CHAPTER 5

11 1 1
                                    

"He's not my boyfriend!"


"She's not my girlfriend!"


Sabay naming sinabi kay Kenji ng may gulat at tumawa lang 'yong cashier dahil doon sa sinabi namin. Sobrang awkward tuloy namin sa loob ng kotse. Kaya umidlip nalang ako dahil sabi niya kanina ay 1 hour pa naman daw bago kami makarating doon sa tagaytay. Nagising ako ng maramdam na may humahawak sa ulo ko pero nagulat ako ng bigla niya akong batukan.


"We're here." Sabi ni Kenji pagkatapos niya akong batukan


"Putangina mo Kenji Aquilles" Papaluin ko pa sana siya sa braso ng makalabas na siya agad ng sasakyan. Bwiset na 'to


Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kotse. Padabog kong isinara 'yong pintuan dahil sa inis ko sa kanya. Bago kami pumasok ay may kinausap muna si Kenji sa cellphone niya at ako naman naiinip ng nagaantay sa kanya.


Andito kami ngayon sa may maliit na building na may nakalagay na 'KICKS PH'. Natapos na si Kenji sa kausap niya at pumasok na kami. Maganda 'yong pagkakaayos ng mga sapatos dito pero wala akong nakikita ni isang slides. Baka nga siguro talaga nasabihan na ni Kenji 'yong kaibigan niya na ireserve na 'yon.


Wala pang 5 mins ay may lumabas ng lalaki na naka black polo shirt at bomber jacket at naka jeans lang ito at white shoes. Matangkad siya at may itsura din mas pogi pa rin si Kenji pero feeling ko ay mas mabait itong kaibigan niya.


"Kenji!" Sabi noong lalaki na kaibigan ata ni Kenji


Lumapit naman si Kenji sa kanya at nakipag bro hug sila. The usual. Nag usap muna sila saglit bago ako ipakilala ni Kenji.


"Uh this is Lorraine" Sabi ni Kenji "Siya 'yong kukuha sayo nung last pair"


Agad namang lumapit sa akin yung lalaki at nagpakilala.


"Jared,nice to meet you" Naglahad naman siya ng kamay at kinuha ko na 'yon para makipag hand shake. Nginitian ko nalang siya. Agad namnag tuminging kay Kenji si Jared.


"Girlfriend mo bro?" Sabi ni Jared


"No, kunin mo na yung last pair bilisan mo" Masungit na sinabi ni Kenji akala mo siya magbabayad.


"Chill, ang init nanaman ng ulo mo" Tumawa nalang siya tumalikod na para maglakad at kunin na 'yong last pair.


Pagkabigay naman sa akin ng slides noong lalaki ay sinukat ko nalang at binayaran 'yon. Pagkatapos noon ay umalis na rin kami kaagad ni Kenji at nag drive na siya. Paagkasakay namin ay agad siyang nagtanong .


"San tayo kakain?" Nagtanong siya habang nagsususot ng seatbelt


"Hindi ko alam. Saan ba may bulalo?" Sabi ko dahil nilalamig na rin ako at nasa tagaytay na rin naman kami kaya bakit hindi pa bulalo kainin.


Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now