CHAPTER 2

25 1 0
                                    

Buong araw kaming hindi nagkita nung nakakaasar na lalaki kasi para saan pa? Pero mamayang gabi may dinner daw kami ulit kasama sila. Dahil pag gantong business trips naman nila sumasama lang naman ako sa kanila. Sobring boring lalo na kapag hindi yung Daddy ni Bea yung kasama niya kasi hindi rin kasama si Bea kapag ganon.



Pagdating namin doon nakaupo na yung mga Aquilles, halata mo sa mga itsura nilang nagaantay na talaga. Si Kenji naman mukhang bagot na bagot na nakaupo doon. 



"Goodevening Mr. and Mrs. Gonzales" Bati nung mama ni Kenji at nginitian dina ako I gave her a soft smile


Ganoon din ang ginawa ng pamilya ko sa kanila beso beso. Hindi ko alam bakit sobrang close nila Daddy siguro business partners sila kaya ganon na rin kung paano sila makitungo sa isa't isa. Professional naman sila kung paano sila mag usap, kaya baka business partners nga rin sila. 



"Kenji samahan mo si Lorraine mamaya para makapag ikot siya dito" Sabi ng Daddy niya na halos mapunit yung labi niya sa sobrang ngiti. 



Parehas kaming nagulat sa sinabi ng Daddy niya. Pero wala na rin kaming nagawa dahil wala na rin naman kaming magagawa. Si Bea naman hindi niya ko sinamahan kasi umiikot daw yung tiyan may kung ano atang nakain. Kaya bago kami umalis doon nag usap muna kami ni Kenji kung anong oras kami magiikot dito sa resort. Gusto ko sanang tumanggi kaso baka tanggalan ako ng allowance ni Daddy atsaka nakakahiya rin sa parents ni Kenji,. Ampon lang kaya siya? Bakit ang layo ng ugali niya sa parents niya?



"Hoy ano magtititigan nalang ba tayo dito wala kang balak planuhin kung anong gagawin natin mamaya?" Sinabi ko iyon ng hindi siya tinitignan.



"Magtititigan eh hindi ka nga makatitig sa  akin ng maayos" Mayabang niyang sinabi.



"Ano ba kasing plano? Anong gagawin mamaya? Atsaka bakit ikaw pa hindi pa ako nakakakita ng tour guide na pangit at masungit" Sinabi ko iyon ng hindi parin siya tinitignan.



"Ano bang gusto mong gawin mamaya?" 



"Pervert!" Haharap sana ako sa kanya pero sobrang lapit niya na pala sa akin



Tumawa lang siya. Ano bang nakakatawa doon?



"8 pm sa may tapat ng bar" He smirked at me before leaving



Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na papuntang room namin. Nagsuot lang ako ng beach dress na yellow at sandals. Naglagay na rin ako ng onting make up para naman di ako magmukhang patay.



"Ayos na ayos tayo ah" Pangaasar ni Bea

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now