CHAPTER 23

15 0 0
                                    

Buong year ay ganoon lang ang naging buhay ko. Syempre, hindi niya parin ako naalala. Pero okay lang, magkasama naman kami lagi. Syempre, hindi lang naman kami, kasama din 'yung mga kaibigan niya at si Allison. Wala kamj choice pareho. Hindi niya naman ako pinalayo noong magkasama kami palagi. Kaya I'm happy. Pero sad at the same time, kasi hindi niya parin ako naaalala. 


It's been a year, baby.


Kahit mag isa lang ako ay cinelebrate ko ang 2nd anniversary namin. Kasama 'yung mga kaibigan ko. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na 'Celebrate tayo kahit di mo ako naaalala' Ang pangit tignan, kaya ako nalang mag isa. San pa ba? Edi sa club. 


Si Allison ang kasama kong mag enroll ngayon, for our fifth year. Ga-graduate na kami pero hindi niya pa rin ako naalala. Sabi niya non gusto niya ako kasama palagi sa mga sa mga achievements niya. Hopefully, maalala niya ako bago kami gruamduate. Hindi parin ako susuko 'no. Pang mahina lang 'yun. Si Kenji ay sila Noah ata ang kasama niya na mageenroll. Sumama ako dito kay Allison, dahil nagtampo noon, bakit daw hindi siya ang kasama ko. Parang gago lang. 


Tuwing magkasama kami ni Kenji ay lagi akong nagkukwento sa kanya ng mga memories namin noon. Binigay ko na rin sa kanya, iyong dalawa niyang necklace. Sinabi ko, na kung anong meaning noon 'L' doon. Tinanggap niya naman 'yun. Sinuot niya pa 'yung binili niya na, yung silver. Kasi daw special daw sa kanya. Buti pa 'yon naaalala niya. Bwiset. Char lang. 


"Mall tayo after" habang tinitignan niya ang form


"Okay" matipid kong sagot


"Tanginang sagot yan"


"Ano ba gusto mong sagot? 'Okay po kain ka mabuti ha, hart hart'"


"Puede rin" 


Dapat ako ang mangiinis sa kanya eh, pero bakit parang ako ang nainis niya? Ang unfair. 


Pagkatapos namin mag enroll, ay dumeretso nga kami sa mall ni bruha. Ako na ang nagdrive, dahil sinundo ko siya kanina. Obviously, wala siya dalang kotse, kasi nag sinundo ko. Ang ingay parin niya kahit sa sasakyan. 


"Hoy tanga, ang lakas" pagsaway ko sa kanya. Feel na feel niya pa ang pagkanta, parang nakakarelate sa kanta kung makasabay. 


Nang matapos niya ang isang kanta ay naghanap siya ulit ng bago sa cellphone niya. Ang tagal bago makahanap. 


"Ayan eto maganda 'to" sabay baba niya ng cellphone


"Ano yaaaaan?" natatawang tanong ko sa kanya. 


"Inisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sayo" nakahawak siya ngayon sa dibdib niya, parang nasaktan. 


"Itigil mo nga!" natatawa parin ako kasi feel na feel niya.


Ayaw niya paring patayin, kaya ako na mismo ang naglipat noon. Sakto kasunod nito yung 'best part'. Kaya sinasabayan ko, namiss ko nanaman siya.


Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now