CHAPTER 12

9 0 0
                                    

Pagkapasok namin sa room ay nagulat ako ng bigla akong isandal sa may pintuan. He kissed my lips. His tongue slips inside my mouth....


"Sir Kenji"Tawag ng empleyado sa labas ng pintuan. Siguro ay sila na yung mga kumuha ng gamit namin sa kotse.


"Fucking shit" Bulong ni Kenji at tumigil sa paghalik 


"Wrong timing ka kasi palagi" Tinawanan ko nalang siya at umupo na sa gilid ng bed. Siya naman ay kausap na yung empleyado na inutusan niya kanina. 


Pununtahan ko si Kenji sa may pintuan dahil ang tagal niyang kinausap 'yong empleyado. Kinakausap niya 'yon dahil nagpapahanda siya ng activities namin para bukas. Napagusapan na rin naman na bukas ng tanghali na kami uuwi. 


Hinubad ko na ang hoodie ko ng maramdaman ko na ang init dahil hindi pa naman nakabukas ang aircon at hindi ko na rin muna pinabuksan 'yon kay Kenji dahil magiikot rin naman kami mamaya sa tabing dagat. Ganon rin ang ginawa niya at natulog muna kami saglit dahil napagod rin kami sa byahe papunta dito. Lalo na si Kenji dahil siya ang nagdrive. 


Nauna akong magising, pero naramdaman ko parin sa tabi ko si Kenji na nakayakap parin sa akin. Dahan dahan kong tinanggal 'yong kamay niya sa bewang ko. Tumayo na rin ako para . Ginising ko na rin si Kenji pagkatapos kong makapagpalit. Hindi na siya nagpalit ng kanyang shorts iyong pang itaas niya nalang ang pinalitan niya. Nagsuot lang siya ng short sleeve na polo.

 

Kakain daw muna kami bago kami makapagikot. Iyon ang napagplanuhan namin bago kami matulog. Hinihintay nalang namin 'yong order. Mukhang takot talaga ang mga empleyado nila dito kay Kenji napansin ko iyon dahil sa tuwing tatawagin sila ni Kenji, ay halata sa mga mukha nila na kinakabahan sila. 


Pagkdating ng pagkain ay hindi man lang sinulyapan ni Kenji ang empleyado. Ang sungit. Sinipa ko  siya sa ilalim ng upuan para senyasan siya na kahit mag 'thank you' man lang sa kanila. 


"No" Mariin na sinabi ni Kenji


"Go na hindi kita tatabihan mamaya pag hindi ka nag 'thank you'" Madiin kong sinabi sa kanya 'yon. Hindi naman siya makapaniwala na sinabi ko sa kanya 'yon ngayon. Dapat maging mabait siya sa mga empleyado niya dahil in the future siya na rin ang magmamanage nitong resort nila. 


Inirapan niya nalang ako at pilit na nag 'thank you' doon sa empleyado. Kita ko sa mukha ng empleyado nila na nagulat dahil sa sinabi ni Kenji. Kita ko rin naman na pinipigilan niya ang pag ngiti niya. Nang makaalis na ang empleyado ay kumain nalang kami ni Kenji. 


"Oh diba mas maganda pag mabait ka sa kanila" Sabi ko "Mabait naman sila ikaw lang talaga itong masungit" Nagpatuloy na ako sa kinakain ko. 


"Hindi ako masungit hindi ko lang talaga sila pinapasnin" Pagtigil niya sa pagkain  niya "Natapunan kasi ako ng tubig ng isa sa kanila noon" Masungit niyang sinabi


"Hoy Mr. Aquilles, hindi porket natapunan ka ng isa sa kanila noon, pagiinitan mo na sila lahat ng ulo" Pangaral ko sa kanya "Ako nga natapunan mo ng shake non, ano  mo na ko ngayon?" Tanong ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now