CHAPTER 17

13 0 0
                                    

It's been five months...


It's been five months pero hindi parin siya gumigising. Finals na namin pero hindi pa rin siya nagigising. 


Dito muna tumira si Bei. Minsan ay pumupunta din ang iba naming kaibigan. Dito sila sa condo ko nag oovernight minsan. Sa loob ng 5 months hindi nila ako iniwan mag isa may kasama ako laging isa sa kanila. Pag naiiwan ako mag isa ay hindi ko napipigilang umiyak. Lalo na sa condo ko dahil masyadong maraming nangyari doon na masaya. Sinabi rin nila tita na ako muna ang magbantay sa condo niya. Kaya pinupuntahan ko 'yon once a week at nililinisan. 



Araw-araw kong pinupuntahan si Kenji. Doon na rin ako nagaaral minsa. Doon na ako gumagawa ng plates ko. Hindi ko pialagpas ang isang araw na hindi ko siya pinupuntahan. Pag andon ako ay lagi ko siyang kinakausap. Para hindi niya ako makalimutan pag gising niya. Sabi rin kasi ng doctor ay kausapin daw namin siya. 


Minsan ay hindi ako makapagfocus sa school dahil iniisip ko lagi si Kenji na walang malay. Pero iniisip ko rin na kapag hindi ako nag focus ay hindi niya ito magugustuhan. Iniisip ko nalang lagi ang pangarap niya para sa aming dalawa. Simula noon ay marami na siyang pangarap para sa aming dalawa. Kahit bata pa kami ay punong puno na siya ng pangarap sa buhay. 


"Anong gagawin mo pag hindi ka na niya maalala?" Tanong sa akin ni Denise. Andito kasi ang mga bruha. Sila Marco namana ay may training pa. Ganito ang ginagawa nila pag weekend, andito sila sa condo ko parati. Pero pagkatapos noon ay pupunta rin ako kay Kenji para mabantayan siya. Nagsasalitan kami nila mommy at nila tita. Minsan pag wala kami ay ang mga kaibigan niya ang nagbabantay sa kanya o di kaya ang mga kaibigan ko. 


"Hindi ko alam" Habang nakatingin parin sa kinakain ko "Siguro tutulungan ko muna siyang makarecover. Pero kung sakaling hindi niya ako maalala, sasabihin ko naman sa kanya"


Hindi ko alam kung anong sasabihin kung sakaling magising na siya. Napatigil ako sa pagkain ng biglang tumawag si tita.


"Hello tita bakit po?" Sabi ko sa kanya sa kabilang linya


(Lorraine si Kenji) Sabi ni tita habang umiiyak


"Ano pong nangyari?" Pinipilit kong kumalma


(Gising na) 


"Sige po papunta  na po ako" Sabi ko at ibinaba na ang tawag. 


Ito na 'yon. Dumating na ang araw kung saan malalaman ko kung maaalala pa ba ako ng taong mahal ko. Sinabi ko sa sarili ko na kahit anong sabihin niya ay tatanggapin ko 'yon. Ipapaalala ko sa kanya ulit lahat. Mananatili ako sa tabi niya kahit pa itaboy niya ako. 


Pare-pareho kami ng mga kaibigan ko na pumunta ng hospital. Sasakyan ni Bei ang gamit namin ngayon. Pagkdating ko doon ay halos manginig na ako dahil sa kaba natatakot ako. Masaya ako na magigising na siya pero kapag naiisip ko na maaaring hindi niya na ako maalala ay nasasaktan ako. Hindi lang para sa akin pero para na rin sa kanya. 


Nagsuot muna ako ng gown bago pumasok sa kwarto kung nasaan siya. Nakita ko naman si tito at tita na nakatayo na sa gilid. Habang si tita ay hawak hawak ang kamay ni Kenji at umiiyak. Ganoon din naman si Kenji at puro 'sorry' lang ang naririnig kong sinasabi niya. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now