ang kasama ko lang sa sasakyan ay si Allison lang. Si Bei naman daw ay kitain nalang namin doon sa arena. Iniwan nalang ni Kenji sa lobby ng condo ko yung susi noong gabi na siya ang kumuha ng kotse ko.


As usual kinwento ko kay Allison yung ginawa sa akin ni Kenji na hinatid niya ako at kinuha niya yung kotse pabalik. Pero iba na ngayon hindi na ako nagkukwento ng naiinis kay Kenji para akong kinikilig na ewan ko. Parang tanga lang. Nagddrive ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Si Allison ang unang nakakita noon dahil naddrive ako at hindi ko pa makikita.


"OMG!" Matinis na boses niyang sinabi 


Nainis ako bigla dahil sa tinis ng boses ni Allison akala mo naman sa kanya nag dm. 


"Sino ba yan? Makatili kang gaga ka" Sabi ko sa kanya habang nagddrive


"Si Kenji" Kinikilig niyang sinabi


I bit my lower lip para mapigilan yung pagngiti ko. Hindi ko muna sinagot si Kenji dahil nga nagddrive ako. Mabuti nalang at traffic kaya masasagot ko na yung dm sa akin ni Kenji.


Iversonkenji

Manonood ka?


lorrainegon

Bakit mo tinatanong? Miss mo na ko?


Iversonkeji

No gago bawal magtanong? 


lorrainegon

Oo


Matipid kong sinagot dahil nag green light na rin. Pagkadating namin sa arena ay agad ko rin naman nakita si Bei. Napagkasunduan naman namin na sa parking na kami magkikita. Dahil nga nauna si Bei ay siya na ang kumuha ng ticket kay Marco. Sobrang lapit naman ng upuan namin sa may court, malapit kami sa upuan ng ibang players at pati na rin ng mga coach. Nakakatakot dahil baka matamaan kami ng bola, yung make up ko baka pumangit. Argh!

Nasa gitna ako nila Bei at Allison. Hindi naman ako makatakas sa mga tanong ni Bei dahil hindi ko pa naman naikukwento sa kanya na si Kenji yung nag uwi sa akin. Si Allison naman todo asar parang sila na nga mag kaibigan eh parang wala ako sa gitna nila. Friends sila agad?!


Nagkwento na ako kay Bei dahil sigurado ako hindi ako titigilan neto babeng 'to. 


"Actually alam mo may puso rin pala yung asungit nayon no?" Sabi ko kay Bei


"Ewan ko sayo ikaw kasama eh, ano pa ba ginawa niya bukod sa ihatid ka at alagaan ka?" Tanong ni Bei dahil wala pa naman siyang idea binalikan ni Kenji yung car ko sa bar. Kinikilig siya. What's wrong with my friends parang sila yung nasa posisyon ko.


"Bumalik siya ng bar just to get my car"


Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now