CHAPTER 9

13 0 0
                                    

"So ano na kayo na ba?" Sabi ni Allison sa akin bago siya kumagat sa sandwich niya


"Wala. Ewan ko" Sabi ko sa kanya


"Anong ewan mo?" Sabi niya sa akin nang nakakunot ang noo "Lahat nang 'yon wala lang sa kanya?"


"Tanong ko din yan Allison" Sabi ko sa kanya sa malungkot na boses


Hindi naman na ako kinulit ni Allison dahil umalis na siya at may pupuntahan pa daw siya. Ako namna ay hinihintay nalang si Kenji dito sa parking lot dahil ngayon yung game ni Bei. Si Kenji nalang ang bumili ng ticket namin. Sabay kami ni Kenji na pupunta sa arena ngayon. 


Pagdating namin sa arena ay hindi naman kami agad nakapasok dahil may mga nagpapicture pa kay Kenji. Pagkatapos nilang magpapicture ay umalis na rin mukha silang mga high school palang. Natawa rin ako dahil 'yong tshirt nila ay mukha ni Bei ang nakalagay. 


Hinatak na ako ni Kenji papasok at hinawakan niya nanaman ang kamay ko. Eto nanaman tayo hawak kamay pero hindi alam kung ano sila. Maraming nagbubulungan ng makapasok na kami sa arena hindi ko alam kung dahil kay Kenji o dahil sa paghawak niya sa kamay ko.


"Sino 'yon girlfriend niya na ba 'yon?" Bulong ng isang babae pero narinig ko 'yon kahit bulong lang. 


Mas hinigpitan naman ni Kenji ang hawak niya sa kamay ko at nginitian nalang ako. Nakapwesto kami ngayon sa medyo gitna. May mga katabi kaming mga fans ni Bei, nakita ko nanaman yung malaki niyang mukha. Tumawa nalang ako nang makita 'yon. Nakita ko naman si Bei na nagwawarm up na doon. Pag ganitong may game siya ay hindi na ako nagaabalang itext siya dahil nagagalit siya nag fofofucs daw siya. Pero pag lalaki 'yong lalapit sa kanya. Hala, todo landi si gaga. 


"First time mo manood?" Sabi ko kay Kenji na tahimik lang sa tabi ko


"First ko sa volleyball" Sabi niya sa akin


"Sorry" Sabi ko sa kanya dahil baka napailitan lang siya dahil sa pagdadrama ni Bei. 


"Don't say sorry" Ngumiti nalang siya akin


Nagsimula na ang game, mas lumakas naman ang cheer nila nang ipakilala na isa isa ang players. Mas lumakas pa ito nang ipakilala na si Bea. Sumabay naman ako sa cheer nila. Natahimik ang lahat nang mablock ng kabilang school ang ateneo. Mas naging intense pa 'to sa secondd set. Naipanalo nila Bei ang dalawang set. Kaya isang set nalang ay panalo na sila. Nang third set na ay pantay ang score. Pero natapos ito dahil sa isang quick ni Bei. 


Pagkatapos ng game nila ay agad niya naman akong nakita kaya pumunta muna siya sa side namin after silang kausapin ng coach nila. Sumandal naman siya sa railings at halatang napagod siya sa game nila. 


"Akala ko talkshit kayo eh" Sabi niya habang hinihingal parin


"Andito na nga kami oh tatampo pa eh" Sabi ko sa kanya dahil nakita kong nag pout siya


"San tayo?" Tanong niya bigla pero kay Kenji tumingin. Alam niya siguro na kapag sa akin siya nagsabi ay hindi ako papayag. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now