CHAPTER 14

9 0 0
                                    

R-18


Pagkatapos ng championship nila Kenji ay finals week na namin. Kaya naging busy kami pareho. But we still make time for each other. Minsan sabay kaming nagaaral at gumagawa ng plates. Pumupunta siya sa condo ko o di kaya ako naman ang pumupunta sa condo niya. Madalas ay sa unit ko na siya natutulog. Nagtutulungan kami pag nahihirapan kami.


"Bei anong puedeng regalo?" Tanong ko sa kanya magkasama kasi kami ngayon. Nagpapasama siya may bibilhin daw na libro. 


"Sakin ba?' Sagot niya "Okay na 'ko sa sapatos, may bagong labas nike" Tumawa ito na parang nangaasar


"Tanga sa jowa ko" Hinila ko ng kaunti ang buhok niya


"Something siguro na maaalala ka niya" Tumingala ito na para bang nagiisip "Puedeng necklace, or kaya watch" Biglang lumiwanag ang mukha neto.


"Pang first anniv tas sabay na rin sa birthday niya" Tanong ko sa kanya. Dahil ang birthday ni Kenji ay one week after ng anniversary namin. Bibilhan ko nalang siya ng dalawang gift. 


Pagkatapos namin bumili ni Bei ng libro niya ay nagtingin nalang ako ng puedeng ibigay sa kanya. I ended up buying a watch pinacustomize ko na rin ito at pinalagyan 'yong likod ng mismong bilog ng name niya. 'Kenji'. 


"Bibili ka pa ng necklace?!" Sigaw sa niya sa akin


"Bibili ka pa ng necklace" I mocked her. "Oo magkahiwalay 'yon syempre" Gusto ko kasi maging memorable lahat ng first namin na magkasama. Tulad nitong first anniversary at first birthday niya na kasama ako. 


"Ang gastos mo" Sabi niya habang nagtitingin din ng mga accessories doon 


"Pag nagkajowa kang gaga ka, wag ka magreregalo ah tignan lang natin" Nginisian ko siya at inirapan niya na lang. Binilhan ko siya simple gold necklace lang. 


Ipapatago ko muna kay Bei yung mga binili ko dahil next week pa naman 'yon. Mahirap na dahil lagi kami magkasama ni Kenji. Babalik din ako sa school mamaya. Nasamahan ko si Bei ngayon dahil mahaba haba ang vacant ko. At wala rin namang pasok ngayon si Bei. Si Kenji naman ay nag lunch kasama ang team nila. Lilipat na daw ata kasi 'yong coach nila. 


"Invite moko ah!" Sabi ni Allison habang nagaantay kami ng prof


"Oo nga alam ko namang gustong-gusto mo makita si Marco eh" Pangaasar ko sa kanya. Sa birthday pa ni Kenji ko siya isusurprise. Sa anniversary ay mag didinner lang kami. Gusto niya daw ng steak. 


Kasama ko na si Kenji ngayon. As usual magkakasama nanaman kaming nag lunch. Si Kenji na lagi ang nagoorder ng lunch ko. Sabi ko sa kanya palagi, kung anong order niya ay iyon na din ang akin. 


Pagkatapos namin mag lunch ay magkakasama parin kami. Papunta kami ngayon sa kakabukas lang na ice cream shop malapit dito sa campus. Sa 1 year namin na magkasama ni Kenji ay naging kaibigan ko na rin ang mga kaibigan niya. 3rd year na kami ngayon at nagtutulungan parin kami ni Kenji pagdating sa acads. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now