CHAPTER 22

11 0 0
                                    

Nagising ako ng around 12, kaya nagluto muna ako ng brunch ko. Medyo late na rin kasi ako natulog kagabi, nagpaint lang, practice ganoon. Namiss ko lang. Pagkatapos kong kumain ay naghugas muna ako, bago ligpitin 'yung mga kalat ko kagabi. Tumawag rin kasi 'yung mga bruha kagabi. Sinabi ko kay Bei na puede na siyang bumalik ulit sa condo niya, dahil kaya ko naman na. 


Naligo na ako after kong magligpit. Naka maong shorts lang ako, green shirt, white sneakers. Nagdala na rin ako ng hoodie. Hindi ko na kailangan sabihan si Kenji na mag hoodie, dahil lagi naman siya nakahoodie. Wala nang bago. Nag blow dry ako ng buhok, naglagay na rin ako ng light make up. 


"Hi" bati ko sa kanya pagkasakay ng kotse niya. 


Tama nga ako naka black shorts lang siya, at green hoodie. 


Wala pang 5 minutes ay nakarating na kami, dahil walking distance nga lang simula sa condo ko. Nagdala siya ng kotse malamang, hindi naman malapit bahay nila dito. Atsaka dederetso na rin kami sa tagaytay. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya na sa tagaytay kami pupunta. Mamaya ko nalang sasabihin after namin mag enroll. 


Pagkadating namin doon ay naabutan namin 'yung mga kaibigan niya. Kaya nilapitan muna namin bago kami pumila. Kanina pa daw sila dito. Nakita ko rin naman si Allison kaya bumati muna ako. Matagal ko rin kasi hindi nakita 'yung bruha eh. 


"San pala tayo pupunta?" tanong ni Kenji sa akin, pagkapasok ng kotse niya


"Tagaytay" maikling sabi ko "GPS nalang dito sa phone ko" 


Nagulat siya dahil sa sinabi ko kung saan kami pupunta. Pero hindi na siya nag reklamo pa. Nag drive nalang. Wala na siya kawala 'no, pumayag na siya. 


"Bakit pala sa tagaytay?" 


"We used to go there" sumulyap ako sa kanya na nakatingin parin sa daan "Roadtrip. Tapos overlooking. Lagi tayo andoon" 


"Lagi?" tinignan niya ako saglit "Sino nagddrive?"


"Oo. Syempre, ikaw, ayaw mo na ako nagddrive" tumawa ako "Kasi sabi mo, you find it weird" napatigil ako ng maalala 'yung nangyari sa sasakyan ko noon. 


"Ow" natwa rin siya sa sinabi ko "Gusto mo magsnack muna?"


"Drive thru nalang"


Nang may makita kaming MCDO ay doon nalang kami nag druve thru. 'Yun rin ang gusto niya kaya, nagkasundo naman kami. Parehas kaming burger ang inorder, at coke floar. Nagorder na rin ako ng BFF fries para sa aming dalawa. Ouch, BFF lang. Char. 


"Please open teacher" sinabi niya 'yun na parang bata. Hindi niya kasi mabuksan 'yung burger niya, dahil nga nagddrive siya. 


"Sira" natawa rin ako at inabot na 'yung burger. 


Pagkadating namin sa may overlooking. Hindi niya rin maalala na kasama niya ako papunta doon. Basta ang alam niya ay pumupunta siya roon. Nang makarating naman kami doon sa matarik na part, naging gentleman naman siya at inalalayan ako. Pero this time binitawa niya rin agad kamay ko. Dati ayaw na ayaw mong bitawan. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now