CHAPTER 11

26 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm ko. Buti naman. Maaga ako nag alarm para makapag prepare ng breakfast namin ni Kenji. Nagluto ako ng  bacon, eggs, at fried rice. Tinimplahan ko na rin siya ng coffee. Habang nagtitimpla ako ng coffee ay bigla may yumakap sa likod ko. 


"Goodmorning" Sabi niya at halatang kakagising


"Goodmorning"Sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagtitimpla "I cooked breakfast" Sabi ko sabay harap sa kanya. I gave him a soft kiss bago ko dalhin yung coffee sa table. 


"Bitin ano ba yan, isa pa" Ngumuso siya sa akin. 


"Kumain na tayo" Tinulak ko ang mukha niya at tumawa. Halata mo sa mukha niya na nainis sa ginawa ko. 


Pagkatapos namin kumain ay si Kenji na ang naghugas. Mapilit eh. Habang naghuhugas siya ay naligo na rin ako. Nagsuot nalang ako ng maong shorts at white tshirt. Pagkalabas ko ay nanonood nanaman siya sa cellphone niya. Kinuha ko ang bagong towel dahil wala siyang nalang towel. 


Binato ko sa kanya ang towel "Maligo kana baka malate tayo" Agad naman siyang tumayo at naligo. Pagkalabas niya ay nakabihis na siya at nakasuot siya ng shorts ang sweatshirt. 


Naglalakad lang kami ngayon. Nakahawak siya sa kamay ko at pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Tinignan ko naman si Kenji at wala siyang balak na bitawan iyon. Binitawan niya lang yung kamay ko ng makarating kami sa classroom. Agad naman naghiyawan ang mga kaibigan niya ng makapasok kami. 


"Bro nung last punta natin sa bar ibang babae lang kasama mo ah" Narinig kong sinabi 'yon ni Cullen kaya napaharap ako sa kanila. Umupo kasi si Kenji doon sa side ng mga kaibigan niya at umupo naman ako dito sa tabi ni Allison


"Gago fuck you" Tinignan ako ni Kenji at nag smile. Agad naman akong nag smile para malaman niyang okay lang 'yon. 


"Kayo na?" Excited na tanong ni Allison


"Obvious ba?" Sabi ko kay Allison


"Ang sungit naman nagtatanong lang eh" Sabi niya sa akin


"OO NGA! Doon siya sa unit ko natulog"


Nagulat naman si Allison dahil sa sinabi ko "So may-" 


"Wala" Pagputol ko sa kanya 


Kinwento ko naman kay Allison 'yong mga nangyari. Kasi hindi ako makatakas sa mga tanong niya. Hanggang sa dumating 'yong prof ay iniinterview niya pa rin ako. Hindi pa siya titigil kung hindi pa kami tatawagin nung prof. Para tuloy kaming high school tinatawag ng prof dahil maingay. 


Nakita ko naman si Kenji na tumawa dahil sa nangyari. Inirapan ko nalang siya bago pinagtuunan ng pansin 'yong prof na nagdidiscuss na. Mabilis lang naman natapos 'yon dahil may meeting pa daw siya. Kaya free cut kami ngayon. Kaya pumunta muna kami ng cafeteria. Kasama ko si Kenji ngayon sa cafeteria siya na ang bumili ng pagkain namin. Nagpabili nalang ako ng potato corner at milktea. Dahil nagyaya ng lunch mamaya si Allison.

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now