CHAPTER 18

10 0 0
                                    

Pagkauwi ko galing kila Kenji ay naabutan ko si Bei na nanonood ng netflix. Sinamahan ko nalang siya manood dahil wala naman ako gagawin buong araw. Hindi ko parin makalimutan 'yong yakap niya kanina kung puede lang na wag muna siya bitawan ay gagawin ko. Pero hindi eh. 


"Ano nangyari kanina?" Sabi ni Bei habang nakatingin parin sa tv "Nakausap mo na ba. Naalala ka na?" This time tinignan niya na ako at pinatay na ang tv. 


"Hindi parin" Malungkot kong sinabi "Binigay ko sa kanya 'yong watch na bigay ko nooN. I'll wait Bei"


"Paano pag may nahanap siyang iba along the way?" Seryoso niyang sinabi


"Hindi ko alam. Magiging masaya nalang ako para sa kanya. Mahirap ipilit sarili Bei" Paiyak nanaman ako "Basta sasamahan ko siya. Sabi niya rin na sabay daw kami magenroll"


"Gusto mo punta tayo bataan?" Sabi ni Bei "Sama natin buong tropa. Pati sila Kenji kakausapin ko sila Cullen para sumama rin"


"Hindi papayag 'yon" Sabi ko


"Tara na akong bahala. Malay mo sa paraan na 'yon maalala ka niya"Pagkumbinsi niya sa akin. 


"Sige basta magkahiwalay kaming sasakyan. Ako magddrive sakin kana sumama" Sabi ko sa kanya. 


"Okay tawagan ko lang sila" Sabi ni Bei at nagsimula ng kumontak ng mga kaibigan namin. 


Lahat ay natawagan ni Bei may mga hindi pa sure sa kaibigan ni Kenji. Sa mga kaibigan naman namin ay lahat pumayag. Kay Cullen nalang pinacontact ni Bei si Kenji para daw mapapayag niya lalo. Isasama ko sana si Allison kaso lang wala ata sila sa pilipinas ngayon.


"Ano, okay kana?" Sabi ko pagkababa niya ng cellphone "Gusto mo lang mag beach eh nahiya ka pang sabihin ng deretso" Sabi ko sa kanya at tinawanan. 


"Ano ka ba! Parehas lang 'no" Sabi niya at tumawa na rin.


Hanggang ngayon tuwing tumatawa ako, hindi ko parin maramdaman na masaya talaga ako. Dahil sa nangyari sa amin ni Kenji. Di ako susuko Kenj. 


"Dahil jan kailangan natin mag shopping? Pinangtaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya  "Para may bago tayong susuotin. Let's go naaaaa" Sabi niya sa akin na parang batang nagmamakaawa. 


"I'm tired. Bukas nalang" Sabi ko sa kanya at pumasok na sa kwarto at natulog muna.


Nagising ako sa maingay na kalabog mula sa sala. Naghilamos muna ako at inayos ang buhok bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko andon na ang mga kaibigan ko kumpleto sila ngayon. Sina Denise, Veronica, Bei. Sila Marco, Joaqs at Charles  naman ay naka jersey shorts pa mukhang kagagaling lang sa laro nila. May apat na box na pizza silang dinala. Pinagtataka ko kung bakit walang alak. Nanibago ako sa mga gago.

"Putangina niyo ang ingay niyo" Kinusot ko ang mata ko


"'Di ka pa ba sanay?" Sabi ni Denise

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now