CHAPTER 7

19 0 0
                                    

Pagkatapos noong pag punta ni Kenji sa unit ko ay hindi na 'yon nasundan. Nagkikita naman kami sa school, sabay na rin kami kumakain pero kasama parin 'yong tropa niya pati si Allison. Okay na rin 'yon dahil kami nalang lagi magkasama nitong si Allison. 


Napatigil sa pagkain si Kenji ng may lumapit sa kanyang mga student na senior high ata base sa suot nilang uniform. Tumayo naman si Kenji at kitang kita ko sa mga students na 'yon ay kinikilig. Sino ba namang hindi diba? Sakin na yan girls. Char. Lapit na. 


"Hoy baka matunaw" Tinulak ako ni Allison dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala ako titig na titig sa kanya. 


"Gaga" Sinabi ko nalang 'yon bilang palusot atsaka para hindi na rin nila mahalata. 


Pagkatapos naman ng araw ay magkasabay na kaming umuwi ni Kenji. Ganito na kami lagi ngayon dahil ewan ko rin eh. Ang alam ko lang dahil magkatabi lang naman ang building namin. Pero bakit parang may ibang meaning 'to para sa akin. Kay Kenji kaya meron din? 


Kakausapin ko palang sana si Kenji ng biglang dumating yung babaeng tumawag sa kanya ng 'Babe' after noong game niya. 


"Kenji!" Sabi niya sabay beso


Ang hilig bumeso sungalngalin ko 'yan eh. 


"Dinner tayo? Nakapout niyang sinabi kay Kenji "Please?"


Bago pa man makasagot si Kenji ay hinala na siya noong babae. Ang kapal ng mukha tapos ang arte pa. Nag dm naman sa akin si Kenji dahil hindi na nga siya nakapagpaalam kanina. 


Iversonkenji

-Hey Lorraine sorry sa kanina. Babawi ako. I'm sorry. 


lorrainegon

-Bakit ka nag sosorry? Go lang. Enjoy :)


Hindi ko alam kung bakit siya nagsosorry. Nasaktan ako dahil doon pero wala naman 'yon ano bang dahilan? Wala naman diba? Baka girlfriend niya na yung babaeng 'yon. 


Nagbihis naman ako agad dahil susunduin nalang daw ako ni Bei. Ngayon na kasi yung sinabi niyang magcclub daw kami. Habang naliligo ako ay hindi ko maalis sa isip ko 'yong nangyari kanina. Gusto ko na si Kenji tama na pagpapangap. Pero hindi ko rin alam kung ano 'yong sa kanya dahil ang hirap niya talaga basahin.


Paano ko ba naman kasi lagi na kaming magkasama these past few days o marupok lang talaga ako ang bilis kong nagustuhan eh. Ewan ko bahala na. 


"Ang bagal ah" Sinabi ni Bei pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse niya. 


"Ang arte mo, hindi naman ako matagal" Hila ko sa buhok niya. 


Habang nasa daan kami ay tahimik lang ako dahil iniisip ko parin talaga 'yong nangyari kanina. Nabibwiset ako na hindi ko alam. ANO BA TOOOO?!!!!!!!


"Hoy bat kanina ka pa nakatulala jan?" Sabi ni Bei traffic kaya naabot niya ako para batukan

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now