CHAPTER 29

13 0 0
                                    

R-18.


"Mom, kumalma kayo" sigaw ko kila mommy


Andito kasi sila ngayon sa unit ko. Pati 'yung parents ni Kenji. Ngayon na malalaman 'yung result ng boards namin. Kanina pa kasi sila lakad ng lakad, akala mo sila 'yung nag take. 'Yung parents naman ni Kenji nakaupo lang pero halatang kinakabahan. 


"Kumalma po kayo" sabi ni Kenji


"Paano kami kakalma?" sabi ni daddy ni Kenji


"Paano kapag may isa sainyong hindi nakapasa" sabi namna ni dad


"Edi uulit po" sabi ko "Kung hindi man po makapasa, may next time pa naman po. Hindi pa naman po end of the world" tumatawang sinabi ko. Pero ang totoo niyang kinkabahan din ako. 


"Ano na plano niyo pag nakapasa kayo ng boards?" tanong ng mommy ni Kenji


"Nakahanap na ba kayo ng firm?" tanong naman ni mommy


"Opo. Nakahanap na rin po kami ng ilang firm para mapasukan namin" sagot ko sa kanila


"Balak ko rin po namin na magsama sa isang firm. Kung matatanggap man po kami" sabi naman ni Kenji. 


"Ang tagal naman" sabi ng mga daddy namin


"Easy ka lang, dad" pinapakalma ko sila 


Hindi pa nailalabas 'yung result sa site. 30 minutes pa. Kaya kailangan namin magantay. Pagkagising namin ni Kenji buti nalang nag shorts ako palabas. Kung hindi baka malaman nila ginawa namin ni Kenji kagabi. Ganoon din naman si Kenji, buti nagtshirt bago lumabas. Umaga palang kasi andito na sila. 


"Wait lang" nakatakip si Kenji sa mukha


"Dali na tignan na natin" sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya


Tig isa kami ng laptop ngayon, para mabilis kami. Para rin sabay namin na makita. Nakaupo kami sa couch namin, habang 'yung mga parents namin ay nakatayo sa harap namin. Para kaming may ginawang kasalanan. 


"Tignan na natin" sabi ko sa kanya


"Okay"


Sabay naming inopen ni Kenji ang laptop namin. Wala akong reaction nang makita ko ang panglan ko. 


Fuck may lisensya na 'ko! Architect na talaga ako!


Tinignan ko naman si Kenji na wala ring reaksyon. Lumapit siya sa akin at may binulong. 


"Let's tell them, we didn't make it" sabi ni Kenji. Kahit hindi ko nakikita mukha niya, I can almost hear him smirking. Gago talaga. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now