CHAPTER 8

14 0 0
                                    

"Bei bilisan mo na" Pangmamadali ko kay Bei. Ngayon 'yong araw ng game ni Kenji. Tinapos ko na muna 'yong mga dapat tapusin para hindi ako matambakan. Hindi ko na sinabi sa kanya na pupunta ako, makikita niya naman siguro ako doon. 


"Teka lang shuta ka" Sabi ni Bei habang nagsasapatos. Naka La Salle shirt ako ngayon at si Bei naman ay white. Dahil hindi naman siya puedeng magsuot ng blue kung hindi naman ateneo ang maglalaro. FEU ang kalaban nila Kenji ngayon. 


Ako na ang sumundo kay Bei dito sa katipunan dahil, kawawa naman sasakyan ko hindi nagagamit. Bago umalis ay bumili muna kami ni Bei ng snacks sa convenience store, puede namang sa arena na pero hindi ko gusto ko 'yong mga pagkain doon. 


"Bakit ba excited na excited ka?" Tanong ni Bei habang nagtitingin ng drinks niya


"Wala. Bawal ba?" Sagot ko sa kanya 


"Ano na bang meron kayo?" Agad siyang tumitig sa akin at pinanliitan ako ng mata


"Ewan ko." Maikling sagot ko dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi ko rin alam kung anong meron kami.  


Pagkasakay namin sa kotse ay akala ko titigilan na ako ni Bei sa mga pagtatanong niya. Pero hindi. Ayaw niya ako tigilan kasi baka daw nilalaro ako Kenji, hindi ko rin talaga alam kung anong meron. 


"Puede ba 'yong ewan mo lang?" Sabi niya sa akin habang kumakain ng ice cream


"'Yang ice cream mo pag tumulo sa kotse ko, papababain talaga kita" Pagbabanta ko sa kanya. Ang kalat pa naman kumain kala mo bata. 


"May holding hands tapos magkasama kayo lagi, wala lang 'yon?" Tanong  niya sa akin


"I don't know okay?" Inis na sinabi ko sa kanya habang nagddrive


Tumigil na siya sa pagtatanong dahil siguro ang inis sa boses mo ay nagsilbing hint sa kanya na tumigil na siya. Pagkarating namin doon sa may arena ay ang ingay na dahil sa mga cheer nila. Wala pa ang mga players pero nagcchant na ang bawat side ng cheer ng school na sinusuportahan nila. 


Mas umingay ang arena ng lumabas na ang players ng FEU. Sunod naman ang players ng La Salle. Nakita ko naman agad si Kenji na suot ang white jersey nila ngayon at naka white basketball shoes din siya. Nakakunot ang noo neto sa hindi ko alam na dahilan. Pumunta na siya sa bench nila at uminom na muna ng tubig dahil magwawarm up na sila. Nang magtama ang tingin namin ay agad naman lumiwanag ang mata niya at kinuha ang cellphone niya. Biglang tumunog ang cellphone ko at may dm si Kenji. 


Iversonkenji

-Akala ko hindi ka makakapunta. 


lorrainegon

-Andito na ako oh. Galingan mo asungit!


Iversonkenji

-Dinner after ng game? Sama na natin si Bea.

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now